Ayen's POV
Lumipas ang 2 linggo.
Ngayon na ang byahe namin papunta sa isang school kung saan gaganapin ang interhigh.Susunod nalang daw si Lorie at Dana kasama yung ibang kaklase namin para makapanuod ng laban namin.
"Nandun na yung bus sa labas. Pumunta na kayo dun. Makakasama nyo pala ang basketball team dun. Yung ibang team ng sports, umalis na. Tayo na lang ang natitira kaya bilisan nyo na," sabi ni maam Rosa samin.
Nagmadali naman ang mga kateamates ko papunta sa bus. Yung iba tumatakbo na palabas ng gate.
"Bilisan mo girl. Tatabihan ko pa si Migz. Hehe."
"Pwede ko kayang tabihan si Michael? Wala naman dito si Dana eh."
"Sana wala pang katabi sila no. Lalo na si Axel."
Rinig kong sabi ng mga kateamates ko.
"Mauna pala ako sayo Ayen. Baka tabihan nila ang baby ko eh," sabi ni Dina sakin habang naglalakad kami.
"Haha! sige," sagot ko.
Tumakbo na rin sya.
Huli akong pumasok sa bus.
Nakita kong magkatabi sina Dina at Mark. Si Yana naman nasa likod nila katabi ang isang basketball player din. Si Joshua at Michael ang magkatabi.
Naghanap ako ng mauupuan habang naglalakad. Nakita ko rin si Migz katabi at kausap ang isang kateamate ko.Naku naman.
Bakit di ko naisip na madami pala kami."Ayen may bakante pa dyan!" rinig kong sabi ni Mark.
"Sa tabi ni Axel!" si Joshua.
Hinanap ko si Axel.
Nakita ko syang nakasandal sa bintana habang natutulog.Yung tabi na lang nya ang bakante. Kaya dahan dahan akong umupo sa tabi nya.
Akala ko ba may tatabi sa kanya.
Nung dumating na sina maam Rosa at sir Topaz, umalis na kami.
Naglagay ako ng headset sa tainga at nakinig na lang sa music na nilagay siguro ni Axel sa cellphone na bigay nya.
Paminsan minsan rin akong tumitingin sa kanya.
Hindi ba sya nahihirapan sa pwesto nya.~If I had to live my life without you near me
The days would all be empty
The nights would seem so long
With you I see forever,oh,so clearly
I might have been inlove before
But it never felt this strong~Sumandal ako sa upuan at tumingin lang sa kanya habang nakikinig ng kanta.
~Our dreams are young and we both know
They'll take us where we want to go
Hold me now,Touch me now
I don't want to live without you~Napakaamo ng mukha nya.
Napangiti ako ng kamutin nya ang ilong nya.~Nothings gonna change my love for you
You oughta know by now how much I love you
One thing you can be sure of
I'll never ask for more than your love~Gustong gusto talaga kita Axel.
Ano kaya ang tingin mo sakin?~Nothings gonna change my love for you
You oughta know by now how much I love you
The world may change my whole life through
But nothings gonna change my love for you...~
BINABASA MO ANG
Devoted Heart (HS1)
RomanceThis is a story about love and loyalty despite of pain, tears and trials. Si Ayen Grace Fernandez ay isang ordinaryong babae. Isa siya sa mga nagkakagusto sa School Hearthrob nila na si Axel James Garcia. Mas lalo ba siyang magkakagusto sa ora...