Ayen's POV
Nakatingin lang ako sa kabaong ni papa habang nililibing ito. Lumingon ako kay mama na kanina pa humahagulhol. Nakaluhod siya malapit sa kabaong ni papa. Inaalalayan siya ni Ayan. Parang pinipiga ang puso ko sa nakikita.
Papa kung nasaan ka man sana mapayapa at masaya ka. Alam kong lagi mo kaming babantayan. Hindi ka namin makakalimutan. Mahal ka po namin.
Napalunok ako.
Nakayakap sakin si Axel mula sa likod. Tahimik lang siya at ramdam ko ang titig niya sa akin. Nilagay niya ang ulo niya sa balikat ko at hinigpitan ang yakap.
Lagi siyang nasa tabi ko nitong nagdaan na mga araw. Halos hindi siya umalis sa tabi ko at pinagsasalamatan ko yun.
Isa-isa nang nagpaalam ang mga tao. Nagpaalam na rin sina Dina sakin. Tumango lang ako sa kanila. Tinapik pa nila Joshua si Axel bago sila umalis.
Unti-unti nang huminahon si mama. Kami na lang apat ang natira sa sementeryo. Napabuntong hininga ako. Ang sakit ng mga mata ko sa kakaiyak kanina.
"Gusto kong magpasalamat sa papa mo." Biglang bulong sakin ni Axel.
Kunot noo ko siyang nilingon.
"Para saan? Para sa pagtulong niya sayo?" Malungkot kong tanong sabay iwas ng tingin sa kanya.
"Oo.." sagot niya.
"Hindi mo naman kailangan magpasalamat sa kanya. Ginawa lang niya ang tama. Isa pa, isa siya sa mga kumidnap sayo dati di ba?"
Nagkatinginan kami.
"G-Galit ka pa ba sa papa ko?" nagdadalawang isip na tanong ko.
Marahan siyang ngumiti sakin.
"No. Not at all. In fact, I consider him as my hero. He saved me when I was kidnapped." Sabi niya.
"Ha?" naguguluhan ako.
"Nung oras na pinatay nila sa harap ko si Katlyn, nawalan ako ng pag-asa at gusto ko na lang ding mamatay. Pero hindi yun hinayaan ng papa mo. Tinakas niya ako. Kung hindi dahil sa kanya siguro matagal na kong patay," aniya.
Hindi ako nakapagsalita dahil sa gulat.
"Hindi ko akalain na magkikita uli kami pagkatapos ng ilang taon. Nagulat pa ako nung nalaman ko na siya pala ang papa mo." Natatawa niyang sabi.
"K-Kung ganun dati mo pa alam na si papa ang isa sa mga kumidnap sayo?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Oo," sagot niya sabay tango.
"Pero bakit ka nagsinungaling nung gabing nakipagbreak ka sakin?"
"Para hindi ka masali sa gulo. Para hindi ka mapahamak. Pero nangyari pa rin. I'm sorry.." sagot niya.
Napanguso ako.
Hinawakan ko ang braso niyang nakapulopot sa bewang ko.Hinatid kami ni Axel sa bahay gamit ang kotse niya.
"Sige na. Kailangan mo nang magpahinga," sabi niya nang kaming dalawa na lang ang nasa kalsada. Nakatayo kami malapit sa sasakyan niya.
Tumango ako sa kanya.
"Salamat. Ikaw rin.." sabi ko.
"Balik ako bukas dito," sabi niya sabay halik sa pisngi ko.
BINABASA MO ANG
Devoted Heart (HS1)
RomanceThis is a story about love and loyalty despite of pain, tears and trials. Si Ayen Grace Fernandez ay isang ordinaryong babae. Isa siya sa mga nagkakagusto sa School Hearthrob nila na si Axel James Garcia. Mas lalo ba siyang magkakagusto sa ora...