Chapter 33

129 2 0
                                    

Ayen's POV

Lumipas ang tatlong linggo matapos ang libing sa daddy ni Axel. Naging busy si Axel sa trabaho niya lalo na ngayon na siya ang pumalit sa daddy niya. Tinutulongan siya ng kanyang mga tito at mga pinsan niya. Dalawang linggo na rin kaming hindi nakakapag-usap. Hindi na siya masyadong nagrereply sa mga text ko. Hindi na rin niya ako nasusundo sa trabaho ko. Naiintindihan ko naman siya. Busy siya sa trabaho niya. Busy siya sa mga naiwang trabaho ng daddy niya.

Pero nitong mga nakaraang araw hindi na siya nagrereply at sumasagot sa mga tawag ko. Sinubukan kong pumunta sa opisina niya pero laging sinasabi sakin ng sekretarya niya na busy siya o di kaya may meeting na dinadaluhan. Dalawang linggo na kaming hindi nagkikita. Namimiss ko na siya.

"Ate tara na! Malelate na ako!" sigaw sakin ni Ayan.

Nandito kami ngayon sa bahay namin. Umuwi kami kagabi.
Si Ayan na ang laging naghahatid sundo sakin mula sa trabaho.
Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili kinuha ko ang bag ko at nilock ang kwarto.
Pagkababa ko sa hagdanan nakita ko si papa na nakaupo sa sofa. Nagkakape siya habang nanonood ng telebisyon.
Lumingon siya sakin bago muling tumingin sa pinapanood.

"Pa alis na po kami," paalam ko sa kanya.

Tumango siya ng hindi ako tinitingnan.

"Sige. Ingat kayo," sabi niya.

Lumabas galing sa kusina si mama at binigyan ako ng baon na pagkain. Nagpasalamat ako sa kanya at nagpaalam na rin.

Nung nag-usap kami ni papa, sinabi niya sakin na wala siyang kinalaman sa pagkamatay ng daddy ni Axel. Hindi niya sinabi sakin kung bakit hindi na pumupunta dito ang mag-amang Santiago. Hindi niya rin sinasabi sakin kung nag-usap na ba sila ni Axel. Nakakapagtaka lang na hindi na niya ako kinukulit na makipaghiwalay kay Axel.

Tanggap niya na ba ang relasyon namin ni Axel?

Ilang beses kong sinubukang idial ang numero ni Axel kapag break ko sa trabaho. Pero hindi talaga niya sinasagot. Alam ko namang busy siya pero sana naman kahit isang beses lang magtext siya.

"Hindi pa rin siya sumasagot sa mga tawag mo?" tanong ni Dina ng dalawa na lang kami sa bakeshop. Nag-uwian na sila Sarah.

Bumuntong hininga ako at umiling sa kanya.

"Baka masyadong busy talaga siya. Intindihin mo na lang," sabi niya.

Tumango ako sa kanya at napagdesisyunan na puntahan si Axel bukas. Nagpaalam ako kay Dina at pinayagan niya ako.
Nung dumating na si Ayan, umuwi na kami.

Nakaupo ako sa kama at nakasandal sa headboard habang nakatingin sa cellphone na hawak ko.
10 pm na siguro nakauwi na si Axel sa condo niya. Pero bakit hindi pa rin siya nagrereply sa text ko. Nagpasya akong magtext uli sa kanya.

Ako:

Axel nakauwi ka na ba?
Busy ka parin ba?
Wag ka masyadong magpapagod.

Pagkatapos kong isend yun, naghintay ako ng ilang minuto baka sakaling magreply na siya. Pero lumipas ang isang oras na hindi na naman siya nagreply. Huminga ako ng malalim at nilagay na ang cellphone sa bedside table. Umayos ako ng higa at tumingin sa kisame.

Bakit hindi siya nagrereply sakin?
Bakit hindi niya sinasagot ang mga tawag ko?

Baka nakatulog siya sa condo niya dahil sa pagod. Baka ganun nga...


Yun lang ang nasa isip ko hanggang sa nakatulog ako.

Kinabukasan paggising ko wala na sa apartment si Ayan. Pumasok na siguro sa eskwelahan.


 Devoted Heart (HS1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon