Ayen's POV
(>_<)
Huhu
Nakatingin pa rin sya sakin ng masama. Nagsimula na syang maglakad papunta sa direksyon ko.
Waaah!
Ano gagawin ko?
Tumingin ako sa paligid, nakita ko ang aking locker na bukas pa rin, kaya pinuntahan ko at sinarado.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong nya.
Naramdaman ko sya sa likod ko.
Lumingon ako sa kanya pagkatapos kong isarado ang aking locker."A-aa-ah ano nilagay ko lang yung sapatos ko sa locker ko," ako.
Kinakabahan ako.
Nakakatakot sya."Nakinig ka sa usapan namin," walang emosyon sabi nya.
"Hi-hindi ah," ako.
Tiningnan nya ako ng masama.
"Hi-hindi ko sinasadya," ako. (>_<)
"Alam mo bang masamang makinig sa usapan ng iba?" tanong nya.
"Alam ko. Sorry," nakangusong sagot ko.
Huminga sya ng malalim tsaka tumingin sakin.
"Narinig mo lahat?" tanong nya.
Hindi ako nakasagot.
Yumuko lang ako."Narinig mo lahat," kumpirmasyon nya.
Napatingin ako sa kanya.
"Sorry," ako.
Huminga uli sya ng malalim.
"Wala na kong magagawa. Alam mo na eh. Sige mauna na ko sayo. Umuwi ka na rin," pagkatapos nyang sabihin yun umalis na sya.
Tiningnan ko lang ang likod nya habang maglalakad sya.
Katlyn?
Sya siguro ang iniisip nya habang kumakanta kanina.
Naglakad na rin ako. Medyo malayo sa pwesto nya.
Anong ibig sabihin ni Karen sa sinabi nyang kasalanan ni Axel ang pagkamatay ni Katlyn?
Bakit namatay si Katlyn?
Girlfriend nya ba si Katlyn?
Kailan sya namatay?
Simula pa nung first year kilala ko na si Axel. Wala naman syang naging girlfriend sa mga taong na nagdaan.
Di ko ata kilala ang Katlyn na yun. Pinsan sya ni Karen?
"Hoy."
Nabigla ako nung may tumapik sa balikat ko. Pagtingin ko si Axel pala.
"B-bakit?" ako.
"Kanina pa kita tinatawag. Bakit di ka sumasagot?" tanong nya.
"Wa-wala lang may iniisip lang ako. Bakit?" ako.
Nandito na pala kami sa labas ng gate ng school.
"Sabi ko wala na atang dadaan ditong sasakyan. Puno na lahat ng tricycle. Ihahatid na kita. Malapit na dumilim oh," Axel.
Ihahatid nya ako?
(^__^)
"T-talaga ihahatid mo ko?" ako.
"Oo," sya.
BINABASA MO ANG
Devoted Heart (HS1)
RomanceThis is a story about love and loyalty despite of pain, tears and trials. Si Ayen Grace Fernandez ay isang ordinaryong babae. Isa siya sa mga nagkakagusto sa School Hearthrob nila na si Axel James Garcia. Mas lalo ba siyang magkakagusto sa ora...