Ayen's POV
"Sabi ko na nga ba! May gusto sayo si Jayson eh!" sabi ni Dina.
"Medyo nakakainis siya kagabi best! Kung umasta akala mo boyfriend mo siya!" naiinis naman na sabi ni Lorie.
"Anong balak mo sa kanya ngayon?" tanong sakin ni Dana.
Nandito kami ngayon sa Bakeshop. Naisipan nilang bisitahin kami ni Dina dahil wala daw silang trabaho ngayon.
"Hindi ko alam," sagot ko sabay buntong hininga.
"Ano palang nangyari sa inyo kagabi pagkaalis ko?" tanong ko sa kanila.
Tumingin ako sa paligid. Konti lang ang customer namin ngayon. Paglingon ko sa mga kaibigan naabutan ko silang nagtitinginan at nagsesenyasan.
"Okay na ba kayo ng mga boyfriend nyo?" kunot noong tanong ko sa kanila.
Tumingin silang tatlo sakin at tumango.
"A-ah oo. Maliit lang naman na bagay ang pinag-awayan namin," sagot ni Lorie sabay tawa. Nagtawanan silang tatlo.
"Ganun ba. Mabuti naman," nagtataka ako sa mga kinikilos nila pero binalewala ko nalang.
"Teka taposin ko lang yung binibake ko," paalam ko sa kanila at astang aalis na ng tawagin ako ni Dina.
"A-Ayen!"
"Bakit?" takang tanong ko.
"Ano kasi..uhh.." parang nagdadalawang isip siya kung sasabihin sakin o hindi.
"Wala yun best! Sige na. Taposin mo na ang ginagawa mo," sabi ni Lorie.
Tumango na lang ako at iniwan na sila.
Pagkalipas ng ilang oras nagpaalam na sila Lorie dahil may pupuntahan pa daw sila.
Madalas kong makita si Dina na tulalang nakatingin sakin. Pagtinatanong ko naman umiiling lang siya.Nung bandang hapon na may natanggap akong text galing kay Ayan.
Ayan:
Ate pinapauwi tayo ngayon ni mama. Importante daw. Papunta na ako. Sumunod ka nalang.
Pagkalipas ng ilang oras nagpaalam na ako kay Dina. Nagdala ako ng isang cake na binake ko para pasalubong kina mama.
Habang nakasakay sa Bus binasa ko lahat ng text sakin ni Jayson mula pa kanina.
Jayson:
Ayen please lets talk.
Sunduin kita mamaya.Jayson:
I'm sorry about last night.
Jayson:
Please give me a chance. I really do love you.
Huminga ako ng malalim at hindi na binasa ang ibang mga text niya. Nagtype na lang ako ng irereply sa kanya.
Ako:
I'm sorry Jayson.
Pauwi ako ngayon sa amin.
Lets talk some other time.Pagkatapos masend ng text ko, nilagay ko na ang cellphone ko sa bulsa ko at tumingin sa labas ng Bus.
Nabulabog lang ang pagmunimuni ko ng biglang magring ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha at nakitang si Ayan ang tumatawag.
"Hello?" pagkasagot ko ng tawag.
BINABASA MO ANG
Devoted Heart (HS1)
RomanceThis is a story about love and loyalty despite of pain, tears and trials. Si Ayen Grace Fernandez ay isang ordinaryong babae. Isa siya sa mga nagkakagusto sa School Hearthrob nila na si Axel James Garcia. Mas lalo ba siyang magkakagusto sa ora...