Ayen's POV
Hindi ko alam kung saan ako dinala ni Felix. Nakatulog ako sa biyahe. Pagkagising ko nakatali na ako sa isang upuan. Nakita ko si Felix na nakatayo at nakatingin sakin. Hawak niya ang cellphone ko.
"Katatawag palang ng boyfriend mo. Papunta na siya dito para iligtas ka." Ngumisi siya. "Kung kaya niya."
Napabuntong hininga ako.
"Parang awa mo na Felix. Hayaan mo na kami. Hindi ka ba napapagod? Sumuko ka na sa mga pulis."
Nagsimulang maglabo ang mga mata ko. Marahan siyang naglakad papunta sakin. Kitang kita ang galit sa mukha niya.
"Mas gugustohin ko pang mamatay kaysa magpahuli sa mga pulis. Pero bago ako mamatay, sisiguradohin kong mauuna si Axel."
Yumuko siya at pinalis ang luha sa pisngi ko at saka siya ngumisi.
"Huwag kang mag-alala dahil isusunod kita sa kanya. Para hindi kayo malungkot," masayang sabi niya.
"Bakit mo ba to ginagawa? Ano bang kasalanan nila Axel sayo?!" tanong ko.
Nagdilim ang reaksyon niya tsaka tumayo. Tumalikod siya sakin.
Tiningnan ko ang kamao niyang nakakuyom sa galit.
Hindi siya sumagot sa tanong ko kaya natahimik kami.Biglang nagring ang cellphone ko na nasa kamay ni Felix. Lumingon muna siya sakin bago sinagot ang tawag.
"Siguraduhin mo lang nag-iisa ka dahil kung malaman kung nagsisinungaling ka hindi ako magdadalawang isip na patayin ang girlfriend mo," matalim na sabi ni Felix.
Napalunok ako. Sigurado akong si Axel ang kausap niya.
Pagkatapos ng tawag, kinuha niya ang baril sa tagiliran niya at lumapit sakin.
Nanlaki ang mga mata ko sa pinaghalong takot at kabang nararamdaman.
Pumunta siya sa likod ko at saka niya tinutok ang baril sa ulo ko."Sisiguradohin kong ito na ang katapusan ng Axel mo," seryosong sabi niya.
Pagkalipas ng ilang minuto biglang bumukas ang pintuan.
Agad kong nakita ang seryosong mukha ni Axel."Nandito na ako. Pakawalan mo na siya. Ako naman talaga ang kailangan mo," walang emosyong sabi ni Axel.
Tumawa si Felix at tinanggal ang pagkakatutok ng baril sakin. Dahan dahan siyang lumapit kay Axel habang nakangisi.
"Ang yabang mo talaga. Pano kung hindi ko siya pakawalan? Anong gagawin mo?" hamon ni Felix.
Tiningnan siya ng masama ni Axel.
"Wala siyang kinalaman dito. Let her go. Please...Ako na lang," napayuko si Axel at unti unting lumuhod sa harap ni Felix.
Napasinghap ako at nagsimulang humikbi. Parang nadudurog ang puso ko habang nakikita si Axel na nagmamakaawa para lamang sakin.
"Wow! Mahal na mahal mo talaga ang babaeng to," nakangising sabi ni Felix.
"Pakawalan mo siya..ako na lang.." paulit-ulit na sinabi ni Axel hanggang sinuntok siya ni Felix sa mukha.
"Hindi ko siya papakawalan! Gusto kong makita niya kung pano kita unti unting patayin!" sigaw ni Felix.
Hinampas niya ang batok ni Axel ng baril. Nanlaki ang mata ko nang makita na sumuka ng dugo si Axel.
BINABASA MO ANG
Devoted Heart (HS1)
RomanceThis is a story about love and loyalty despite of pain, tears and trials. Si Ayen Grace Fernandez ay isang ordinaryong babae. Isa siya sa mga nagkakagusto sa School Hearthrob nila na si Axel James Garcia. Mas lalo ba siyang magkakagusto sa ora...