Ayen's POV
"Wow! ang ganda naman dito!" sabi ni Dina habang nakatingin sa paligid.
Nandito kami ngayon sa private resort nina Migz. Nakangiti ako habang nakatingin sa dagat.
Tama si Dina, napakaganda nga dito. Napakaganda ng tanawin. Nakakaakit ang kulay asul na dagat, ang puting buhangin. Nakakawala ng pagod."Oo nga. Ang ganda ng dagat. Maligo na tayo," si Lorie.
"Kadarating lang natin. Ilagay na muna natin ang mga gamit natin sa loob ng bahay," sabi ni Karen.
Naglakad na kami papunta sa bahay nila. Sinalubong kami ng dalawang matanda. Caretaker daw nila Migz.
"May limang kwarto dito. Kayo na ang bahala kung saan kayo matutulog. Basta kami ni Karen pupunta na sa kwarto namin. Feel at home guys," sabi ni Migz tsaka nya niyaya si Karen sa kwarto nila.
"Dito tayo Lorie," sabi Joshua habang nakaturo sa isang kwarto. Naglakad na sila papunta sa napili nilang kwarto.
Ganun din sila Michael at Dana.
Kami na lang nila Dina, Michael at Axel ang natira.
Lumingon ako kay Axel. Nakatingin sya sa paligid. Bigla syang lumingon sakin. Kumurapkurap ako.
Tumaas ang isang kilay nya at ngumiti. Nag-init ang pisngi ko at nag-iwas ng tingin sa kanya.
Sa nakalipas na mga araw, lagi nya akong tinitext, nangungumusta sa araw ko. Minsan tinatawagan nya ako tuwing gabi. Napakagat ako sa labi ko. Wala pa syang kinukwento sakin."Dito tayo Ayen," si Dina sabay higit sakin sa isang kwarto.
Tumingin ako sa buong kwarto pagkapasok namin ni Dina. Nilagay ni Dina ang dala nyang bag sa isang couch, tsaka sya tahimik na pumunta sa CR. Nilagay ko na rin ang gamit ko sa tabi ng bag ni Dina. Tsaka ako pumunta sa kama at nahiga.
----------
Nagtatawanan kami nila Lorie habang naliligo sa dagat. Si Dina panay hanap ng star fish.
Si Karen naman panay saboy sakin ng tubig. Umiiwas na nga ako eh."Tama na Karen!" sabi ko habang tumatawa at lumalayo sa kanya. Tinawanan lang nya ako tsaka hinabol.
"Wala kang makikita dito na starfish Dina. Nasa mababaw lang tayo," sabi ni Lorie kay Dina.
"Malay mo meron," si Dina habang patuloy sa paghahanap ng starfish. Tumigil na si Karen sa pagsasaboy sakin at lumapit kina Dina at Lorie.
"Bakit ba naghahanap ka ng starfish Dina?" tanong ni Karen.
Lumapit na din ako sa kanila.
"Wala lang. Gusto ko lang," sagot ni Dina.
Mayamaya lang sumuko na si Dina sa paghahanap ng starfish.
"Tara na punta na tayo sa cottage. Nagugutom na ako," yaya ni Karen.
Sumang-ayon naman kami. Hindi pa kasi kami nagtatanghalian.
Naglakad na kami papunta sa pampang. Nakatingin samin ang apat na lalaki habang nakaupo sa upuan ng cottage.
Inayos ko ang suot kong bra habang naglalakad kami. Hindi talaga ako sanay sa mga ganito kaya nga may suot akong maong short. Di ko kasi kayang magtwo-piece katulad nila Dina na komportable sa mga swimsuit nila. Nahuhuli ako habang naglalakad kami kaya nung nasa cottage na kami, sa tabi na lang ako ni Axel umupo. Dahil dun na lang ang bakante.Umiinom na sila ng alak. Kami namang mga babae magsisimula pa lang mananghalian.
"Akala namin di na kayo aahon. Mag-aalasdos na oh. Hindi pa kayo nagtatanghalian," sabi ni Migz samin.
BINABASA MO ANG
Devoted Heart (HS1)
RomanceThis is a story about love and loyalty despite of pain, tears and trials. Si Ayen Grace Fernandez ay isang ordinaryong babae. Isa siya sa mga nagkakagusto sa School Hearthrob nila na si Axel James Garcia. Mas lalo ba siyang magkakagusto sa ora...