Chapter 9

125 7 0
                                    

Ayen's POV

Lunes na. Balik na sa dati. Pagkapasok ko sa room namin, marami nang tao. Umupo na lang ako sa pwesto namin ni Lorie.

"Good morning Lorie!" bati ko sa kanya sabay upo sa king upuan.

"Good morning!" nakangiting bati rin nya.

Nag-usap lang kami. Wala pa sina Axel. Pati sina Dina at Dana.
Habang nag-uusap kami ni Lorie, lumapit samin si Karen. Pumasok na pala sya.

Humalukipkip sya sa harap ko. Tumingin sya sakin ng nakataas ang kilay.

"Ikaw raw ang pumalit sakin?" tanong nya sakin.

"Ahm..oo pinili lang ako ng mga kaklase natin," ako.

"Nanalo raw kayo?" nakataas kilay parin na tanong nya.

"Aah oo--"

"Sigurado akong nanalo kayo ni Axel dahil sa kanya," putol nya sa sinasabi ko.

"Ah oo. Tinuruan nga nya ako eh," sagot ko nalang.

"Yeah right. Magaling talagang magturo si Axel," sya.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganyan sya sakin ngayon. Mabait naman sya sakin dati. Hindi kaya dahil kay Axel.

"Magaling rin naman si Ayen ah. Deserved nya rin ang pagkapanalo nila," si Lorie habang nakatingin kay Karen.

"Oh Andyan ka pala Lorie. Deserved? Hindi nya deserved ang pagkapanalo," si Karen habang masama ang tingin saming dalwa.

"Ginawa lahat ni Ayen ang makakaya nya kaya deserved nya yun. Ang sabihin mo, naiinggit ka lang kasi sya ang naging partner ni Axel at hindi ikaw," si Lorie habang masama rin ang tingin kay Karen.

"Lorie ano ka ba. Tama na yan," bulong ko sa kanya.

Napatingin naman ako sa mga classmate ko na tahimik na nakatingin sa min.

"Ha! Ako maiinggit sa kanya?nagpapatawa ka ba?" si Karen.

Tumingin sya sakin ng masama.

"Karen."

Napatingin kami sa likod nya. Dumating na pala sila Axel.

"Axel!" gulat si Karen.

"Anong ginagawa mo?" kunot noong tanong ni Axel sa kanya.
Sila Mark naman nakatingin lang samin.

"Ahm. Kinocongrats ko lang si Ayen sa pagkapanalo nyo nung thursday," nakangiting sagot ni Karen kay Axel.

Tumingin saglit sakin si Axel.

"Ganun ba." Si Axel.

Pumunta na sila sa mga upuan nila. Nakasunod lang si Karen kay Axel sa upuan nito at nag-usap sila. Napabuntong hininga nalang ako.


"Nakakainis talaga ang Karen na yan. Akala mo kung sino. Ang plastic nya," si Lorie. Masama ang tingin kay Karen.

"Hayaan mo na. Pero nabigla ako sa kanya. Hindi naman sya ganyan sakin dati," ako.

"Naku nagseselos lang yun. Katulad mo kasi, patay na patay rin yan kay Axel," si Lorie.

Tumingin sya sakin. Ngumoso lang ako.

 Devoted Heart (HS1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon