Epilogue

224 1 1
                                    

Axel's POV

Sa tulong ng mga kamag-anak at mga kaibigan namin ni Ayen, tatlong buwan lang ang naging preperasyon namin para sa kasal.

Hindi pa halata ang tiyan ni Ayen nang maglakad siya patungo sa altar. Patungo sa akin. Kasama ang mama at kapatid niya. Napakaganda ng suot niya. Bagay sa kanya.

Dahil siguro sa pagbubuntis niya kaya siya nagiging emosyonal. Napangiti ako. Naaalala ko ang araw-araw na pagsusungit niya sakin. Ang cute niya lang kapag nagseselos. Sobrang saya ko ng malaman na buntis siya kahit na pinapahirapan niya ako.

Hindi ko alam pero mas lalo akong naiinlove sa kanya. Rinig ko ang mga tawanan at tuksuhan ng mga kaibigan ko sakin habang nakatitig ako sa umiiyak na si Ayen.

Kumunot ang noo ko habang palapit siya nang palapit sakin.
Napakurap ako ng ilang beses. Parang unti-unting pinipiga ang puso ko habang nakikita siyang nakangiti kahit umiiyak.

Tinapik ako sa balikat ni Ayan ng makalapit sila. Niyakap ako ng mama ni Ayen. Pero nanatili ang titig ko kay Ayen.

"Why are you crying?" I asked while wiping her tears.

"M-Masaya lang. Hindi ako makapaniwala na pakakasal ka sakin. Sigurado ka na ba? Hindi mo ba to pagsisihan?"

Natawa ako. Hinawakan ko ang dalawang kamay niya at nginitian siya.

"I am very sure about this. Why wouldn't I? After all, you're only devoted to me even though I'm not really worth it. I hurt you a countless time but you're still here ready to marry me. Surely I will never regret this. You make me happy. You're the only one for me."

Mas lalo siyang umiyak at saka ako pinalo sa braso.

"Nakakainis ka! Ayan ka na naman sa mga english mo!"

Nginitian ko lang siya.
Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Sabay kaming tumingin sa naghihintay na pari habang nakangiti.

Pagkatapos ng seremonyas ng kasal dumiretso na kami sa reception. Hawak ko ang kamay ni Ayen. Hindi ko binitiwan kahit kumakain kami.

"Pagod ka na ba?" tanong niya habang nakasandal ako sa balikat niya, nakikinig sa mga pinagsasabi ni Mark.

"Of course not," mabilis na sagot ko.

Mahina siyang tumawa bago lumingon kay Mark na kanina pa sa speech niya.
Napabuntong hininga ako at binaon ang mukha sa leeg ni Ayen.

"I'm so bored. Umuwi na tayo," bulong ko sa kanya.

"Hindi pwede. Pagagalitan na naman tayo ni mama eh."

Pumalakpak siya ng sa wakas tapos na si Mark sa pagcongratulate samin.

"Alam mo Ayen, yan si Axel madalas ko siyang mahuling nakatitig sayo nung high school tayo," si Joshua naman ngayon ang nagsasalita.

Tamad akong lumingon sa kanya. Ngumiti siya sakin ng nakakaloko bago tumingin kay Ayen at nagsalita.

"Naaalala ko pa non nung unang beses siyang nagtanong sakin ng pangalan mo. Yun din ang unang beses ko siyang nakitang interesado sa isang babae. At sayo pa," natatawang sabi niya.

Naaalala ko yun. Madalas ko kasing makasalubong o makita si Ayen noong high school kahit hindi kami magkaklase. Agad ko siyang napansin hindi lang dahil cute siya. Nagandahan ako sa mga mata niya. Kasing ganda ng paglubog ng araw. Mula non sa tuwing nagkatitigan kami, may kung ano sa dibdib ko ang nagwawala.

 Devoted Heart (HS1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon