Chapter 36

130 2 0
                                    

Ayen's POV

Napaungol ako sa naramdamang sakit sa katawan. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata pero madilim parin ang nakikita ko. Batid kong nakapiring ako.Nakatali ang mga kamay ko   sa likod ng silyang inuupuan ko. Maging mga paa ko ramdam kong nakatali. Sinubukan kong gumalaw pero ang higpit ng mga tali.

May narinig akong mga paang naglalakad patungo sa direksyon ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Natatakot ako.

"Buti naman at gising ka na," boses yun ni Felix.

Iniwas ko ang mukha ko ng naramdaman ko ang haplos niya sa mukha ko. Natawa siya sa ginawa ko.

"Tanggalin nyo ang piring niya," rinig kong utos niya.

Pagkatanggal ng piring ko, kumurapkurap ako. Una kong nakita ang mukha ni Felix na nakangiting nakatingin sakin.
Nakatayo siya sa harap ko.
Tumingin ako sa paligid.
Napalunok ako ng makita ang mga lalaking nakatingin din sakin. Nasa sampu sila. Mga tauhan ata sila nina Felix.

"N-Nasaan ako?" natatakot na tanong ko.

"Nandito ka sa hideout namin," nakangiting sagot ni Felix sakin.

"B-Bakit niyo ba to ginagawa?" tanong ko sa kanya.

Tumuwid siya sa pagkakatayo at tiningnan ako ng seryoso.

"Alam mo namang trinaydor kami ng magaling mong ama," sagot niya.

"Dahil yun ang tama. Dapat sa inyo makulong!"

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko nang sinampal niya ako. May nalasan pa akong dugo.
Tiningnan ko siya ng masama.
Yumuko si Felix at hinawakan ang tuhod ko. Nilapit niya ang mukha sa akin bago nagsalita.

"Mamamatay muna ako bago mangyari yun. Pero syempre mauuna muna ang papa mo at ang pinakamamahal mong si Axel. Papatayin ko sila," mariin niyang wika.

"Hayop ka! Walanghiya ka! Ang sama nyo!" nagsimulang tumulo ang luha ko.

"I know,alright. Siguradong sa mga oras na to papunta na dito ang papa mo para iligtas ka. Huwag kang mag-alala, magkikita muna kayo bago namin siya patayin," pinahid niya ang mga luha sa pisngi ko.

"Ang ganda mo talaga. Kahit umiiyak maganda parin. Kaya gusto kita eh. Pero--"

Naputol ang pagsasalita niya ng may tumawag sa kanya.

"Felix."

Sabay kaming napalingon sa taas. Nakatingin ng seryoso ang papa ni Felix sa amin. Sinundan ko siya ng tingin habang pababa siya sa hagdanan.

"Pero mas gusto ka ng daddy ko.." bulong ni Felix sa akin bago siya lumayo at sinalubong ang daddy niya.

Kinilabutan ako at domoble ang kabang nararamdaman ko.
Sabay silang lumingon sa akin.
Ngumisi si Felix sa akin.

"Pasensya ka na kay Felix iha. Madaldal talaga yan," sabi ng papa ni Felix habang naglalakad palapit sa akin.

"Pero totoo lahat ng sinabi niya," aniya.

Nanginig ako ng hinaplos niya ang buhok ko. Iniwas ko ang sarili sa hawak niya.

"Malapit na sigurong dumating ang ama mo. Pero habang wala pa siya gusto kong pasayahin mo muna ako," ngumiti siya sa akin.

 Devoted Heart (HS1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon