3 months later
Ayen's POV
Nandito ako ngayon sa office ni Axel. Actually ito yung pangatlong beses na dinala nya ako dito. Yung unang beses na dinala nya ako dito, medyo nahihiya pa ako sa mga tao na tumitingin samin. Parang lahat sila gulat sa presensya ko. Yung ibang babae ang sama ng tingin sakin.
Hinayaan ko na lang. Alam ko naman kung bakit sila ganun sakin.Naghalfday lang ako sa bakeshop dahil inaya ako ni Axel na pumunta kami sa birthday party ng isa sa mga pinsan nya.
Nakaupo lang ako sa sofa habang nakatingin kay Axel na busy at napakaseryoso sa pakikipag-usap sa dalawang lalaki. Minsan lumilingon sya sa direksyon ko at ngumingiti kaya napapangiti na lang din ako.Sa tatlong buwan na nagdaan hindi na namin ulit napag-usapan ang tungkol kina Felix.
Hindi ko pa rin masabi sa kanya na kakilala ng papa ko sina Felix.
Madalas din kaming mag-away ni papa dahil sa utos nya sakin na makipaghiwalay kay Axel na hindi ko naman magagawa. Sinabi rin sakin ni Ayan na madalas bumisita sa bahay si Felix at ang ama nito. Kaya minsan lang ako umuwi sa bahay namin. Hindi ko na kayang makipagplastikan sa kanila.
Sinubukan ko rin sabihin kay papa ang mga sinabi sakin ni Axel tungkol sa mag-amang Santiago pero hindi sya naniwala sakin."Lets go?"
Naputol ang pag-iisip ko ng makita si Axel sa harap ko.
Wala na pala ang mga kausap nya.
Tumayo ako at isinabit ang sling bag ko sa balikat ko. Sabay kaming lumabas ni Axel sa opisina nya. Nagpaalam rin sya sa secretary nya.
Hinawakan nya ang kaliwang kamay ko habang naglalakad kami patungo sa elavator.Alasyite kami nakarating sa bahay ng pinsan ni Axel.
Marami ng tao na nag-iinuman at naliligo sa swimming pool.
Nakita ko sila Lorie, Joshua, Mark, Michael, Migz at Dana na kumaway samin ni Axel. Nginitian at kinawayan ko rin sila.
Hinigit ako ni Axel papunta sa pinsan nyang si Anthony na syang may birthday. Kasama nito ang iba nyang pinsan at kaibigan. Pagkatapos nilang mag-usap at magbatian, pumunta na kami sa pwesto nila Lorie."Best! Ang tagal nyo naman?" tanong ni Lorie pagkaupo ko sa tabi nya.
Umupo rin si Axel sa tabi ko at nakipag-usap kina Joshua."Katatapos pa lang kasi ni Axel sa trabaho nya," sagot ko.
Binigyan ako ni Axel ng pinggan na puno ng pagkain. Tumingin ako sa kanya dahil sa pagtataka.
"Ang dami naman nito? Hindi ko to kayang ubusin lahat," sabi ko sa kanya.
"Problema ba yun? Edi salo na lang tayo dito," nakangiting sabi nya.
Nagsimula na kaming kumain pero mas madami ang nakakain ko. Inaya na kasi syang uminom nina Migz.
"Bakit pala hindi pumunta dito si Dina?" tanong ni Dana.
"May family dinner daw sila ngayon," sagot ni Mark.
Nagkabalikan na pala sila Mark at Dina nitong buwan lang. Hindi na ako nagtanong kay Dina kung pano basta masaya na ako para sa kanila.
Nakikinig lang ako sa pinag-uusapan nila habang kumakain.
Tumingin ako kay Axel.
Ang lakas nya atang uminom ngayon?
Nakisali na rin ako sa inuman pagkatapos kong kumain.
Nakahawak lang sa bewang ko ang kanang kamay ni Axel habang nag-iinuman kami."Maligo tayo sa swimming pool best!" aya ni Lorie pagkatapos ng isang oras ng pag-iinuman.
"Naku hindi na best. Kayo na lang. Wala akong dalang damit tsaka nilalamig din ako," pagtanggi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Devoted Heart (HS1)
RomanceThis is a story about love and loyalty despite of pain, tears and trials. Si Ayen Grace Fernandez ay isang ordinaryong babae. Isa siya sa mga nagkakagusto sa School Hearthrob nila na si Axel James Garcia. Mas lalo ba siyang magkakagusto sa ora...