Ayen's POV
Ang sakit ng paa ko.
"Hindi ko masyadong makita," si Axel.
Ako rin di ko makita sa sobrang dilim. Kasalanan to ni manong. Pinaandar nya agad yung tricycle nya.
Nagulat ako ng buhatin ako ni Axel. Yung pangbagong kasal na buhat.
Bigla naman nag-init ang pisngi ko. Buti na lang di nya nakikita.
Iniupo nya ako sa gilid ng kalsada. Sa may poste ng ilaw.
Tinanggal nya ang sapatos ko at medyas.
"Ano gagawin mo?" tanong ko sa kanya.
"Titingnan ko tong paa mo. Namumula na sya. Siguradong mamaga to," sya habang nakatingin sa paa ko.
"Ganun ba," ako.
"Pagkadating sa bahay nyo, ipahinga mo ang paa mo. Lagyan mo rin to ng ice para mabawasan ang pamamaga at ipacheck-up mo to sa ospital. Baka may nabaling buto," si Axel.
Tumango lang ako sa kanya.
Sinuot na nya uli sakin ang medyas at sapatos ko."Tara na. Hatid kita sa inyo."
Umupo sya at tumalikod sakin.
"Sumakay ka na sa likod ko .Baka lumala yang paa mo pagnaglakad ka pa," sabi nya.
"Sigurado ka ba?" tanong ko.
"Oo naman. Tsaka malapit naman na tayo sa inyo siguro," sya habang nakatingin sa paligid.
Dahan dahan kong pinuloput ang kamay ko sa leeg nya.
Hinawakan nya ang aking paa, tsaka sya tumayo.
"Salamat Axel.." ako habang naglalakad sya.
Tumango lang sya sakin.
"Sorry din," ako.
"Bakit ka naman nagsosorry?" tanong nya.
"Dahil sa nangyari. Tsaka dahil buhat mo ako ngayon. Alam ko naman na pagod ka dahil sa practice eh..." ako.
Lumingon sya sakin.
"Hindi mo naman kasalanan ang nangyari. Tsaka hindi ka naman mabigat, kumakain ka ba ng maayos?" si Axel.
"Oo naman," sagot ko habang nakanguso.
"Eh bakit ang gaan mo? haha!" si Axel.
Grabe sya.
"Ewan ko," ako.
"Siguro hindi ka kumakain ng gulay no?" Axel.
"Kumakain ako no!" ako.
Tumawa lang sya.
Hindi ata sya naniniwala."Buti na lang pala sumakay ka sa tricycle no?" ako.
BINABASA MO ANG
Devoted Heart (HS1)
RomanceThis is a story about love and loyalty despite of pain, tears and trials. Si Ayen Grace Fernandez ay isang ordinaryong babae. Isa siya sa mga nagkakagusto sa School Hearthrob nila na si Axel James Garcia. Mas lalo ba siyang magkakagusto sa ora...