Chapter 10

152 11 0
                                    

Ayen's POV

Lumipas ang mga araw. Hindi na masyado akong tumitingin kay Axel. Nakakausap at nakakangitian ko naman ang mga kaibigan nya. Maliban sa kanya. Bukod sa wala akong masabi, wala rin naman akong dahilan para kausapin sya.
Kapag nagkakatinginan kami, ngumingiti lang ako ng matipid sa kanya. Ganun rin sya sakin. Si Karen naman kung dati masama lang ang tingin sakin, ngayon tinatarayan na ako. Hindi ko nalang pinapansin.
Ayaw ko rin syang patulan sa kadahilanang hindi ako mahilig sa gulo at inaamin kong duwag ako. Ayaw kong sabihin nya kay Axel na may gusto ako sa kanya.

Si Mark at si Dina naman, nagkaayos na. Pero samin parin sya sumasabay sa lunch. Ok lang naman kay Mark. Si Dana at Michael naman, going strong daw ang relationship nila. Si Lorie naman, ayun nililigawan parin ni Joshua. Lagi syang hinahatid sa kanila pag-uwian. Lagi rin daw silang nagkakatext tuwing gabi.
Ako naman umuuwi mag-isa. Minsan sabay kami ni Ayan.


"Saan kayo bukas ni Mark pupunta Dina?" tanong ni Lorie habang kumakain kami sa cafeteria.

"Sabi nya ipapakilala nya ako sa parents nya at magdedate daw kami," kinikilig na sabi ni Dina.


"Wow! good luck sayo. Siguradong magugustuhan ka ng mga magulang ni Mark," ako habang nakangiti sa kanya.

"Sana nga. Kinakabahan nga ako eh." Dina.

"Naku wag kang kabahan. Just be yourself," si Dana habang kumakain.

"Oo nga. Eh ikaw Dana anong gagawin mo bukas?" Lorie.

"Sasama lang ako sa mga magulang ko. May pupuntahan lang kaming importante," si Dana.

"Ah ganun ba. Eh ikaw best? May pupuntahan ka ba bukas?" si Lorie sabay tingin sakin.

"Wala naman. Maglalaba lang ako bukas," sagot ko.

"Teka--teka nga bakit ka ba nagtatanong samin kung may pupuntahan ba kami bukas?Anong meron ba bukas?" tanong ni Dina kay Lorie. Tumango naman kami ni Dana. Nagtataka lang.

"Ano kasi--inaya ako ni joshua na magdate  bukas," namumulang sagot ni Lorie.

"Wow talaga!?" Dina.

"Oh anong problema dun?" Dana.

"Si Daddy kasi baka hindi ako payagan." Lorie.

"Oo nga. Strict si tito," ako.

"Kaya nga. Gusto ko sana magpasama sa inyo bukas. Sasabihin ko kay daddy na kayo ang kasama ko. Kaya lang may mga pupuntahan pala kayo," si Lorie.

"Si Ayen nalang ang isama mo. Maglalaba lang naman sya bukas," si Dana sabay tingin sakin.

Tumingin naman sakin si Lorie.

"Best sige na. Samahan mo na ako bukas, "si Lorie habang nakapuppy eyes sa kin.

"Pero ayoko namang maging third wheel sa inyo ni Joshua no," ako.

"Hindi yan. Ililibre nalang kita ng pagkain at ticket sa movie bukas. Sige na." Lorie.

"Pumayag ka na Ayen. First time nilang magdedate bukas ni Joshua eh. Hahaha!" si Dana.

"Oo nga Ayen," si Dina.

"Ililibre mo ako?" tanong ko kay Lorie.

 Devoted Heart (HS1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon