Ayen's POV
Tahimik akong pumasok sa room namin. Nakayuko ako habang naglalakad papunta sa upuan ko hanggang sa maupo ako.
"Best ok ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Lorie.
Lumingon ako sa kanya at ngumiti.
"Hhmm...ayos lang ako best," ako sabay yuko ulit.
Inakbayan nya ako.
"Ano ka ba. Kilala kita. Hindi mo ako maloloko. Alam kong nasasaktan ka sa nalaman mo, pero kailangan mong tanggapin. Tsaka hindi pa naman sila kasal no. May pag-asa ka pa," mahinang sabi nya.
Tumango lang ako. Tama sya.
Tsaka narinig ko naman kay Axel na hindi nya mahal si Karen.
"Hello! good morning!" si Dina at si Dana.
Umupo sila sa upuan nila.
Lumingon si Dina sakin."Teka Ayen, ok ka lang ba?matamlay ka ata ngayon." Dina.
Inalis na ni Lorie yung akbay nya sakin.
"Kulang lang ako sa tulog," ako sabay ngiti sa kanya.
Nagtataka syang tumingin sakin.
Magsasalita na sana sya pero dumating na si Maam Bianca.Hindi na ako nagtangkang lumingon sa grupo nila Axel.
Nakatingin lang ako kay Maam. Kahit si Karen hindi ko rin sinulyapan.Pagkatapos ng mga klase sabay sabay kaming tumayo. Napatingin ako kay Karen ng naglakad sya papunta kay Axel ng nakangiti. May sinabi sya kay Axel at tumango lang ito.
"Tara na Ayen gutom na ako," si Lorie sabay hawak sa kamay ko.
Tumango lang ako sa kanya.
Sabay kaming apat na lumabas ng room at naglakad papunta sa cafeteria.Nung nasa cafeteria na kami, umupo lang ako sa table namin. Ioorder nalang daw ako ni Lorie ng pagkain. Pumayag naman ako. Pumila na silang tatlo at naiwan akong mag-isa sa mesa.
Napatingin ako sa pintuan ng mag-ingay at magsigawan ang mga babae.
Sila Axel pala.
Dirediretso lang sila sa pila para sa mga oorder ng pagkain.
Kasama nya parin si Karen at ang mga kaibigan nito.
Yumuko na lang ako para hindi na sila makita.
"Ito na yung pagkain mo best!" si Lorie sabay bigay sakin ng pagkain.
Inabot ko naman to.
"Thanks best.." ako sabay ngiti sa kanya.
"Basta ikaw," si lorie habang nakangiti.
"Ito rin pala ang mineral water mo. Pampagising," si Dina habang nakangiti rin.
"Thank you Dina," ako sabay abot sa tubig.
"Naku kumain na tayo. Gutom na gutom na ako. Nakakagutom ang quiz kanina," si Dana.
"Oo nga. Mabuti pa tong si Lorie hindi nahihirapan. Palaging highest sa score eh. Parehas sila ni Joshua. Bagay talaga kayo. Hmp," si Dina.
Natawa lang si Lorie.
"Matataas rin naman ang nakuha nyong score ah," si Lorie.
BINABASA MO ANG
Devoted Heart (HS1)
RomanceThis is a story about love and loyalty despite of pain, tears and trials. Si Ayen Grace Fernandez ay isang ordinaryong babae. Isa siya sa mga nagkakagusto sa School Hearthrob nila na si Axel James Garcia. Mas lalo ba siyang magkakagusto sa ora...