Ayen's POV
Minulat ko ang aking mata sa nararamdamang init sa mukha ko. Ang sinag ng araw galing sa bintana. Umupo ako sa kama at tumingin sa kwarto ko.
Napahawak ako sa ulo ko.Ang sakit ng ulo ko.
Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko ng may maaalala.
Napaginipan ko na naman si Axel.
Pero pakiramdam ko parang totoo.
Sya ang naghatid sakin.
Hinalikan ko sya.
Hinalikan nya ako.
Sinabi ko sa kanya na mahal ko sya.
Umiling-iling ako.
Panaginip lang yun.
Madalas ko syang mapanaginipan. Sa lahat ng panaginip ko, lagi kong sinasabi sa kanya na mahal ko sya. Hinahalikan ko rin sya.
Pero mas maganda ang panaginip ko kagabi.
Napangiti ako.
Hinalikan nya rin ako.
Yun yung unang beses na hinalikan nya ako sa panaginip ko.
Ano kaya ibig-sabihin nun?
May ibig-sabihin ba yun?Tumayo na ako sa kama.
Maliligo na lang ako para mabawasan ang sakit ng ulo ko.Napatingin ako sa laundry basket. Sa damit kong may suka.
Napatingin ako sa damit kong suot.
Nakawhite T-shirt at maong short ako.Sumuka pala ako kagabi.
Buti naman at pinalitan ako ng damit ni Dina.
Pero bakit di nya tinanggal ang bra ko?
Alam naman nyang di ako natutulog ng nakabra.
Nakakacancer kaya yun.
Hayaan na nga.Kinuha ko ang cellphone ko sa bag.Itetext ko si Dina.
To Dina:
Uy!Hindi ako makakapasok ngayon. Maglalaba ako at uuwi sa bahay. Kitakits nalang bukas. Thank you pala sa kagabi. (:Pagkatapos kong magtext sa kanya, nilagay ko na ang cellphone ko sa maliit na mesa na nasa tabi ng kama ko.
Tinanggal ko rin ang kwintas ko. Tinitigan ko muna to bago nilagay sa mesa. Binuksan ko ang drawer ko. Napatingin ako sa cellphone na binigay sakin ni Axel. Kinuha ko to at umupo sa kama.Hindi na sya mag-open.
Sira na kasi.
Pero kahit matagal na syang di gumagana,tinatago ko parin sya. Mahalaga to sakin dahil bigay to ni Axel at isa ito sa mga nagpapaalaala sakin sa kanya.
Pagkatapos kong pagmasdan ang cellphone, binalik ko na ito sa drawer. Tsaka ako naglakad papunta sa banyo at naligo.Pagkatapos kong maligo at mag-ayos ng sarili, pumunta na ako sa kusina at nagtimpla ng kape.
Mamaya na lang ako maglalaba.
Nanonood lang ako ng TV habang nagkakape.
Napahinto ako sa pagpindot ng remote ng makita ko ang isang palabas sa isang channel.
Isang asong superhero. Ito yung sinasabi sakin ni Axel noon.
Ilang beses ko na rin tong napanood. Cute naman ang aso pero kahit saan ko bandang tingnan, mas cute talaga ako sa kanya. Grabe talaga si Axel sakin. Bulag ba sya? Hindi naman kami magkamukha ng asong yan eh.
Pagkatapos ng palabas, naglaba na ako ng mga damit namin ni Ayan. Natagalan nga ako eh. Ang dami kasi ng damit ni Ayan at ang dudumi pa. Lalo na ang mga jersey nya. Hindi pa pala nagtetext sakin ang batang yun. Baka nag-inom na naman yun kasama mga kaibigan nya. Lagot talaga sya sakin mamaya pag-uwi ko.----
Pagkauwi ko sa bahay naabutan ko si Ayan na nanonood ng telebisyon.
"Asan sina mama?" tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Devoted Heart (HS1)
RomanceThis is a story about love and loyalty despite of pain, tears and trials. Si Ayen Grace Fernandez ay isang ordinaryong babae. Isa siya sa mga nagkakagusto sa School Hearthrob nila na si Axel James Garcia. Mas lalo ba siyang magkakagusto sa ora...