Chapter 14

102 9 0
                                    

Ayen's POV


"Axel," tawag ni karen kay Axel.

Kunot noong naglakad si Axel patungo samin.

Sumulyap muna sya sakin bago tumingin kay Karen.

"Anong arrange marriage ang pinagsasabi mo?" tanong nya kay Karen.

"Bakit? totoo naman ah. Pinagkasundo tayo ng mga magulang natin," si Karen.

"At hindi ako pumayag. Wag ka ng umasa. Hindi mangyayari yun," si Axel habang nakatingin pa rin kay Karen.


Teka kailangan ko na bang umalis?

"Mangyayari yun pag pinilit ko ang pamilya ko at sina tita," naiiyak na sabi ni Karen.


"Karen, pag sinabi kong ayoko, ayoko talaga. Alam mo ring hindi ako mapipilit nina Mommy," si Axel.


"Hindi! Hindi ako papayag. Gagawa ako ng paraan para magkatuluyan tayo!" si Karen.


Tinulak niya si Axel sabay walk out.


Naiwan naman kami ni Axel.


Humarap na lang ako sa locker at nilock ito. Pagkatapos nilagay ko ang libro ko sa bag.


Paglingon ko kay Axel, nakatingin pa rin sya sakin.


"B-bakit?" tanong ko sa kanya.


"Sabay na tayong maglakad palabas ng school," sabi nya.


"Si-sige," ako.

..
..
..
..

"Bakit ka nga pala kinausap ni Karen?" tanong ni Axel habang naglalakad kami.


"Ah..ano ah..hindi ko alam?" ako.


(>.<)(~~.)


"Anong pinag-usapan nyo?" nakakunot noong tanong niya.


"Ano lang..tinanong nya lang ako kung may gusto ba ako sayo. Sinabi nya rin sakin na pinagseselosan daw nya ako," ako.


"Oh? anong sagot mo?" nakataas kilay na tanong niya.


"Sa-sabi ko w-wala. Na idol ang tingin ko sayo," ako.

"Idol?" natatawang tanong nya.


Tumango lang ako.

"Fan na pala kita ngayon hahaha!" si Axel.

(>__<)

"Pwede ba akong magtanong?" ako.

"Ano yun?" sya.


"Bakit nga pala naka arrange marriage kayo ni Karen? Tradisyon ba yun ng pamilya nyo?" tanong ko.


"Hindi naman. Natakot lang siguro ang mga magulang ko. Yun ata ang paraan nila para makalimutan ko si Katlyn. Kaya nung nagdinner kami kasama ang pamilya ni Karen, pinagkasundo nila kami. Siyempre hindi ako pumayag. Ayaw ko namang makasal sa hindi ko mahal. Matagal na yun nangyari. Pinagkakalat lang siguro yun ni Karen dahil..." si Axel habang nakatingin lang sa dinadaanan namin.


"Dahil?" ako habang nakatingin lang sa kanya.


Lumingon sya sakin.


 Devoted Heart (HS1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon