Chapter 29

112 1 0
                                    

Ayen's POV

Tahimik lang ako habang kumakain kami sa hapagkainan.
Nag-uusap sila papa, mama at ang daddy ni Felix. Si Felix naman seryoso lang na nakikinig sa usapan pero sa tuwing tumitingin sya sa direksyon ko ngumingisi sya.
Lumingon ako kay Ayan na kumakain lang sa tabi ko at parang walang pakialam sa mga bisita.

"Ang laki na ng mga anak mo. Parang kailan lang nung huling nakita ko sila. I think it was their elementary days," sabi ng daddy ni Felix.

"Oo nga sir Franco. Matagal na din mula nung huli kayong bumisita dito sa bahay," si papa.

"Pasensya na. Dun na kasi kami tumira sa Japan pagkatapos mamatay ng asawa ko," sabi ni Sir Franco.


"Alam ko po," sabi ni papa sabay tango.

Sino ba sila?

Hindi ko sila maalala.

Tumingin sya samin ni Ayan tsaka ngumiti kaya nginitian ko na rin sya.
Mukhang mabait naman sya kumpara sa anak nya.
Nanatili ang tingin nya kay Ayan na nakatingin na rin sa kanya.

"Ang gwapo ng bunso mo. Hindi halatang sakitin sya nung kabataan nya," nakangiting sabi ni sir Franco.


"Maraming salamat sir sa lahat ng tulong nyo sa pamilya namin," nakangiting sabi ni mama.

"Oo nga sir. Dahil sa inyo gumaling sa sakit ang anak namin," si papa.

Tumango ang daddy ni Felix at ngumiti.

"Naku wala yun. Sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo tayo lang," sabi nya.

Nagulat ako ng bigla syang tumingin sakin. Napatuwid ako ng pagkakaupo.

"Maganda rin tong dalaga nyo. Ilang taon ka na iha?" tanong nya sakin.

"23 po," sagot ko.

Ngumiti sya at tumango sakin.
Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa tingin nya.

Marami pa syang tinanong tungkol sakin at sinagot ko naman yung ng maayos kahit nagtataka at kinakabahan.

"May boyfriend ka na ba iha?" nakangiting tanong nya.

Napatigil ako at tumingin kay papa na seryosong nakatingin sakin. Naalala ko ang sinabi nya sakin kagabi.

Huminga ako ng malalim.

"M-Meron po," sagot ko.

Tumaas ang isang kilay nya at lumingon kay papa. Nagkatinginan sila na parang nag-uusap sila gamit ang mga mata nila.

Lumingon ako kay Felix na nakatingin na pala ng seryoso sakin. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Pagkatapos nun wala ng tinanong si sir Franco sakin at nag-usap na lang sila ni papa.

Pagkatapos namin kumain, tinulungan ko si mama sa paghuhugas ng mga pinggan. Sila papa naman andun sa sala at nag-uusap.
Mayamaya lang din nagpaalam na sina Felix na aalis na sila.
Hinatid sila ni papa sa labas.

"Ate wala ka bang kakaibang napapansin sa mag-amang Santiago?" tanong ni Ayan habang nakahiga sa kama ko at naglalaro sa cellphone nya.

"Bakit? Ikaw may napapansin ka ba?" ako habang nakasandal sa headboard ng kama. Hawak ko ang cellphone ko at naghihintay sa text ni Axel.Katext ko rin si Lorie. Kinuwento ko sa kanya ang pagpunta sa bahay nina Felix.

 Devoted Heart (HS1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon