Ayen's POV
~Kring~kring~kring~
Napadilat at napahiwalay ako sa kanya ng magring ang cellphone ko. Kinuha ko to at nilagay sa tenga ko.
"He-hello? (Best?! Nasan kayo?madilim na. On the way na si manong. Uwi na tayo.) Ganun ba? Sige punta na kami dyan.(Sige.Bye.) Ok. Bye," ako.
Nawala sa isip ko na kasama pala namin sila Lorie.
"Ahm.. ano..tu-tumawag si Lorie. Uwi na daw tayo," di ako makatingin sa kanya. Ang init ng pisngi ko.
"Si-sige. Tara na," si Axel sabay tayo at tumalikod sakin.
Tumayo narin ako. Tumingin ako sa paligid. Buti na lang walang nakapansin samin. Buti mga busy sila. Pero pagtingin ko sa isang tindera ng street foods, nakangiti sya sakin. Nahihiyang ngumiti naman ako. Nakita nya. Nakakahiya.Nasa likod lang ako ni Axel habang naglalakad kami.
Tinanggal niya yung cap niya at pinaypay sa sarili nya. Naiinitan siguro sya. Nakatingin lang ako sa likod niya habang naglalakad."Best!!"
Napatingin ako kay Lorie. Nasa labas na pala sila ng Mall.
Lumapit kami sa kanila.
Napatingin ako sa mga paper bag na dala nila."Saan ba kayo galing pare? kanina pa kami text ng text sa inyo ah," si Joshua.
"Dyan lang," si Axel.
"Tinawagan ko na pala si Manong. Malapit na daw sya," si Joshua.
Tumango lang si Axel.
"Best andito na si manong!
Una na kami sa inyo ah! thank you sa inyo," si Lorie"Sige. Ingat kayo. Parating na rin yung driver nila Axel maya maya. Text text na lang tayo," si Joshua habang nakangiti kay Lorie.
"Sige. Ingat rin kayo. Salamat uli," si Lorie.
Binuksan na niya ang pintuan ng sasakyan nila at pumasok.
Tumingin ako kay joshua.
"Salamat din...." ako.
Lumingon ako kay Axel na nakatingin na pala sakin.
Napaiwas kami ng tingin sa isa't isa."..sa inyo," ako sabay pasok sa sasakyan at sara ng pintuan nito.
Nakakahiya.
Buti nalang agad din pinaandar ni manong ang sasakyan.
"Ano yang mga binili mo best?" tanong ko kay lorie habang nakatingin sa mga paper bag.
"Mga damit lang yan. Nagshopping kami ni Joshua. Kayo anong ginawa nyo ni Axel? Paglabas namin ng sinehan wala kayo," si Lorie habang nakatingin sakin.
"Ano kasi...." ako.
Kinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari samin ni Axel. Hininaan ko lang boses ko para hindi marinig ni manong.
"OMG!" si Lorie.
"Hinaan mo naman ang boses mo..." ako.
"Hinalikan ka nya?" bulong nya sakin.
Tumango lang ako.
Napanganga sya at nasapo ang bibig nya.
"Bakit naman nya ginawa yun?" tanong nya.
BINABASA MO ANG
Devoted Heart (HS1)
RomanceThis is a story about love and loyalty despite of pain, tears and trials. Si Ayen Grace Fernandez ay isang ordinaryong babae. Isa siya sa mga nagkakagusto sa School Hearthrob nila na si Axel James Garcia. Mas lalo ba siyang magkakagusto sa ora...