Ayen's POV
"Ayen..."
"Hmmm.." ako.
"Ayen.. gising na andito na tayo sa bahay nyo."
Dinilat ko ang aking mga mata. Napatingin ako kay Axel.
(0.0)
Bigla akong napabitaw ng yakap sa bewang nya.
"Naku sorry! hindi ko namalayan na nakatulog pala ako," sabi ko sa kanya sabay baba sa motor nya. Tinanggal ko ang helmet at binigay sa kanya.
"Salamat sa paghatid Axel," nakangiti kong sabi sa kanya.
"Wala yun. Magpahinga ka nalang. Masyado ka atang napagod. Bukas ka nalang ng hapon pumasok sa school para mahaba ang pahinga mo." Axel habang nakangiti din sakin.
"Oo sige," ako.
"Sige alis na ako." Axel.
"Sige ingat ka," ako.
Tumango lang sya at pinaandar na ang motor nya. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang nawala sya sa paningin ko.
Pagkapasok ko sa bahay nakita ko si Ayan nanonood ng TV.
"Asan si mama?" tanong ko sa kanya.
"Andun sa kwarto nya. Tapos na kami kumain ate, kumain ka nalang," sagot nya habang nakatingin parin sa TV.
"Okay," sagot ko.
Pumunta na ako sa kwarto at nagpalit ng damit.
Pagkatapos kong maghugas ng pinagkainan ko, pumunta ako sa sala at nakinuod sa pinapanood ni Ayan.
"Ate congrats pala sa inyo kanina." Ayan.
"Thanks," ako habang nakatingin sa TV.
"Ang galing ni kuya Axel no." Ayan.
"Hhmm.." ako. Tumango ako.
"Bagay kayo ate." Ayan.
Napatingin naman ako sa kanya.
"T-talaga?" nakangiting tanong ko sa kanya.
"Joke lang. Naniwala ka naman. Masyado kang halata eh. Hahaha."
Ayan habang nakangisi.Tiningnan ko sya ng masama. Tinawanan lang ako.
Nung inantok na ako, pumunta na ako sa kwarto at natulog.
Kinabukasan...
Maaga ako nagising. Pagpunta ko sa kusina, nakita ko si Ayan na kumakain na at nakabihis na. Umupo ako sa harap nya.
"Ate papasok ka ba ngayon?" tanong ni Ayan sakin.
"Mamayang hapon pa siguro. Wala naman na akong laro," ako habang kumakain.
"Sabagay. Hindi mo ba ako papanoorin maglaro ate?" Ayan.
"Hindi na. Goodluck nalang sa game mo. Ipanalo nyo para tayo ang magchampion," ako.
"Oo ba. Mamayang hapon na pala iaanounce kung sino ang champion na section. Siguradong ang section A na ang panalo." Ayan.
Tumango lang ako. Pagkatapos kumain ni Ayan, nagpaalam na sya samin ni mama. Sumunod naman na umalis si mama para sa trabaho nya. Naiwan akong mag-isa sa bahay. Nanood lang ako ng TV pagkatapos kong maligo. Nung nagtanghalian na, kumain na ako.
BINABASA MO ANG
Devoted Heart (HS1)
RomanceThis is a story about love and loyalty despite of pain, tears and trials. Si Ayen Grace Fernandez ay isang ordinaryong babae. Isa siya sa mga nagkakagusto sa School Hearthrob nila na si Axel James Garcia. Mas lalo ba siyang magkakagusto sa ora...