Chapter 23

101 7 1
                                    

Ayen's POV


"Mam andyan na po si Mam Lorie," sabi ni Sarah pagkapasok nya sa office ko.

"Sige. Pupunta na ako. Salamat."

Kinuha ko ang cellphone ko at nagtext kay Ayan na wag na akong sunduin dahil pupunta ako sa birthday ng pamangkin ni Lorie.
Kinuha ko na ang bag ko at pati na rin ang cake na nasa box. Binake ko kanina.

Nakita ko agad sina Lorie at Joshua na nakaupo sa isang mesa. May kasama silang isang lalaki na nakatalikod sa banda ko. Parang pamilyar sakin ang likod nya. Kumunot ang noo ko habang tinitingnan ang likod nya.
Lumapit naman sakin sina Sarah at nagpaalam na uuwi na. Tumango lang ako sa kanila.
Tsaka ako naglakad papunta kina Lorie na nag-uusap.

"Bakit ngayon lang kayo dumating?magsasara na sana kami eh," nilapag ko ang box ng cake sa mesa. Napalingon ako sa lalaki na nakaupo sa harap nila Lorie. Napanganga ako at nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa kanya.

"A-Axel?" gulat na tanong ko.

Ngumiti lang sya sakin.
Ang bilis ng tibok ng puso ko.
Lalo ata syang gumwapo.

"Uy best bakit gulat na gulat ka?eh nagkita na nga kayo nung biyernes. Sya pa nga ang naghatid sayo sa apartment mo," sabi ni Lorie.

Ibigsabihin hindi panaginip yun.
Bakit hindi sinabi ni Dina sakin.
Hindi pala sya ang naghatid sakin.
Bigla naman nag-init ang pisngi ko ng maalala yun mga sinabi ko sa kanya.

"A-ah ano hindi ko maalala. Nalasing ako masyado," sagot ko nalang sa kanya.
Hindi ako makatingin kay Axel. Nahihiya ako sa kanya.

"Oo nga pala. Ang dami mo kasing ininom best," sabi ni Lorie.

Nahihiya akong ngumiti sa kanya.

"Asan pala si Dina?" tanong ni Joshua.

"Maagang umuwi. May pupuntahan daw sya," sagot ko.

Si Dina talaga. Wala man lang sinabi sakin.

"Ganun ba. Kung ganon tara na. Siguradong kanina pa naghihintay ang pamangkin ni Lorie," si Joshua.

Tumango naman ako.
Tumayo na silang tatlo. Si Joshua ang nagdala ng cake.
Nasa likod lang nila ako habang papalabas kami ng bakeshop.
Pagkatapos kong ilock ang pintuan ng bakeshop, pumunta na kami sa kotse ni Joshua. Sa likod ng driver seat kami sumakay ni Axel.
Tahimik lang kami ni Axel habang nag-uusap naman sina Joshua at Lorie sa harap.
Tumingin na lang ako sa labas ng bintana.
Sabi ko sa sarili ko dati na kapag bumalik na si Axel, magtatapat ako sa kanya ng nararamdaman ko at madami din akong tatanungin sa kanya. Pero ngayon hindi man lang ako makapagsalita sa harap nya.
Ang matindi pa lasing ako ng sabihin ko sa kanya na mahal ko sya.
Teka sinabi nya rin sakin na alam nya.
Alam nyang may nararamdaman ako sa kanya dati pa?!
Pero sabi sakin ni Karen na manhid daw sya?
Marami na talaga akong gustong itanong sa kanya.
Pero wag muna ngayon. Di ko pa ata kaya.
Huminga ako ng malalim.
Ano kaya ang iniisip nya ngayon?

Pagkadating namin sa bahay ng kapatid ni Lorie, bumaba na kami ng kotse. Sinalubong kami ng isang bata. Yung pamangkin ni Lorie na si Lianna. Anim na taon na ngayong araw.

"Tita! bakit ngayon lang kayo dumating?" tanong nya kay Lorie.

"Galing pa kasi ng work ang tita. Sorry baby. Don't worry may dala naman kaming cake. Favorite mo..binake ng tita Ayen mo. Tsaka may gifts din naman kami ng tito Joshua mo sayo," nakangiting sabi ni Lorie sa bata.

 Devoted Heart (HS1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon