Elisha's POV
"HOY! NAPAKA WALANG RESPETO MO SA BABAE!" Sigaw ko sa lalaki.
Sabay silang napatingin sakin nung babae.
Teka, kilala ko to ah!
Sya yung babae na pinagtanungan ko sa hallway nun, yung maliit na babae na nakasalamin na naka hood na may peklat sa muka.
"ABA! AT KAILAN KA PA NAGKAROON NG KAIBIGAN?" Sabi ng lalaki.
"YOU SHOULD RESPECT HER! HINDI MO DAPAT SINASAKTAN ANG MGA BABAE!" Sigaw ko. Grabe! Imagine ngayon lang ako nakakita sa buong buhay ko ng nananakit na lalaki.
"RESPECT? NIRERESPETO KO YUNG MGA TAONG MAY RESPETO DIN SAKIN! PWES SA KASO NG KAIBIGAN MO NA YAN, HINDI SYA KARESPE RESPETO!" Sabi ng lalaki at saka sya naglakad paalis.
"HOY YABANG!" Tawag ko sa kanya.
Lumingon sya sakin ng salubong ang kilay.
"WHAT DID YOU SAY?" Tanong nya.
"ALAM MO? GWAPO KA SANA EH, SABLAY LANG UGALI MO!" Sabi ko.
"WALA KANG KARAPATANG HUSGAHAN AKO DAHIL HINDI MO NAMAN ALAM YUNG BUONG ISTORYA." Simpleng sabi nya at saka na sya tuluyang umalis.
Haaaaayyyyy..
"Ate, ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kanya.
"Oo, salamat ha." Sabi nya.
"Wala po iyon." Sabi ko.
"Ang bait mo din pala. Ang swerte mo naman. Maganda ka na, Matalino pa at Mabait." Sabi nya.
"Nako, hindi naman po." Sabi ko.
"Sana ako na lang ikaw." Sabi nya.
"Ate.. You should appreciate yourself. Maganda ka ate. Kailangan mo lang maging ikaw. Hindi mo kailangan maghangad ng ganda katulad ng ganda ng iba. May kanya kanya tayong ganda na bigay ng Diyos." Sabi ko.
"Ang swerte siguro ng boyfriend mo sayo." Sabi nya.
"Nako wala po akong boyfriend. Pag aaral lang po inaatupag ko." Sabi ko.
"Ay ganun ba, sayang naman pala. Sa ganda mong yan marami kang mabibighaning lalaki." Sabi nya.
Grabe.. ano ba yung balak ng babaeng to sa buhay nya? Magboyfriend lang ng magboyfriend?
"Nga pala ate.. Sino yung lalaki kanina? Crush mo? Boyfriend? Ex?" Tanong ko.
"Mahal ko sya since first year pa lang kami. Eh 4th year na kami ngayon, so bale 4years ko na syang minamahal. Pero alam mo? Halos lahat ginagawa ko para lang mapansin nya kaso wala talaga e. Galit na galit sya sakin." Sabi nya.
"Ate, maghanap ka na lang ng iba kung ayaw naman nya sayo." Sabi ko.
"HINDE!!" Sigaw nya na mala halimaw. Nagulat ako sa naging reaksyon nya, para nya akong papatayin.
"A-ate, m-muka naman syang mayabang, wala pang respeto, at muka syang babaero." Sabi ko.
"HWAG NA HWAG MO SYANG SISIRAAN SA HARAPAN KO!!" Sigaw nya sakin at saka sya biglang tumakbo paalis.
BINABASA MO ANG
DATING MR. BILLIONAIRE [COMPLETED]
Teen FictionElisha-a girl who came from a poor family and able to get into the most prestigious school in PH because of her intelligence. And it happens that she met this guy named Ashton in a not-so-good moment that caused her disgust into him. Ashton- a cold...