Chapter I: THE LETTER

38.5K 554 19
                                    

Elisha's POV

"Ay kumpare! Yan na ba yung anak mo? Sobrang ganda pala ah! Pang beauty queen!" Sabi ng kaibigan ni papa.

Nandito kami ngayon sa bukid. Tumutulong akong magtanim ng palay kila papa. Magsasaka si papa, hindi magsasaka "lang". Marangal ito na trabaho at proud ako sa papa ko.

"Oo kumpare, parang kailan lang hano?" Sabi ni papa.

"Nasan pala misis mo? Wala ata ngayon?" Sabi nung kaibigan ni papa.

"Parating na rin yun, nagtuturo na kasi sya ngayon sa Day Care Center." Sabi ni papa.

"Ay ganun ba?"

"Oo e, kailangang kumayod ng mahirap at magkokolehiyo na yung anak ko." Sabi ni papa.

"Kaya mo yan Sha! Mag-aral ka ng mabuti ha? Malaki paghihirap sayo ng mga magulang mo. Nawa'y maiahon mo sila sa hirap balang araw." Sabi ng kaibigan ni papa.

"Opo naman!" Sabi ko.

"Mabait yang anak ko na yan, hulog ng langit. Swerte ata siguro yung mga nag iisang anak lang." Sabi ni papa.

Pamaya maya nakita namin si mama na tumatakbo papunta sa amin.

"SHHHHHAAAAAA!!! ANAAAKKK!!! MAY MAGANDA AKONG BALITA SAYOOOO!!" Sigaw ni mama na halos gulo gulo pa yung buhok kakatakbo.

"Maaaaa, dahan dahan sa pagtakbo." Sabi ko.

"Ano yun darling?" Sabi ni papa kay Mama.

"SI SHA NAKAPASA SA NEWGEN UNIVERSITYYYYYYY!!!!" Sabi ni mama.

"WAAAAHHHHH~!!!" Sigaw namin nila papa at mama.

"OHMYGADDDD!!! TALAGA BAA MAMA???" Sabi ko.

"OO, ETO OH, TIGNAN MO YUNG LETTER NA PINADALA NILA KANINA SA BAHAY NATIN." Sabi ni mama at saka nya sakin inabot yung color cream na maliit na envelop na may touch ng gold at maroon.

Grabe sa letter pa lang mukang napakayaman at napakaganda na talaga ng NEWGEN. Simula nung bata ako balak ko na talagang dito mag aral ng kolehiyo.

"And guess what??" Sabi ni mama.

"Ano yun??" Sabi ni papa.

"SI SHA YUNG NAG TOP1 SA ENTRANCE EXAAAAAMMMM!!!" Sabi ni mama.

Sumigaw ulit kaming tatlo nila mama at papa.

"And guess what ulit??" Sabi ni mama.

"100% FREE NA SI SHA SA TUITION FEEEEEEE!" Sabi ni mama.

Halos maiyak kaming tatlo nila mama at papa.

"NAPAKASWERTE TALAGA NAMIN ANAK AT NABIYAYAAN KAMI NG NAPAKATALINONG ANAK NA KAGAYA MO." Sabi ni papa at saka nila ako niyakap parehas.

"MGA KASAMAAAAA!! YUNG ANAK KO TOP1 SA ENTRANCE EXAM NG NEWGEN! LIBRE NA KAMI SA TUTION FEEEE!!!" Sigaw ni papa. Binati ako ng lahat ng mga kasamahan ni papa.

"Ang swerte mo talaga Eduard sa anak mo na yan."

"Eduard yan na yung mag aahon sa inyo sa hirap."

"Pagbutihin mo sa kolehiyo Sha!"

"OPOOOO!" Sigaw ko.

"AT DAHIL DYAN, MAGHAHANDA AKO NG HAPUNAN MAMAYA, IMBITADO KAYONG LAHAT!" Sabi ni papa.

"AYOOON! GANON SANAAA!" Sabi nila.

***

"Anak, pupunta lang ako saglit sa may bayan, may bibilin lang ako saglit na softdrinks." Sabi ni mama.

"Mama, ako na po yung bibili." Sabi ko.

"Hay nako anak, ako na. At baka mapano ka pa. Medyo malapit na rin magdilim." Sabi ni mama.

"Mama tulungan mo na lang si papa dyan magluto. Ako na lang bibili para mas mapabilis." Sabi ko.

"Oh sge na nga.." Sabi ni mama.

"Nasan po yung susi ng motor?" Sabi ko.

"Nandun sa likod ng pinto. Mag iingat ka anak ha?" Sabi ni mama.

"Syempre naman mama! Sa tagal tagal ko ba namang nagmomotor, never naman akong nasemplang." Sabi ko.

"Sige sige basta dahan dahan lang lagi ha?" Sabi ni mama.

Pinaandar ko na rin yung motor at saka ako umalis. Medyo malayo din yung bayan mula sa bahay namin, mga almost 30 minutes yung byahe.

medyo mabagal lang yung takbo ko. May kasunod akong kotche. Sumenyas ako na mag overtake na sya.

Pero hindi pa rin sya umaabante.

"Anong problema nun?" Tanong ko ng medyo mahina. Siguro hindi nya lang nakita yung senyas ko.

Sumenyas uli ako na mag overtake na sya kasi ayokong magmabilis ng takbo.

Palingon lingon ako sa side mirror ko. Hanggang sa di ko napansin na may aso na biglang tumawid.

Nawala ako sa balanse. Ayokong masagasaan yung aso kaya pumreno ako ng todo kaya nasemplang ako sa motor ko at nagkaroon ako ng maraming gasgas sa mga braso.

"Oucch." Sabi ko ng mahina.

May nakita akong bumaba sa may kotche. Lalaki. Naka coat pa. Mukang mayaman.

Lumapit sya sakin.


Oh my god.

"Ayos ka lang ba miss?" Tanong nya.

//

Author's Note

Hey thereeee!! Please support my new storyyyyy!! Thank youuuu.

VOTE!VOTE!VOTE!
~kim

DATING MR. BILLIONAIRE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon