Chapter LXVIII: THE DREAM

8.1K 163 12
                                    

Ash's POV

*kinabukasan*

"Hay nako Nico! Bakit naman kasi pinagsalitaan mo ng ganun si Elisha?" Tanong ni Clark sa akin.

"Eh diba alam nyo naman kung gaano kalaki yung galit ko kay dad, sobra lang akong nadala sa mga pangyayari. Hindi ko naman sinasadya na sabihin sa kanya lahat yun." Sabi ko.

"Kahit na bro, dapat hindi mo sya sinigawan." Sabi naman ni El.

"Tsk tsk!" Sabi ni Clark habang napapa iling iling.

"Guysss!! I need your help! Paano ba yung dapat kong gawin?? Baka hindi na nya ako nanaman pansinin! Jusko hindi ko ata kaya yun..." sabi ko.

Iniisip ko pa lang na hindi man lang sya makita o makausap sa loob ng isang araw parang magugunaw na yung mundo ko..

"Ayan kase, kaya dapat Nico kontrolin mo din minsan yung pananalita mo." Sabi ni El habang busy sa pagcecellphone.

Nandito pala kami ngayon sa condo ko.

"Magsorry ka na." Sabi ni Clark.

"Tinext ko na sya. Nagpaliwanag na ako. Ayaw nya akong replyan." Sabi ko.

"Eh nagtatampo nga yun panigurado. Kabisado ko yung mga babae kapag ganyan!" Sabi ni Clark.

"Eh paano na?" Sabi ko.

"Pumunta ka sa kanila, then talk to her in person." Sabi ni Clark.

"Ha? Ayoko! Nahihiya ako... saka hindi ko alam kung paano magpaliwanag..." sabi ko.

"Then mamili ka, magsosorry ka o never mo na syang makakausap." Sabi ni El.

"Nico, habang tumatagal na hindi ka nagpaparamdam sa isang tao, mas lalong lalayo sayo yung loob nya. Ngayon ka pa ba susuko kung kailangan malapit mo na syang makuha?" Sabi ni Clark.

"Hindi naman sa sumusuko. Masyado lang talaga akong nahiya sa ginawa ko sa kanya... hindi ko alam kung anong muka pa yung maihaharap ko sa kanya." Sabi ko.

"Syempre yung gwapong muka yung iharap mo ah!" Sabi ni Clark sabay tawa.

"Oh sya sige na nga, samahan nyo ko mamaya mga 3pm, pupunta ako sa kanila at hihingi na ako ng tawad." Sabi ko.

"Yan ang Nico na kilala namin!!" Sabi ni Clark.

"Sige na magsibalik na kayo sa condo unit nyo at itetext ko na lang kayo kapag aalis na tayo." Sabi ko.

1pm pa lang naman.

May time pa ako para tignan yung sinend ni Elisha kahapon..

Lumabas na rin agad sila Clark at El.

Binuksan ko na yung laptop ko at saka ako naupo sa may sofa.

Pinakinggan ko ng buo yung recorded na file na sinend ni Elisha.


***


Clark's POV

Tinext na kami ni Ash. Sabi nya na nasa baba na daw sya naghihintay sa amin.

Kumatok na rin ako sa condo unit ni El para sabay na kaming bumaba.

"Bat ba naunang bumaba si Ash? Akala ko ba sabay sabay na tayo?" Sabi ni El.

"Ewan ko ba naman sa lalaki na yun." Sabi ko.

Pagpunta namin sa parking lot, nakita na namin agad si Ash na nasa loob ng kotche nya.

Hmnn...

Mukang sobrang lalim naman ng iniisip nya.

"Huy Ash!" Bati ni El.

Nakatitig lang si Ash sa manibela ng kotche.

Pumasok na rin kami sa loob ng kotche pero mukang lutang pa rin si Ash.

"Ano?dito lang tayo ganon? Hwag mong sabihin na nagbago na yung isip mo." Sabi ni El.

Nakatulala pa rin si Ash.

"May sira na ata yung utak nito." Sabi ko kay El.

Kinalabit ni El si Ash.

"AY KABAYO!!" Sigaw ni Ash at saka sya nagulat na nandito na kami agad sa loob.

"Hanep! So ngayon pa lang nag sink in sa utak mo na nandito na kami?" Tanong ko.

"Sorry." Simpleng sabi ni Ash.

"Ano ba yang iniisip mo? Si Elisha ba yan? Ano natatakot ka nang pumunta sa kanila?" Sabi ko.

"It is not about Elisha, it's about the document na sinend nya." Sabi ni Ash.

Kinwento rin kasi ni Ash kanina na may sinabi nga raw si Elisha na may isesend daw syang file kay Ash na tungkol sa recorded audio ng pag uusap ni Elisha at ng dad ni Ash.

"How was it?" Tanong ni El.

"It's true. Lahat ng sinabi nyo noon sa akin." Sabi ni Ash.

"Sabi naman sayo eh hindi ka talaga itinakwil ng daddy mo." Sabi ni El.

"El?" Sabi ni Ash.

"Bakit?" Sabi ni El.

"Remember yung sinabi mong napanaginipan mo ako na sinugatan ako ni mommy sa braso?" Sabi ni Ash.

"Y-yes." Sabi ni El.

"I knew it. That was not a dream. That was true. Tell me everything about it. Alam ko nagsinungaling ka nun." Sabi ni Ash.

Sinimulan na ring paandarin ni Ash yung kotche nya at nagsimula na syang magdrive.

"That night, pumunta kami ni mom sa bahay nyo pero sabi ng katulong nyo na nasa taas ka daw. I was 6 or 7 years old that time. I climb up the stairs towards your room. I saw you sleeping at your bed. Gigisingin na sana kita but then I heard your mom talking outside at parang pupunta sya sa loob ng room mo. You know how scared I am at your mom at kung maaari ayoko syang nakikita nun kaya nagtago ako sa gilid ng cabinet sa corner ng room mo. Then I saw your mom holding a knife at kitang kita ko na hiniwa nya ng maliit yung braso mo. Gusto kong humiyaw that time pero hindi ko magawa. That was the moment na nahimatay ata ako. And then I thought it was all a dream and then the day after that your mom told us that there is a thief that moment. Kaya kinalimutan ko na lang lahat." Kwento ni El.

"Ang sabi sakin ni mommy, may pumasok daw na magnanakaw sa bahay namin that time kaya ako may sugat na ganun. Pero all this time si mom lang pala! Ngayon alam ko na lahat." Sabi ni Ash.

Walang gustong umimik sa amin habang nasa byahe. Sobrang seryoso ng muka ni Ash.

"Ash? May next time pa naman. Siguro next time na lang tayo pumunta kila Elisha." Sabi ko.

"I know what you are thinking. Don't worry never ko ng idadamay si Elisha sa galit ko. Hinding hindi ko na uulitin yung ginawa ko na yun." Sabi ni Ash.

Pamaya maya nakarating na rin kami sa bahay nila Elisha.

"May kuya ba si Elisha?" Tanong ni El.

"Sa pagkakaalam ko nag iisa lang syang anak." Sabi ko.

"Eh sino yung kasama nyang lalaki?" Tanong ni El at saka kami nagtinginan.

May kasama syang gwapong lalaki na matangkad at mukang mayaman.

Nakita naman namin si Ash na nakasalubong na agad yung mga kilay at tila naniningkit na yung mga mata sa mga nangyayari.

Uh oh~

//
Author's Notes

Omg sino kaya yung kasama nya? Comment down your ultimate guess HAHAHHAH!

THIS IS A BONUS CHAPTERR! pina advance ko na dahil malakas naman kayo sakin hahaha saka tutal 200reads na lanh naman eh 20K reads na tayo :)) congraaaatsss sa atin guyssss!!! :*

My next update will be tomorrow!! Abang abanggggg!!! :)))

Konting tiis na lang talaga at malapit na kami magbakasyon hooo!!

Thank you sa mga nagcocomment at votessss!!!!!!!!!!!!!!! :">

~kim

DATING MR. BILLIONAIRE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon