Elisha's POV
*kinabukasan*
"Hihihi ang ganda ganda naman neto!!" Sabi ni mama.
Pagmulat ko ng mata ko nakita ko si mama na may sinusukat na damit at umiikot ikot pa sya habang tinitignan yung sarili nya sa salamin.
Bumangon agad ako para batiin si mama.
"Happy birthday sa pinakamamahal kong mamaaaaa~" sabi ko at saka ko kiniss si mama sa pisngi at saka ko sya niyakap ng mahigpitttt~~
"Thank you anak." Sabi ni mama.
Kanina ko pa binigay yung regalo ko kay mama na heels para masusuot nya kapag nagtuturo sya sa Day Care Center.
"Anong oras na pala mama? Di ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Ang dami kasi nating niluto kanina." Sabi ko.
Gumising kami nila mama at papa ng 2am para mamalengke ng mga ingredients at saka na rin kami tuloy tuloy na nagluto hanggang 9am ng umaga. Natulog lang ako saglit sa sobrang pagod ko.
"1pm na anak jusko ang tagal mong nakatulog dyan." Sabi ni mama.
Agad ko namang nakita yung malaking bouquet ng roses.
"Uy sino nagbigay nyan mama?" Tanong ko.
"Sino pa ba? Gift sakin yan ni Ash. Saka etong pabango na to. Tapos etong blouse na suot ko. Ang ganda hano? Niregaluhan din nya ako ng kwintas. Nakakahiya nga anak eh...ang dami ng nabigay sa atin ni Ash." Sabi ni mama.
"Hayaan mo mama, minsan babawi tayo ng bongga kay Ash!" Sabi ko.
"Napakabait talaga ng bata na yun. Kahit na hindi sya lumaki na kasama yung mommy nya, lumaki sya ng maayos at matulungin sa kapwa saka hindi sya mapangmata." Sabi ni mama.
Tumango tango lang ako.
"Oh sya, hinihintay ka na nilang tatlo dun sa labas. Saka nga pala, kanina nag-usap din si El at papa mo." Sabi ni mama.
"Ha?????" Sabi ko. Jusko! Oo nga pala! Halos makalimutan ko na! Bakit ko ba kasi inaya si El? Medyo galit nga pala si papa dun dahil sa nangyari dati! Patay.
"Don't worry, nag usap naman sila ng maayos. Okay na sila ng papa mo. Kumakain na sila dun kanina sa sala. Kanina pa nga dapat kita gigisingin kaso pinigilan ako ni Ash, hayaan na lang daw muna kitang magpahinga." Sabi ni mama na halatang medyo kinikilig kilig pa.
Lumabas na rin ako sa kwarto.
Nasaan kaya silang tatlo?
Puro mga kapitbahay lang namin yung nandito sa sala at kusina na kumakain.
Lumabas na din ako ng bahay. Wala din sila sa terrace at sa malaking tent sa labas ng bahay.
Ngayon ko lang naisip na sobrang dami pala naming bisita.
"Yung tatlong gwapo ba yung hinahanap mo ay Eli?" Tanong sakin ng isang matanda na kaibigan nila mama.
"Ay oho. Umuwi na ho ata sila." Sabi ko.
"Hindi pa sila umuuwi. Kanina pa sila dun sa may labas mga nakikipaglaro sa mga bata. Hahahaha! Ang saya nga nilang tignan eh!" Sabi nung kaibigan ni mama.
Agad agad din akong lumabas para hanapin sila.
Sobrang dami nilang batang kalaro kabilang na dun sila Bornok.
Bakas na bakas yung mga saya sa muka nila. Ang cute cute naman nilang tignan na tatlo.
Aba aba at mga naka longsleeve pa sila na red na tatlo hahaha! Kala mo tuloy silang triplets.
BINABASA MO ANG
DATING MR. BILLIONAIRE [COMPLETED]
Fiksi RemajaElisha-a girl who came from a poor family and able to get into the most prestigious school in PH because of her intelligence. And it happens that she met this guy named Ashton in a not-so-good moment that caused her disgust into him. Ashton- a cold...