Elisha's POV
Maaga kong ginising si Ash. Sabi ko papasok ako. Kaya ko naman na.
Sabay na muna kaming nagbreakfast ni Ash. Sa groundfloor na kami nagbreakfast dun sa may restaurant sa mismong condo building.
Hinatid na rin ako agad ni Ash sa may apartment ko. After nun sabi nya babalikan nya raw ako after an hour. Wala rin kasi dito yung motor ko. Naiwanan ko dun sa may school dahil nga nahimatay ako nun at sinugod ako sa ospital.
Naligo na rin ako at saka na ako gumayak. After ng ilang mga minuto, nakabalik na rin si Ash. Nakagayak na rin sya at saka na kami sabay na pumasok sa school.
As usual, nagtitinginan sila sa amin ni Ash habang naglalakad kami sa hallway.
"Don't be bother. Inggit lang sila." Bulong ni Ash at saka nya hinawakan yung mga kamay ko. Napangiti tuloy ako. Mas lalo silang nagbulungan.
Ng makarating kami sa lobby ng school. Nagkakagulo sila dun sa may harap ng bulletin board.
"Anong meron?" Tanong ni Ash sa may lalaking estudyante.
"Ngayon kasi nilabas yung result ng departamental exam ng mga BSA Student."
"Hala talaga ba??" Sabi ko at saka na rin ako nakipagsiksikan.
Sobrang daming mga nakapost sa bulletin board na mga names. Halos 1thousand yung mga freshmen na BSA. Anong rank kaya ako.
Hindi ko makita. Sobrang siksikan, hindi ako makasingit papunta sa harap.
"As expected, you are rank 1. Congrats!" Sabi ni Ash. Nakatayo lang sya sa tabi ko pero nakita nya agad dahil sa sobrang tangkad nya.
"Seryoso????" Tanong ko.
Tumango si Ash.
Nag congrats din sa akin yung ibang mga estudyante sa lobby na nakatingin sa bulletin board.
"Manlibre ka naman!" Sabi ni Ash.
"Hahahhaa pag yumaman ako." Pabiro kong sabi at saka kami parehas na tumawa ni Ash.
Naglakad na rin kami ulit sa hallway.
Nagulat kaming dalawa ni Ash at natigilan kami sa pagtawa ng huminto sa harapan namin si Lyza.
"Oh." Sabi ni Ash.
Mukang galit na galit si Lyza na makita kaming magkasama ni Ash.
Ngayon ko lang naalala na may gusto nga pala si Lyza kay Ash since first year pa lang sila. At according kila Clark at El, patay na patay daw si Lyza kay Ash.
Maliit lang si Lyza. Medyo morena. Curly yung hair na color black. May kalakihan yung mata. Nakaglasses na black. At nakahood na black. May pagkachubby din sya.
"What do you want?" Tanong ni Ash na halatang nabadtrip din nung makita si Lyza.
"So kayo na?" Tanong ni Lyza.
"Ano namang pake mo?" Sabi ni Ash.
"Hoy Elisha, akala ko ba hindi mo type si Ash?" Tanong ni Lyza.
"Ha? Sinabi mo yun sa kanya??!" Tanong ni Ash sa akin.
"Dati pa yun." Sabi ko.
"Mga sinungaling!" Sigaw ni Lyza na may halong galit. Nakaikom yung mga kamay nya na parang manununtok.
"Hay nako, let's go Elisha. Hwag mong pansinin yang baliw na yan." Sabi ni Ash at saka na nya ako hinila paalis.
Naiwan si Lyza na nakatayo sa gitna ng hallway.
BINABASA MO ANG
DATING MR. BILLIONAIRE [COMPLETED]
Teen FictionElisha-a girl who came from a poor family and able to get into the most prestigious school in PH because of her intelligence. And it happens that she met this guy named Ashton in a not-so-good moment that caused her disgust into him. Ashton- a cold...