Chapter IV: THE SPACE FOR RENT

19.7K 375 5
                                    

Elisha's POV

Kanina pa kami naghahanap ni mama ng mumurahin na marerentahan kaso wala pa rin. Medyo malapit na rin magdilim.

"Mama, sabi sayo e wag na lang." Sabi ko.

"Hindi anak, meron yan. Maghahanap pa tayo." Sabi ni mama.

Kaming dalawa lang ni mama yung magkasama ngayon. Si papa kasi busy magtanim ng palay sa bukid namin.

Nakailan na din kami ng pinagtanungan ni mama. Kaso puro 5-15k ang rent per month. Sa estado namin nila mama at papa, hindi namin afford yung kahit 5k man lang.

Kahit na may sarili kaming bukid, hindi pa rin iyon sapat dahil maraming pinapasweldo si papa na trabahador na nakikigapas. Saka yung gastos na din sa punla at patubig. Gastos pa sa kuryente at tubig sa bahay tapos pagkain pa namin. Si mama naman halos 3,500 lang yung sahod kada buwan. Day Care lang kasi yung tinuturuan ni mama.

Pamaya maya may nakita kaming karatula na medyo luma na.

"SPACE FOR RENT: 2,000 per month only"

Tinuro ko agad iyon kay mama. Agad agad naming pinuntahan yung lugar. Medyo madumi yung mga dadaanan. May mga daga na bigla na lang dumadaan.

Medyo mabaho din at matagal bago makarating sa mga pinapaupahan na bahay. Puro eskenita yung dadaanan na pawang sobrang sikip.

"Tao po." Sabi ni mama sabay katok sa parang office siguro to.

May lumabas na matanda na medyo creepy yung itsura. Jusko para namang nasa horror ako.

"Ah, magrerenta ba kayo?" Tanong ng matanda.

"Oho sana." Sabi ni mama.

"May walong room pa na walang nagrerenta. Oh eto susi, kayo na bahalang magtingin. Wag kayong mag expect ng ganun kaganda at kaayos dahil 2k lang ang renta ko dito, pinakamura na to kumpara sa lahat." Sabi ng matanda na halos uugod ugod na.

Isa isa naming binuksan yung mga room. Yung iba halos sira sira na yung dingding at walang lock man lang yung ibang bintana. Yung iba naman sobrang baho at walang flush yung kubeta.

Dalawa na lang daw yung natitirang maayos dito. Medyo marami ding umuupa dito kasi nga eto na yung pinaka mura.

Sabi ko kay mama ayos na ako dito. Ako na lang kako yung maglilinis.

*kinabukasan*

Isa isa na naming dinala nila mama at papa yung mga gagamitin ko dito sa nirerentahan kong room.

Hindi ito ganong mabaho kumpara sa ibang rooms, medyo maayos pa yung dingding at may lock naman yung bintana.

Nagtulong tulong na rin kami nila mama at papa na maglinis at maglagay ng mga design at inayos na din ni papa yung ilaw at iba pa.

Medyo masikip lang yung place, sakto lang sa isa o dalawang tao. May higaan na dito. Pinalitan na lang namin ng kutchon. May bangkuan din at maliit na kusina. Parang mini house.

Sa isang araw na pala yung pasukan ko. Bukas na lang din ako sana magpapa enroll. Wala na kasi akong time.

*kinabukasan*

Nagluto agad ako pagkagising ko at saka ako kumain. After nun naligo na agad ako at saka ako nagbihis. Naka pants lang ako at t-shirt.

Inilock ko na din agad yung room ko at saka ako umalis. Walking distance lang naman yung school namin kaya lalakarin ko na lang.

*beeeep beeeep*

"Ay kili kili ng kabayo!" Sabi ko. Jusko montik na akong himatayin sa sobrang lakas ng busina.

DATING MR. BILLIONAIRE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon