Elisha's POV
"MM, tulungan mo nga ako sa pagpili ng mga damit na dadalin ko bukas." Sabi ni Autumn.
Agad namang tumayo si MM para tulungan si Autumn na mamili ng damit sa cabinet ni Autumn. Ako naman, nakaupo lang ako dito sa sofa habang pinapanood sila.
Kung tutuusin, gwapo rin sana si MM kung naging tunay na lalaki sya eh. Medyo maliit sya kumpara kila Ash at Autumn. Medyo mapayat din si MM pero cute sya para sa akin.
"Eto na lang. Dalin mo din tong turtle neck mo na long sleeve kasi I'm sure na malamig dun kapag gabi." Sabi ni MM.
"Nga pala MM, baka naman may mga nakalimutan pa yung mommy mo na ilagay dun sa may maleta mo?" Sabi ko.
"Ha? Hindi. I'm sure kumpleto yun. May listahan kami lagi ni mommy ng mga things na dapat dalin at style ng mga damit at quantity din. Halimbawa, four tshirts, 2jackets...mga ganun ba. Any color and style naman ayos sa akin." Sabi ni MM.
"How about you?" Tanong sa akin ni Autumn.
"May tiwala naman ako kay mama. I'm sure sobra sobra pa yung mga inempake nun na mga damit ko. Alam nyo naman si mama..." sabi ko.
"Sa bagay." Sabi ni MM.
"Oh baka makalimutan mo pang magdala ng brief HAHAHAHA! Oh eto pa, dalin mo na tong tshirt na to. Saka eto pa." Sabi ni MM.
After ng kalahating oras natapos na rin silang mag empake. Sabay sabay na rin kaming nagdinner sa baba.
"Nasaan pala si Mrs.Ruiz? Saka yung mommy mo?" Tanong ko kay Autumn.
"Ah sila ba? May pinuntahan. Kanina pa sila umalis. Baka daw mga hating gabi na sila makauwi." Sabi ni Autumn.
"Ay ganun?" Sabi ko.
Sabay sabay na rin kaming kumain.
"Grabe! Sobrang sarap tumira dito sa inyo Autumn! Sobrang sarap at dami ng mga pagkain! Mygad Kano!!" Sabi ni MM.
Dito ako kila Autumn natuto na kumain ng madami. Ewan ko pero kapag nandito kami kila Autumn, sobrang malaya kami na kumain ng sandamakmak. As in walang kasawaan! Lalong lalo na si Autumn at MM! Jusko! Kapag pagkain na ang usapan, halos magbangayan! Lalo na sa barbecues at kung ano ano pa! Lalo na pag iisang piraso na lang yung natitira HAHAHAHAHA!
Sabay sabay na rin kaming nagtoothbrush at umakyat na ulit pabalik sa kwarto ni Autumn.
Magkatabi kaming tatlo sa kama ni Autumn. Syempre hindi ko katabi si Autumn dahil nasa kabilang gilid sya at nasa gitna namin si MM.
Kaya namin ginigitna si MM kapag natutulog dahil daig pa ni MM yung bangkay kapag tulog, as in ni isang kislot ata hindi nya magawa. As in sobrang tahimik nya matulog. Hindi sya malikot kaya sya yung pinunta namin sa gitna.
Saka hindi kasi kami pwedeng magtabi ni Autumn sa pagtulog dahil sobrang likot nya! Sobrang hilig mangyakap! Eh at least si MM, lalake, pwede nyang yakapin kahit kailan nya gusto Hahahahahha!
...
...
ZzzZzz
...
...
ZzzzZzzz
...
Zzzzzzz...
ZZzZZzzz..
...
...
"ano ba yan napakalikot!" reklamo ni MM.
medyo dumilat ako.
Natanaw ko sa orasan na alas kwatro na ng madaling araw.
Nakailang tanggal din si MM ng kamay ni Autumn na panay ang yakap sa kanya.
Hindi na nakatiis si MM at bumangon na sa higaan.
Nang mapansin nya ako na gising rin, tinanong ako ni MM, "Anong oras na ba girl?"
Tinignan ko yung orasan sa table na katabi ng kama ni Autumn. "It's 4:23am"
"Tamang tama gagayak na ako. Nasa baba na siguro yung mga maleto ko. Eto oh nagtext na si mommy ko, halos kakaalis lang din pala nila. Kunin ko muna yung maleta ko sa baba." Sabi ni MM at saka na sya lumabas ng room.
Ginising ko naman si Autumn.
"bakit?..." tanong ni Autumn.
"Gumising ka na at gumayak ka na. Uuwi na muna ako sa amin para gumayak." Sabi ko.
"sige..." sabi ni Autumn na halatang inaantok pa.
Bumangon na rin sya at saka na muna sya umupo sa may sofa.
Agad ring bumalik si MM dala yung damit nya. "Mauuna na muna akong maligo Autumn." Sabi ni MM.
"Oh sige, matutulog muna ako ulit. Gisingin mo na lang ako pagkatapos mo.." sabi ni Autumn at saka na sya nagtalakbong ng kumot.
"Hay nako napaka antukin talaga ng lalaki na to!" Sabi ko.
Si MM naman pumasok na rin sa CR para maligo.
Lumabas na rin ako ng room ni Autumn at saka ko isinara yung room.
"HINDI NGA PWEDE!" Nagulat ako ng may narinig akong sigaw.
Sa room ng mommy ni Autumn nanggagaling..
Medyo nacurious ako kaya sumilip ako sa uwang sa may pintuan.
Nag uusap yung mommy ni Autumn at si Mrs.Ruiz.
Mukang sobrang seryoso ng pinag uusapan nila. Mukang parehas din silang galit.
"Sabihin mo na sa kanya!" Sabi ng mommy ni Autumn.
"Hindi pa ako handa!" Sabi ni Mrs.Ruiz.
"Habang tumatagal mas lalong lumalalim yung galit nya sayo!" Sabi ng mommy ni Autumn.
May kaaway si Mrs.Ruiz? Eh sobrang bait naman ni Mrs.Ruiz...Hindi naman siguro si Ash yung tinutukoy ng mommy ni Autumn na may galit kay Mrs.Ruiz.
"May tamang panahon para dyan. Don't worry, nireready ko na yung sarili ko. Kailangan ko lang ng right moment." Sabi ni Mrs.Ruiz.
"Ewan ko sayo! Ilang taon ko na sayong sinasabi na sabihin mo na yan sa kanya. Gaano ba yon kahirap??" Sigaw ng mommy ni Autumn.
"HINDI KO KAYA! NATATAKOT AKO! ANO MASAYA KA NA??! KASI HANGGANG NGAYON, FEELING KO NAPAKAWALANG KWENTA KONG INA! NA WALA AKONG AWA!!!" Sigaw ni Mrs.Ruiz sabay iyak.
Agad namang niyakap ng mommy ni Autumn si Mrs.Ruiz.
Jusko! Mukang nakakaawa naman yung buhay ni Mrs.Ruiz.
Umalis na rin ako agad sa kinakatayuan ko bago pa ako mahuli na nakikinig sa usapan nila. Jusko patawarin nyo po ako. Hehe inatake ng pagka chismosa eh.. hahahaha
Umuwi na rin ako sa bahay namin.
"Akala ko hindi ka na uuwi eh!" Pabirong sabi ni mama.
"Oh sya, maligo ka na. Nakahanda na yung isusuot mo." Sabi ni mama.
Kinuha ko na rin agad yung tuwalya at saka na ako naligo.
Excited na koo!!! Ohmygod!!
//
Author's NoteTHIS IS A BONUS CHAPTER!!!
HAPPPYYYY 30k READSSS GUYSSS!!!!! :))))
Thank you for supporting my story!!! Don't worry guys, iuupdate ko na lahat lahat!! Hahahha tinatapos ko na lang talaga yung ending nya hehe!
~kim
BINABASA MO ANG
DATING MR. BILLIONAIRE [COMPLETED]
Teen FictionElisha-a girl who came from a poor family and able to get into the most prestigious school in PH because of her intelligence. And it happens that she met this guy named Ashton in a not-so-good moment that caused her disgust into him. Ashton- a cold...