Ash's POV
*fastforward*
Nandito na kami ngayon sa condo ko. Si Elisha at MM nakauwi na rin sa kanila.
Nasolo ko naman ng matagal si Elisha dun sa Siargao dahil umalis rin agad si Autumn dahil kailangan na nyang maggayak ng gamit nya pabalik sa US.
At nung time na nakabalik kami dito sa condo namin, sakto naman pag alis pala ni Autumn kaya hindi na namin sya naihatid sa airport. Masaya ako dahil nagkaayos kami ni Autumn bago sya umalis.
Ngayon, gumagayak na ako dahil kailangan ako ngayon sa office sa may hospital. Dun na kasi ako nasanay na magbantay o tumambay minsan. Si El at Clark kasi wala ngayon dahil inaasikaso yung tinatayo nilang business na café. Yan kasi yung goal nila na magtayo ng café na may iba't ibang theme kada branch. Halimbawa yung isang branch, KOREA ang theme, edi puro about sa korea yung designs nun or kpop, pati yung mga names ng dishes at korean dishes din mismo. Iniisip kasi nila yung isang business na never maluluma o yung creative.
Pagkatapos kong gumayak, pumunta na rin ako sa parking lot para sumakay na sa kotche ko at saka na ako umalis.
Pagdating ko sa ospital, wala masyadong mga pasyente ngayon na naglilibot sa mga hallways. Wala rin masyadong emergencies.
*ting*
Tinignan ko kung sino yung nagtext.
Si Elisha.
Agad kong binuksan yung message.
["Hello Ash, good morning. Diba sabi mo kahapon na pupunta kang ospital ngayon? Nandiyan ka ba? Kasi nandito ako medyo malapit sa hospital, may ibibigay lang sana ako sayo."]
Agad ko din syang nireplyan.
["Yes, I'm here. Hintayin na lang kita sa labas."]
Hinintay ko na muna si Elisha dito sa lobby bago ako umakyat sa taas sa office ko.
"Sir! Napapadalas po ata yung pag alis alis nyo ah." Sabi ni Hydee.
Si Hydee, pinakabatang nurse sa hospital namin. Isa sya sa pinakamagandang nurse dito. Pinakamabait din at mahinhin.
"Madaming inaasikaso sa business eh." Sabi ko.
"Nako! Business nga ba sir o yung girlfriend mo!" Sabi naman ni Jenny. Si Jenny isa rin sa mga nurse na nasa lobby na kasama lagi ni Hydee.
"Kayo ha napaka chismosa nyo." Pabiro kong sabi at saka sila nagtawanan.
"Hay nako sir! Dapat kasi si Hydee na lang yung naging girlfriend nyo, maganda at mabait rin naman si Hydee. Saka hindi ka na mahihirapan pang puntahan sya dahil nandito lang sya lagi." Sabi ni Shi, yung baklang nurse na nasa lobby desk din. Silang tatlo yung mga pinakabata at may mga itsura. Sila rin lagi yung nagwewelcome sa mga tao at nag aasikaso kapag may hinahanap na room. Sila na rin yung naging magkakaibigan.
"Sorry, taken na yung heart ko." Sabi ko.
Aware naman rin ako na may gusto sa akin si Hydee, matagal na. Yes maganda sya at mabait. Halos kasing bait nga sya ni Elisha sa totoo lang. Kaso....iba talaga yung tama ko kay Elisha eh...parang wala ng papantay sa kanya ganun.
"Hay nako sir! Ano ba kasing itsura nung Elisha na yun? Ano bang wala kay Hydee na meron yung Elisha na yun?" Tanong ni Shi.
Medyo bago pa lang kasi si Shi dito sa Ospital. At usually, kapag pumupunta dito si Elisha, wala silang tatlo lagi. Makaisa lang pala nilang nakita siguro pero hindi nila napansin dahil hindi pa naman kami close ni Elisha nun.
"Hay nako magtrabaho na nga lang kayo diyan." Sabi ko.
"Mukang may hinihintay kayo sir ah." Sabi ulit ni Shi.
BINABASA MO ANG
DATING MR. BILLIONAIRE [COMPLETED]
Teen FictionElisha-a girl who came from a poor family and able to get into the most prestigious school in PH because of her intelligence. And it happens that she met this guy named Ashton in a not-so-good moment that caused her disgust into him. Ashton- a cold...