Elisha's POV
"Hello mama?" Sabi ko.
"Nasan ka na ba?? Kanina pa kami alalang alala sayo. Umuwi ka na dito at sobrang lakas ng ulan." Sabi ni mama.
"Nandito po ako kila Ash sa condo nya. Kasama ko po sila El at Clark. Uuwi na rin po ako mamaya pagkatapos po naming kumain." Sabi ko.
"Oh sige, ipapasundo na lang kita kay Autumn." Sabi ni mama.
"Po? Hala wag na mama! Magpapahatid na lang po ako kay Clark!" Sabi ko.
"Sigurado ka ba? Oh sige. Basta umuwi ka rin agad ha? Kapag hindi ka pa umuwi after ng 30mins ipapasundo na talaga kita kay Autumn." Sabi ni mama.
"Opo mama." Sabi ko at saka na pinatay ni mama yung tawag.
"Anong sabi ni tita?" Tanong ni Clark.
"Umuwi na daw ako agad after ng 30mins, kung hindi ipapasundo daw nya ako kay Autumn." Sabi ko.
"Mukang close na close rin talaga yung mama mo at saka si Autumn hano?" Sabi ni Ash.
"Magkaibigan kasi yung mga parents namin kaya naging magkaibigan na rin kami simula nung mga bata pa kami." Sabi ko.
"So ang tagal nyo na pala talagang magkakilala?" Sabi ni Ash.
"Oo naman!" Sabi ko.
Hindi na umimik pa si Ash at saka na lang sya kumain ng mabuti.
After naming kumain, nag aya na rin ako na umuwi. Si Ash na sana yung maghahatid sa akin pero sabi ni Clark na mas mabuting safe sya dito sa condo nya lalo na at may phobia sya sa kidlat. Kaya si Clark at El na lang yung naghatid sa akin.
Nagulat ako ng tumigil kaagad yung ulan sa labas. Yung totoo? Nananadya na ata to eh!
Nakailang minuto rin kami sa byahe bago ako makauwi. "Thank you guys sa paghatid sa akin." Sabi ko.
"Thank you din kasi niligtas mo yung kaibigan namin." Sabi ni Clark.
"Wala yun." Sabi ko.
Umalis na rin sila kaagad.
Pagpasok ko sa bahay namin nagulat ako ng makita ko si Don.
(A/N: guys wag kayong malilito. Si Don at Autumn ay iisa. Okay? :> )
"Bakit ka nandito Don? Gabing gabi na ah." Sabi ko.
"Eh ikaw eh, masyado mo kaming pinag alala nila Tito at Tita kaya hinintay na kitang makauwi just to make sure you are fine." Sabi ni Autumn.
"Ano ka ba, ayos lang ako." Sabi ko.
Hindi ko napansin na umiinom nanaman si papa ng alak sa may kusina namin kasama ng dalawa nanaman nyang kaibigan.
"Hay nako si papa talaga!" Sabi ko.
"Oh sya Elisha, mauuna na rin ako. Bukas ha? Punta ka sa amin." Sabi ni Autumn.
"Sure sure." Sabi ko.
"Sige babye~" sabi ni Don.
"Salamat ha? Mag iingat ka pauwi." Sabi ko.
Kinindatan nya lang ako at saka na sya lumabas ng bahay.
Si mama naman panay na ang ayos ng mga gagamitin nya mamaya dahil panigurado na malalasing nanaman si papa.
"Mama bakit nanaman ba umiinom si papa? Alam na nga nyang halos kakaopera nya lang eh." Sabi ko.
"Hay nako ewan ko ba dyan sa papa mo na yan! Ayaw magpaawat." Sabi ni mama.
BINABASA MO ANG
DATING MR. BILLIONAIRE [COMPLETED]
Teen FictionElisha-a girl who came from a poor family and able to get into the most prestigious school in PH because of her intelligence. And it happens that she met this guy named Ashton in a not-so-good moment that caused her disgust into him. Ashton- a cold...