Chapter LXXVIII: BUSINESS MEETING

8K 172 15
                                    

Elisha's POV

"Thank you ulit." Sabi ko kay Ash.

"Welcome." Sabi ni Ash habang busy magdrive.

"Nga pala Elisha, I'm going back to my office sa hospital. Nandun kasi si Mrs.Ruiz and I think she will love to see you again. Gusto mo bang sumama?" Tanong ni Ash.

"Of course!! Teka, itetext ko na lang si mama at saka ko sasabihin na saglit lang tayo." Sabi ko.

"Good." Sabi ni Ash at saka sya napangiti habang nagdadrive.

"Hala, baka naman makaistorbo lang ako sa inyo. About ata yan sa business nyo." Sabi ko.

"Hindi naman gaano. Final retouching na lang naman yung kulang." Sabi ni Ash.

"Okaaayy~~~" sabi ko.

"Kailan pa pala sya nakauwi dito sa Pilipinas?" Tanong ko.

"Nung isang araw lang." Simpleng sabi ni Ash.

"Ah.." sabi ko na lang.

"Alam mo, para ngang magkamuka kayo eh.." sabi ni Ash.

"Haha! Paano mo naman nasabi??" Tanong ko.

"Magkamuka yung mga mata nyo. Ewan ko ba! Basta magkahawig kayo." Sabi ni Ash.

"Ang layo! Jusko. Ang puti puti nya saka sobrang tangos ng ilong. Ang layo talagaaa Hahahahha! Baka sobra mo lang akong namimiss kaya pati sa iba nakikita mo ko." Pang aasar ko.

"Hay nako ewan ko sayo haha!" Sabi ni Ash sabay tawa.

After ng ilang minuto, nakarating na rin kami sa hospital.

Ipinark na muna ni Ash yung kotche nya sa parking lot. After nun sabay na rin kaming pumasok sa hospital.

Agad naming natanaw si Mrs.Ruiz sa may lobby ng hospital habang nakaupo sa may sofa. Naka pure black sya na dress at naka black na heels. Nakasuot din sya ng hikaw at kwintas na pearls. At may hawak syang shoulder bag na silver na sobrang kamuka ng bag na suot ko ngayon which is binigay sa akin ni Autumn.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Unti unti kaming lumapit kay Mrs.Ruiz. Mukang busy sya na mag cellphone.

Kahit na medyo may katandaan na rin si Mrs.Ruiz, makikita na sobrang ganda nya pa rin. Syempre, ikaw ba namang maging pinaka mayaman sa buong mundo haha. May kasama syang tatlong body guard na naglalakihan yung katawan. Mas malalaki yung katawan ng mga to kaysa sa mga body guards ni Ash.

"Goodmorning Mrs.Ruiz." Bati ni Ash.

"Goodmorning Mrs.Ruiz." Bati ko rin kay Mrs.Ruiz.

"W-what's your name again??" Tanong sa akin ni Mrs.Ruiz.

Bigla syang tumayo at saka nya ako niyakap.

"E-Elisha po. Elisha Claire Andres." Sabi ko.

"I'm so happy to see you again." Sabi ni Mrs.Ruiz.

"Ako rin po masaya at nakita ko po kayo ulit." Sabi ko.

"Tara na po sa office room sa taas, Mrs.Ruiz." Alok ni Ash.

"Oh, okay okay." Sabi ni Mrs.Ruiz.

Nakahawak lang si Mrs.Ruiz sa may braso ko habang naglalakad kami.

"Sayo pala binigay ni Autumn yung limited shoulder bag na yan. Akala ko bakla na yung pamangkin ko na yun!" Sabi ni Mrs.Ruiz sabay tawa. Oo nga pala, kapatid nga pala ni Mrs.Ruiz yung mommy ni Autumn.

Nakita ko naman na medyo nagseselos nanaman si Ash ng marinig nya yung pangalan ni Autumn.

"Hehe best friend ko po kasi si Autumn simula pa po nung bata pa ako." Sabi ko.

DATING MR. BILLIONAIRE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon