Ash's POV
["I've already send the money to the account. Let's get this business started. And I'm planning to go there in the Philippines next month to manage the establishment of the business and I have some other stuff to manage too."] sabi sa message na sinend ni Mrs.Ruiz
Agad kong kinontact lahat ng mga nakaplano na magiging employees at workers.
Ang business na pinaplano naming itayo ay LARGEST MALL IN THE WORLD.
And besides, nakahanap na rin ako ng tatlong malalaking lupa na tabi tabi na pagmamay ari ng ibat ibang tao. At ang maganda pa dito, willing silang ibenta ito sa murang halaga.
Nireplyan ko na si Mrs.Ruiz
["Okay Mrs.Ruiz. Everything is fine and we can start anytime you want."] Reply ko.
["Start it as soon as possible."] reply ni Mrs.Ruiz.
["Okay Mrs.Ruiz."] reply ko. Hindi naman na sya nagreply pa.
Agad kong tinawagan si Mr.Sareno para kausapin na yung tatlong may ari ng lupa para mabili na agad. At sinabi ko rin na agad akong itext kapag nabili na nya yung tatlong malalaking lupa.
*kinabukasan*
["Where are you?"] text sa akin ni Elisha.
Tinawagan ko sya agad after kong mareceive yung text nya.
"Hello, I'm at my office dito sa may Hospital namin bakit?" Sabi ko.
"May bibilin kasi ako sa palengke. Dadaan ako dyan after, to see you." Sabi ni Elisha.
"Talaga? Hwag naman tayong magkita dito sa Hospital haha ang unromantic. Meet me at the coffee shop sa tabi lang mismo ng Hospital namin. Don't worry hindi ko na ipapareserve baka magalit ka eh haha!" Sabi ko.
"Okay sige tawagan na lang ulit kita kapag malapit na ako." Sabi ni Elisha.
Hala jusko! Kailangan ko na munang mag ayos! Pumunta agad ako sa bedroom ng office ko at saka na ako namili ng ibang polo at saka na ako nagpalit. Nagpabango na rin ako at nagpalit ng rubber shoes.
Nagpaalam na rin muna ako sa ibang officers and doctors dito in case na hanapin nila ako.
Nagdecide ako na maaga akong pupunta sa Coffee shop, ayokong mahuli sa meet up namin. Saka first time din mag aya ni Elisha na magkita kami kaya medyo importante sakin to.
Naglalakad na ako papunta sa coffee shop.
Ano kayang masarap na orderin? Hmmm... Milk tea? Or Lemonade na lang muna? Hmnn...masarap din siguro kapag may cheesecake...or donnut?
*bogsh*
Natigilan ako sa pag iisip ng oorderin ko ng may nabunggo akong lalaki.
"Sorry po s-" Sabi ko. Natigilan ako sa pagsasalita ng makita ko kung sino yung nabunggo ko.
Si Dad.
Agad na nag iba yung timpla ng mood ko. Yung kaninang masasayang nararamdaman ko agad na binalutan ng sama ng loob.
Agad kong naalala lahat ng ginawa nya sa akin at sa amin ni mommy. Naalala ko yung pagtataboy nya sa akin sa office nya at halos itanggi na anak nya ako. Yung pag alok nya sakin noon ng pera kahit hindi naman yun yung balak ko, yung pag iwan nya sa amin ni mommy. Yung panggagamit nya sa yaman ni mommy..
"Anak.." Sabi nya sakin at saka nya ako hinawakan sa braso.
Tinanggal ko agad yung pagkakahawak nya sa braso ko at saka ako naglakad pabalik sa hospital.
BINABASA MO ANG
DATING MR. BILLIONAIRE [COMPLETED]
Teen FictionElisha-a girl who came from a poor family and able to get into the most prestigious school in PH because of her intelligence. And it happens that she met this guy named Ashton in a not-so-good moment that caused her disgust into him. Ashton- a cold...