Chapter LI: CALL

9.5K 200 16
                                    

Elisha's POV

Nandito pa rin kami sa condo ni Ash.

"Ash! Nga pala, diba may pasok tayo ngayon? Martes pa lang ngayon ah." Sabi ko.

"I was told by our Dean na you could rest for a week. It was kind of traumatizing daw for you. And also, don't worry dahil exempted ka daw for a week. Siguro yun na yung price mo for having a flat1 average." Sabi ni Ash.

"Ganun?" Simpleng sabi ko.

"But I like your attitude nung time na yun. You did not let them na abusuhin yung kabaitan mo." Sabi ni Ash.

"Syempre alam ko naman na din kung sobra na. Saka sabi kasi sakin ni papa na hwag ko daw hahayaan na maliitin ako ng ibang tao." Sabi ko.

"Nga pala, kailan mo sasabihin sa parents mo yung nangyari?" Tanong ni Ash.

"Please...Ash, don't tell them." Sabi ko.

"But why???" Tanong ni Ash.

"Ayokong mag alala sila. Saka for sure, susugod si mama sa school. Hindi naman na ako bata for that. And besides, away lang naman ng mga teens yun and it was kind of normal lang din naman in some what ways." Sabi ko.

Medyo napaisip si Ash sa sinabi ko.

"Okay okay sige hindi ko na sasabihin." Sabi ni Ash.

Nginitian ko sya. "Thank you."

"May favor din pala ako." Sabi ni Ash.

"Ano yun?" Tanong ko.

"Can you please stay here for the night?ngayon lang naman." Sabi ni Ash.

"Ha?! Ayoko nga!" Sabi ko.

"Bakit??" Tanong ni Ash.

"Baka kung anong gawin mo sakin noh." Sabi ko.

"Ha? Nag aalala lang naman ako sayo. Baka kasi mawalan ka ulit ng malay. Saka wala kang kasama dun sa apartment mo. Ayaw mo namang sabihin sa parents mo yung nangyari kaya wala rin sila dun para bantayan ka. I was planning to send you to your parents' home kaso magtataka lang sila bakit hindi ka pumasok. Kaya no choice ka to stay here." Sabi ni Ash.

"Sige na nga! But I have one condition." Sabi ko.

"Ano yun?" Tanong ni Ash.

"Hindi tayo matutulog na magkatabi okay ba yon?" Sabi ko.

"Of course!" Sabi ni Ash.

After naming mag umagahan, may tumawag na agad sa telepono ni Ash.

"Okay okay I will call you back later." Sabi ni Ash.

Tumayo na agad si Ash at saka na nya nilagay yung pinagkainan nya sa lababo.

"Nga pala Elisha, sa kwarto na muna ako ha? May aasikasuhin akong document na kailangang itype kaya medyo magiging busy ako. Gawin mo na lang kung ano yung gusto mong gawin. Marami naman din akong foods dito, ikaw ng bahala kung ano yung gusto mong kainin. Basta ha? Pag may kakaiba kang nararamdaman, just call me okay?" Sabi ni Ash.

"Okay, thank you." Sabi ko. Medyo natouch naman ako sa last nyang sinabi. Kahit na gaano sya kabusy, nandyan pa rin sya para sa akin.

Kumuha na muna si Ash ng iced coffee sa ref.

Eto na siguro yung pinakamalaking condo. Imagine may second floor. Pero not totally may second floor sya, I mean yung kwarto lang. Tapos naka high ceiling lang yung sala nila.Magkano kaya yung isang condo dito? At sino yung mag ari?

"Ahmnn...Ash." Sabi ko.

"Bakit?" Tanong nya.

"Sino yung pinaka may ari ng condo building na to? Saka magkano isang condo dito?" Tanong ko.

DATING MR. BILLIONAIRE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon