Chapter XV: CLINIC

13.4K 274 7
                                    

El's POV ( ehem! yung ma team El dyan oh HAHAHAHA)

Nag aalala ako  para kay Elisha. Alam ko kung gano katarantado minsan si Ash.

Alam ko mismo yung binabalak ni Ash. Wala syang gusto kay Elisha. Kaya sya nagkukunwari na mahal nya si Elisha ay para magalit yung mga nagkakagusto kay Ash sa kanya.

Mautak din minsan si Ash.

Teka teka... Nasan na si Elisha? Nandito lang kanina sa baba yun ah.

"Excuse me MJ, nasan si Elisha?" Tanong ko.

"Omgg, did you say my name?" Sabi nya na parang malapit na mahimatay. Bihira lang kasi kumausap ng babae. Haysss.

"Si Elisha nasan?" Tanong ko sabay irap.

"A-a-h.. N-n-nandun s-s-sa may s-swimming pool..Pinakuha ko yung walis tambo." Sabi ni Mj.

"Bakit mo sya pinaalis??!" Sigaw ko. Nagtinginan samin lahat.

"B-b-bakit?" Tanong ni MJ.

Tumakbo na agad ako papuntang swimming pool.

sabi na nga ba oo!

tumalon agad ako sa pool at saka ko kinuha si Elisha bago pa sya tuluyang malunod.

Marami na ding nanonood sa amin. Dumami yung mga estudyante sa loob ng indoor pool. Marami nanamang mga feeling bubuyog na panay ang bulong.

"ELISHA!" Sigaw ko sa kanya at saka ko inuga uga yung balikat nya.

"Elishaaaaa!!!" Sigaw ni Mj habang umiiyak.

May dumating na rin agad na mga taga clinic bago ko pa i-CPR si Elisha.

"Kami ng bahala dito, El." Sabi ng mga nurse at doctor.

Pamaya maya nagising din si Elisha. Madami din pala syang nainom na tubig.

Sorry Elisha kung medyo nahuli ko.

Inihiga na sya sa stretcher at saka na sya dinala mismo sa clinic.

***

Elisha's POV

Pagmulat ko ng mata ko nakakita ako ng puting kisame.

Langit na ba to?

Puti rin yung kurtina sa paligid.

Nakaputi din ako.

Anghel na ata ako...

Patay na ba talaga ako?

Puro puti yung paligid...

Hindi ako magalaw..

Parang ang bigat bigat ng katawan ko..

Pamaya maya may dumating na lalaki..

"El?" Sabi ko..

"How are you?" Tanong nya.

"Patay ka na rin?" Tanong ko.

Natawa lang si El.

"Patay na ba tayo?" Tanong ko.

"No." Sabi ni El at saka sya tumabi sa higaan ko.

"Nasa langit na ata ako El.." Sabi ko habang tumitingin sa paligid.

"Nasa clinic tayo Elisha." Sabi ni El na halatang nagpipigil ng tawa.

"Talaga ba?" Tanong ko.

"Yes." Sabi ni El habang nangingiti ngiti.

"Don't worry about sa nangtulak sayo sa pool, pinalipat na sila ng CEO natin sa ibang branch ng school natin. Nainform na din nila yung parents ng tatlong babae na yun. At lumabas na marami na din pala silang nabully at hindi alam ng parents nila. So.. matatahimik ka na mula ngayon." Sabi ni El.

DATING MR. BILLIONAIRE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon