Clark's POV
Ilang araw din yung lumipas.
Tahimik lang lagi si Ash. Parang back to normal lang.
Hindi na rin nya binabanggit si Elisha. Hindi na rin nakikisit in si Ash sa klase ni Elisha.
Bihira ko ng makita si Elisha, at kung makita man namin, nginingitian nya lang kaming dalawa ni El. Si Ash? Dedma lang.
Good to know. At saka yun na yung last talaga nilang pag uusap.
I don't want to see any girls crying. Kasi everytime na naiisip ko yun, naaalala ko lang si mommy.
Namatay si mommy nung pagkapanganak nya sa akin. Simula nun, si Lola ko lang yung nag alaga sa akin kaya naiintindihan ko kung gano kamahal ni Elisha yung lola nya.
Nandito lang kami ngayon sa labas ng ACE Room. Nakaupo kami sa lilim ng puno dito habang kumakain ng pizza.
"Buti naman Ash at natauhan ka na." Sabi ko kay Ash.
Parang malalim yung iniisip ni Ash.
Hindi sya sumagot.
"That's right Nico. Right decision yang ginawa mo na layuan na si Elisha. Diba? Edi mas tahimik. For the sake of the both of you." Sabi ni El.
"Siguro nga wala talaga akong magawa sa buhay." Sabi ni Ash at saka sya humiga sa damuhan.
"Kailan ka ba may ginawa?" Sabi ko sabay tawa.
Pero mukang seryoso si Nico sa sinasabi nya.
"Siguro nga wala talaga akong kwenta." Sabi ni Ash.
"Siguro nga wala akong isip." Sabi ulit nya.
"Siguro nga napaka tarantado ko." Sabi ni Ash habang nakatingala sa langit.
"Tignan mo ngayon, edi dinamdam mo lahat ng sinabi sayo ni Elisha?" Sabi ni El.
"She's....amazing." Simpleng sabi ni Nico.
"Si Elisha lang pala katapat mo." Sabi ko at saka kami tumawa parehas ni El.
"She's unique. One of a kind. Different from the other girls. I just... I just felt something different.." Sabi ni Ash.
"Are you serious?" Sabi ko.
"Why?" Kalmadong tanong sakin ni Ash.
"Don't tell me nagkakagusto ka na sa kanya ah." Sabi ko.
"Ash, please hwag mong itulad si Elisha sa mga babaeng pinaglaruan mo." Sabi ni El.
Hindi kumibo si Ash.
"El, matanong nga kita.. Gaano kasakit nung iniwan ka ni Kaye?" Tanong ni Ash ng seryoso.
"I almost die." Sabi ni El.
"I want to feel that." Sabi ni Ash.
Tumawa si El.
"Nasisiraan ka na talaga ng bait." Sabi ni El.
"But...how did you overcome it? One time bigla ka na lang naging masaya nun eh. Remember?" Sabi ni Ash.
Ngumiti lang si El.
"Ayoko na ulit masaktan pa." Sabi ni El sabay higa rin sa damuhan.
"Ako kaya? May totoo kayang magmamahal pa sakin? Yung hindi dahil sa gwapo ako." Sabi ni Ash.
BINABASA MO ANG
DATING MR. BILLIONAIRE [COMPLETED]
Teen FictionElisha-a girl who came from a poor family and able to get into the most prestigious school in PH because of her intelligence. And it happens that she met this guy named Ashton in a not-so-good moment that caused her disgust into him. Ashton- a cold...