Elisha's POV
Nasan na ba si El? Sabi nya ihahatid daw nya ako mamaya..
5pm na wala pa rin sya.
Tinext ko na si El ng ilang beses. Tinawagan ko na rin sya.
Maglalakad na lang siguro ako pauwi. Hindi ko kasi dinala yung motor ko kasi sabi ni El sya daw yung maghahatid sakin pauwi.
Umuwi na kaya ako mag isa? Baka kasi may emergency na nangyari kaya hindi na ako maihahatid ni El.
Tinext ko na lang ulit si El at sinabi ko na mauuna na akong umuwi, sinabi ko rin na naiintindihan ko at ayos lang.
Niligpit ko na muna yung gamit ko at saka na ako umalis ng library. Medyo madilim na rin pala sa labas.
Sa kabilang pinto na ako lumabas para mas malapit sa isang gate.
Sa di kalayuan nakita ko sila Clark at Ash na nakaupo sa hood ng kotche ni Ash.
Naglakad ako papunta sa kanila. Tatanungin ko sana kung nakita ba nila si El.
"SHIT BAGAY NA BAGAY PA RIN SILA!!" Sabi ni Ash.
Huh? Ano kaya yung pinag uusapan nila?
Medyo lumapit pa ako ng konti.
"MAHAL PA KAYA NI EL SI KAYE?" Sabi ni Ash.
Napahinto ako sa kinatatayuan ko nung narinig ko yung sinabi ni Ash.
Sino si Kaye?
Si El ba mismo yung tinutukoy nila?
As in si El Evans?
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Parang sasabog.
"SAYANG TALAGA YUNG PINAGSAMAHAN NILA NOON. MAAAYOS PA KAYA NILA YAN NGAYON?" Tanong ulit ni Ash.
Maaayos?
May pinagsamahan sila?
Ha? Ano?
Naguguluhan na ko sa mga naririnig ko.
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.
Mas nadurog yung puso ko nung nakita ko kung ano yung mismong pinapanood nila Ash at Clark.
Si El...
May kasama syang babae...
Baka naman kaibigan lang?
O family?
Relatives?
Cousin?
Bestfriend?
Saka ako namulat sa katotohanan.
Sino nga ba naman ako?
Girlfriend ba ko?
O isa lang ako sa mga nilalandi nya?
Sino nga ba naman ako compare sa babae na kausap ni El ngayon.
Mukang mayaman yung babae dahil may kotche.
BINABASA MO ANG
DATING MR. BILLIONAIRE [COMPLETED]
Teen FictionElisha-a girl who came from a poor family and able to get into the most prestigious school in PH because of her intelligence. And it happens that she met this guy named Ashton in a not-so-good moment that caused her disgust into him. Ashton- a cold...