Elisha's POV
Si Ash yung namili ng isusuot ko.
Pano kung hindi ako komportable sa napili nya?
"Okay sir." Sabi nung saleslady. Nakaupo lang muna ako dito sa may sofa nila.
"Come here ma'am." Sabi ng saleslady sa akin.
Pumunta kami sa kabilang room kung saan puro mga pastel colors yung clothes.
"Mr.Cameron wanted you to wear some fresh colors clothes. And because of the weather here in London, he wanted you to wear a color light blue closenecked longsleeve and baby pink Korean dress suit. And some pink boots. Don't worry Ma'am the boots are comfy to wear." Sabi nung saleslady.
Okay naman pala yung napili ni Ash. Saka malamig nga pala dito sa London. Medyo malapit na rin kasi mag christmas.
Tinulungan na ako nung saleslady na kuhanin yung mga damit na sakto sa size ko. Pati yung boots.
After ko makuha yung damit,saka ako nagbihis sa may fitting room.
"Excuse me ma'am." Sabi ko habang nasa loob ako ng fitting room.
"Is there any problem ma'am?" Tanong nya.
"Ha? No. I'm just wondering how much these clothes are." Sabi ko.
"Hmmm, for the longsleeve ma'am, if we will convert it into philippine peso, it costs around 7 thousand pesos. And for the dress suit, that costs 20 thousand pesos, and for the boots, I think that's 35 thousand pesos." Sabi nung saleslady.
"Oh my god! These clothes are very expensive!" Sabi ko. Medyo napatawa yung saleslady.
Hindi naman na sya nagsalita. Siguro sanay na silang makarinig ng ganito.
Di ko na napigilan yung bibig ko. Sobrang mahal naman pala dito! Saan ba gawa tong mga damit na to? Sa ginto???! 62 thousand na agad to in total? Etong tatlo lang na to? Juskooo! Pero sure ako na sasabihin nanaman ni Ash na eto na yung pinakamura hay nako!
Lumabas na rin ako agad ng room.
"Come on ma'am I will guide you back to Mr.Cameron." Sabi nung saleslady.
Bumalik na rin kami agad sa may cashier. "Bagay sayo." Sabi ni Ash.
"Thanks.." Sabi ko.
"Sir, here's the gown and heels of your girlfriend." Sabi nung saleslady sabay abot ng malaking paper bag.
Luh, hindi naman ako girlfriend ni Ash...
"Hello, please kindly dispose those clothes, throw it or keep it, whatever you want." Sabi ni Ash. Ha? Grabe! Eh sobrang mahal ng bili nya sa gown na yun ah at saka sa heels. Ganun na lang kadali itapon yun??!
Binigay na ni Ash yung credit card nya sa cashier. "Thank you sir, until next time!" Sabi nung cashier. Nagpaalam na din yung manager at ibang mga saleslady.
I wonder kung magkano yung nagastos ni Ash sa pagpapareserve ng store na to? 50k? 100k?
Naglakad na kami sa labas.
"Ash..." Sabi ko.
"Bakit? Hindi ka ba komportable sa damit na pinili ko? Sorry ha, dapat pala ikaw yung pinapili ko." Sabi ni Ash.
"Ha? Hindi yun. First of all, thank you dito sa damit. Ang ganda. Pangalawa, hindi mo naman ako kailangang bilan ng damit na ganito kamahal. Ayos na ko sa mumurahin lang. Medyo nakokonsensya kasi ako. Saka pera yun, dapat maingat ka sa paggamit ng pera." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
DATING MR. BILLIONAIRE [COMPLETED]
Teen FictionElisha-a girl who came from a poor family and able to get into the most prestigious school in PH because of her intelligence. And it happens that she met this guy named Ashton in a not-so-good moment that caused her disgust into him. Ashton- a cold...