Elisha's POV
Sunod sunod nilang niyakap si Ash para icongrats. Natutuwa naman din ako dahil tanggap nila kami at tanggap nila si Ash.
Kahit na alam nilang medyo bata pa rin kami, pinayagan naman na nila kami dahil may mga isip na rin daw kami at alam na namin yung tama sa mali.
Nagpabili agad si Mommy ng mga foods to celebrate my new relationship with Ash at dahil nagising na kami parehas.
It's already 6pm at patuloy lang sila sa pagkain at pagkukwentuhan. Sobrang saya nila tignan lahat.
"Sana eto na yung start ng masayang buhay natin...at tahimik.." sabi ni Ash.
"Nga pala Ash, ano palang nangyari sa mga kidnappers??" Tanong ko.
"Ah sila ba? Na corner daw sila ng pulis nung pababa sila kaya hindi rin sila nakatakas. Naisauli na rin lahat ng pera kay Mrs.Ruiz. At saka chineck na rin ng pulis yung sinasabi ng mga kidnappers na tunnel at may nahuli pa sila dun na ibang mga kriminal. Sa ngayon, wala na tayong dapat ipag alala..." sabi ni Ash.
"Sana nga talaga.." sabi ko.
"Kamusta na pala yung nararamdaman mo?" Tanong ko kay Elisha.
"Ha? Ikaw nga yung dapat kong tinatanong dyan dahil mas malala yung nangyari sayo. Although ako tong sumuka ng dugo, naoperahan naman agad ako and I feel better naman. Saka Mas nauna pa nga akong nagising kaysa sayo eh. At kagaya mo, pagkagising ko, ikaw rin yung una kong pinuntahan." Sabi ko.
"Ang sweet naman ng girlfriend ko!" Sabi ni Ash na halatang kinikilig haha! Ang cute nya grabeee!!
"Sabi ni Clark nagpumilit ka raw na lumakad papunta dito?? Hay nako ikaw talaga!!" Sabi ko sa kanya.
"Hehe syempre gusto kong makita ka agad!" Sabi ni Ash.
"Hahaha! Napakalakas mo talagang mambola!" Sabi ko.
"Di yun bola hano, totoo yon. Alam mo namang mahal na mahal kita eh." Sabi ni Ash.
"Kahit na, kakagising mo lang. Halos hindi ka pa nakakarecover sa dami ng sugat na meron ka. Ang dami mong bubog nun sa katawan, dalawang tama ng baril, mga pasa, dumugo pa yung palad mo nun sa sobrang pagpupumilit..Dapat nung nagising ka, hinintay mo na lang akong pumunta sayo.." sabi ko.
"Bakit ba e hindi na ako makapag tiis na hindi ka makita agad.." sabi ni Ash habang napapangiti.
"ASH! COME HERE DALI MAY IPAPAKITA KAMI SAYO NA BAGONG TRICKS!!" Pag aaya ni Clark habang kausap si El at Autumn.
Grabe nakakatuwa dahil mukang magkakasundo na silang lahat ngayon.
"Teka lang Elisha ha? Pupunta na muna ako sa kanila.." sabi ni Ash at saka nya hinalikan yung noo ko.
"NAKS! KASWEET NAMAN!!" Sigaw ni MM.
Paika ikang lumakad si Ash papunta kila Clark.
"Oh, teka! Tulungan na kita maglakad.." sabi ni Clark at pupuntahan na sana nya si Ash para tulungan sanang maglakad kaso bigla tong nahimatay.
"ASSSHH!!! JUSKOOO!!!!" Sigaw ko. Agad na natigilan yung lahat sa pag uusap nila.
"ASHHHH!!! GISINGG!!!!" Sabi ni Clark.
Agad akong lumapit gamit yung wheel chair ko.
"ASHHHH PLEASEEE GUMISING KA!!! HINDI TO NAKAKATUWANG BIRO HA!!!" Sigaw ko habang umiiyak. Pero mukang hindi nagbibiro si Ash..namumutla na yung mga labi nya...jusko!!!!!!!
"Teka teka tatawagin ko si Doc!" Sabi ni Clark na halatang sobrang kinakabahan at saka sya tumakbo papunta sa labas.
Agad agad din namang bumalik si Clark pagkalipas ng ilang saglit kasama si Doc at may kasama syang apat na nurse na lalaki para buhatin si Ash at ibalik sa hospital room nya.
BINABASA MO ANG
DATING MR. BILLIONAIRE [COMPLETED]
Fiksi RemajaElisha-a girl who came from a poor family and able to get into the most prestigious school in PH because of her intelligence. And it happens that she met this guy named Ashton in a not-so-good moment that caused her disgust into him. Ashton- a cold...