Elisha's POV
"We're here." Sabi ni Ash.
May kinuha si Ash na eyeglasses.
"Malabo na yung mata mo kuya pogi?" Tanong ni Bornok.
"Hindi." Sabi ni Ash.
"Eh bakit ka nagsusuot nyan?" Tanong ni Bornok.
"Bawal kasing makilala si kuya pogi mo ng ibang tao." Sabi ko.
"Eh bakit?" Tanong ni Bornok.
"Kasi magkakagulo yung mga tao." Sabi ni Ash.
"Bakit? Artista ka ba kuya pogi?" Tanong ni Bornok.
Tumango na lang si Ash para matapos na yung pagtatanong ni Bornok.
Iniba rin ni Ash yung hairstyle nya at saka sya naghikaw ng Black at nagsuot ng contact lens na color light blue.
Hindi ko maiwasan na mapatingin kay Ash habang nag aayos sya. Grabe bat parang sobra syang gumwapo???
"Bakit? Bagay ba sakin maging nerd? Or gangster? Haha!" Sabi ni Ash.
Nag iba nga yung itsura nya. Dahil na rin siguro sa iba nyang hairstyle at sa may salamin.
Nagpalit din si Ash ng sapatos at nagsuot na lang sya ng puting rubber shoes.
"Lumabas na muna kayo at magpapalit ako ng damit." Sabi ni ash.
"Halika na Bornok." Sabi ko at saka na kami lumabas ng kotche.
After ng ilang saglit, lumabas na rin ng kotche si Ash
Naka plane white na lang sya na t-shirt na may kwintas na dogtag.
"Grabe! Para ka na talagang gangster kuya pogi!" Sabi ni Bornok na bilib na bilib.
Sabay sabay na rin kaming naglakad papasok ng Mall.
Medyo napapatingin tingin naman yung ibang tao kay Ash.
"Baka makilala nila ako.." Pag aalalang sabi ni Ash.
"Hindi. Nagagwapuhan lang sila sayo." Sabi ko.
"So nagagwapuhan ka rin sakin?" Tanong ni Ash.
"Che, dyan ka na nga." Sabi ko.
"Joke lang hahaha." Sabi ni Ash.
"Nagugutom ka na parekoy? Saan mo gustong kumain?" Tanong ni Ash.
"Ash, remember ha? Wag mo ng ipapareserve yung buong place. Baka makilala ka nila pag ginawa mo yun saka masyadong magastos." Sabi ko.
"Okay boss." Sabi ni Ash sa akin.
"Ahmn...gusto ko sa...." Sabi ni Bornok habang nahihirapang pumili dahil sa magkakasunod na restaurant.
"Try natin sa Yakimix?" Sabi ni Ash.
"San yun? Ayoko dun!" Sabi ni Bornok.
"What?why?! Dun na lang! Marami dung ibat ibang klase ng ulam at sweets! " Pagpipilit ni Ash.
"Gusto ko sa...joliibeeeeeee!!!!!!" Sabi ni Bornok.
Tinatawanan ko lang silang dalawa.
"Oh, dun daw yung gusto nya." Sabi ko.
"Masyado namang pangbata dun! Mawawala yung kagwapuhan ko." Sabi ni Ash.
"Remember, yung bata yung masusunod." Sabi ko.
"Sige na sige na tara na." Sabi ni Ash na halatang napipilitan.
Pagpasok pa lang namin sa jollibee, medyo marami na ring mga tao.
BINABASA MO ANG
DATING MR. BILLIONAIRE [COMPLETED]
Teen FictionElisha-a girl who came from a poor family and able to get into the most prestigious school in PH because of her intelligence. And it happens that she met this guy named Ashton in a not-so-good moment that caused her disgust into him. Ashton- a cold...