Elisha's POV
Pagkabayad namin ng laruan, agad naming hinanap si Bornok.
"ANG LIKOT LIKOT MO KASING BATA KA! AYAN TULOY!" Sabi nung saleslady habang sinisigawan si Bornok.
Sa gilid naman nakakita kami ng sirang laruan or robot na malaki.
"What happened?" Tanong ni Ash na halatang nagulat sa nangyayare.
Agad na tumakbo sa gawi namin si Bornok. "Kuya pogi hindi ko po sinasadya." Sabi ni Bornok habang umiiyak.
"HINDI SINASADYA?! SINABI KO NA SA BATANG YAN NA HWAG SYANG GANONG MALIKOT AT BAKA MAKASIRA SYA, AYAN TULOY!! JUSKOOOO LIMITED EDITION NA TOY CAR PA YUNG NASIRA NYA!! MYGAD!!" Sabi nung saleslady habang umiirap irap pa.
"Miss pwede pakicontrol naman yang sinasabi mo?" Sabi ko ng mahinahon.
"OH? TAPOS KASALANAN KO PA NGAYON! SA DAMAGE NA NANGYARI NA YAN AKO NANAMAN YUNG SISISIHIN NG BOSS KO!" Sabi nung saleslady.
"Babayaran ho namin lahat." Sabi ni Ash.
"BABAYARAN?? EH MUKA KA NGANG TAMBAY LANG SA KANTO!" Sabi nung saleslady.
"Feeling mayaman pa yung jowa. Nakadress dress pa kala mo naman may hasyenda!" Sabi nung saleslady ng mahina pero narinig naman namin.
Pinipilit kong kontrolin yung inis na nararamdaman ko.
"I said, we will pay for it." Sabi ni Ash na halatang naiinis na.
"HWAG MO KONG ENGLISHIN DYAN! SAKA PWEDE BA SA SUSUNOD BANTAYAN NYO NG MABUTI YANG ANAK NYO? ANG AGA AGA KASING NAG ANAK TAPOS HINDI NAMAN PALA KAYANG BANTAYAN!" Sabi nung saleslady.
"Wait lang." Sabi ni Ash at saka sya pumunta ng CR. Alam kong hindi na rin nya kayang kontrolin yung galit nya kaya siguro nagpunta na muna sya sa CR. Agad ko namang pinatahan si Bornok sa pag iyak.
"Hwag ka ng umiyak baby ko, wala kang kasalanan okay??" Sabi ko.
"Pero si kuya pogi mukang galit na sakin." Sabi ni Bornok.
"Ha? Hindi sya galit sayo." Sabi ko.
"EXCUSE ME MA'AM. I am the manager of this store." Sabi nung lalaki na medyo mataba na maliit.
"Bakit naman ho ganyan yung ugali ng Saleslady nyo dito. Alam naman ho namin na kasalanan ho namin yung nangyari. Handa naman ho kami na magbayad. Hindi naman na nya po kailangang ipagduldulan ho yung pagkakamali namin. Pati yung bata sinigaw sigawan nya pa. Alam nyo po ba na pwedeng magdulot ng trauma sa bata yun? Saka lahat ng saleslady dapat marunong gumalang sa mga bumibili at mahinahon ang pakikitungo. Nakaka disappoint naman hong bumili dito. Maski kami binastos ng saleslady nyo na yan at kung ano ano yung sinabi." Sabi ko.
"Pasensya na ho ma'am. Ako na ho yung humihingi ng tawad." Sabi nung manager.
Agad namang bumalik si Ash.
Kaso nagulat ako ng tinanggal na nya yung salamin nya pati yung contact lense at saka ibinalik na rin nya yung hairstyle nya.
Sinundan naman sya lahat ng mga saleslady na halatang mga kinikilig at natatakot sa pwedeng mangyare.
"M-M-Mr. C-C-Cameron??" Sabi nung manager.
"S-sya si Mr.Cameron??" Sabi nung saleslady na nagpahiya sa amin.
"Yes ako nga. Ang kaisa isahang may ari ng Mall na to. Ano? Baka naman may gusto ka pang sabihin dyan? Na muka akong adik? Mukang tambay? Basagulero? Gangster? Ano pa?" Sabi ni Ash na halatang hindi na makontrol yung inis na kanina nya pa pinipigil.
BINABASA MO ANG
DATING MR. BILLIONAIRE [COMPLETED]
Fiksi RemajaElisha-a girl who came from a poor family and able to get into the most prestigious school in PH because of her intelligence. And it happens that she met this guy named Ashton in a not-so-good moment that caused her disgust into him. Ashton- a cold...