Elisha's POV
"OKAY, DATE ME." Sabi ni Ash.
"NO!" Sigaw ko agad.
"Ayaw mo?" Tanong ni Ash.
"BAKIT MAHAL MO BA KO?" Tanong ko.
Tumawa si Ash ng mahina. "Malamang hindi." Sabi ni Ash.
"Eh siraulo ka pala eh. Ang Date para lang yan sa taong nagmamahalan!" Sabi ko.
"Then choose. Date me or papaalisin kita sa school na 'to. You know I can kick you out." Sabi ni Ash.
"Ash ano nanaman ba 't0??" Tanong ni El.
"Pwede ba El kahit ngayon lang wag kang mangealam dyan?" Sabi ni Ash.
"ANO NA? PUMILI KA!" Sigaw ni Ash.
Ano?
Ayoko talagang makick out! Lagot ako kila mama at papa. Baka mapahiya lang sila sa mga kapitbahay namin. At gusto kong matupad yung mga pangarap ko dito,
"What if pumayag ako na makipagdate sayo? Ano naman yung gagawin natin?" Tanong ko.
"Ako ng bahala don. Basta ang kailangan mo lang gawin, pag sinabi kong sumama ka sakin, sasama ka sakin. Sa ayaw mo at sa gusto." Sabi nya.
"Okay deal. Sa isang kundisyon." Sabi ko.
"Tsk. Ano naman yon?" Tanong nya.
"No kissing." Sabi ko.
Tumawa si Ash.
"HAHAHAHAHAHA!! Malamang noh hindi naman kita type." Sabi ni Ash.
"Di mo naman pala ako type bat naisipan mong idate ako?" Tanong ko.
"Wala ka na don. Sige na lumayas ka na sa harapan ko. Naaalibadbaran ako sayo." Sabi ni Ash.
Lumabas na rin ako agad ng ACE's room.
"Elisha anong nangyare?"
"Kick out na siguro sya"
"Siguro ginawa na syang alila."
"Hahahahahhahaha"
"Poor girl"
"She deserves it"
"Pabibo kasi"
"Masyado kasing malandi"Hindi ko na lang pinatulan yung mga sinasabi nila at saka na ako naglakad paalis ngsoccer field.
Clark's POV (uyyy! change POV muna tayo saglit)
"Hoy Ash siraulo ka na pala ngayon?" Sabi ni El.
"Anong sinabi mo??" Sabi ni Ash at saka biglang tumayo.
"Nakalimutan mo na ba yung deal natin?" Sabi ko sa kanya.
"Labas na ko don ngayon. Nagbago na ko. Masyadong pangbata yang promise promise na yan." Sabi ni Ash.
Simula elementary magkakaibigan na kami nyan nila El at Ash. Lagi kami sa bahay minsan nila Ash, minsan naman kila El at minsan din sa amin. Pare parehong mga busy yung magulang namin except sa mommy ni El na sobrang maalaga. Saka may lola naman ako na laging nandyan para sa akin. Si Ash lang talaga tong halos walang kasama sa buhay kundi yung mga katulong nila sa bahay.
Nung first year college kami dito, napagkasunduan namin at nangako kami sa isa't-isa na never kaming makikipagdate sa taong hindi namin gusto. Si El, isa pa lang yung nagiging girlfriend nyan, last year lang sila nagbreak. Nag two years din sila, kaso nagpakasal sa iba yung babae kasi yun ang gusto ng magulang nya. Sobrang lungkot ni El nun na halos mabaliw sa sobrang galit. Akala nga namin eh hindi na sya magiging okay. Pero one time nakita na lang namin si El na nakangiti na parang inlove. That time alam namin na may iba na syang nagugustuhan kaso hindi nya pa rin sinasabi hanggang ngayon.
Nagulat na lang kami ngayon kay Ash at sinira yung pangako namin sa isa't isa.
"Hwag na hwag mong ipapahamak si Elisha tandaan mo yan Ash." Sabi ni El.
Naka face to face na sila ngayon.
Mygad! May boxing atang mangyayari. Should I get a popcorn?
"Bakit? Ano ka ba nya?" Tanong ni Ash kay El.
"Kaibigan ko sya El. Kaibigan namin sya ni Clark. Saka pwede ba Ash! Dahil lang sa pagkakahulog ng notebook na yon halos mamatay ka na sa galit dyan. Tandaan mo Ash hindi yan kasalanan ni Elisha. Nautusan lang sya tandaan mo. Hindi bat sa tatlong babae ka dapat na yon magalit?" Sabi ni El.
Ngayon lang sila nagsagutan ng ganyan kalala. Buong buhay namin nagkakasundo kami sa lahat ng bagay.
"At sino ka para sabihan ako ng dapat kong gawin?" Sabi ni Ash.
"Kaibigan mo ko Ash!" Sigaw ni El.
Nagulat si Ash sa pagsigaw ni El. Never din sumigaw si El ng ganyan lalong lalo na at si Ash pa yung sinigawan nya.
"Pwede ba El? Wala naman akong gagawing masama dyan sa Elisha nyo." Sabi ni Ash at saka sya humiga sa sofa at binuksan yung TV.
"Pano kami makakasiguro sayo?" Sabi ni El.
"Di naman ako interesado sa babae na yan. negative 1% pa. Alam mong hindi ganyan yung mga tipo kong babae. Gusto ko yung sexy at alam mo na.." Sabi ni Ash.
"Oh eh anong balak mo kay Elisha? Ah... You have a plan right? You will make her fall in love with you tapos iiwan mo sya? Hahahahahaha tingin mo magkakagusto yon sa katulad mo?" Sabi ni El.
"We will see we will see." Sabi ni Ash.
"Tsk." Sabi ni El.
"Isip bata ka pa rin talaga Ash." Sabi ko na lang.
"Makakaganti din ako sa babae na yon." Sabi ni Ash.
//
Author's NoteTrivia: Alam nyo bang pangarap kong makapagpublish ng sarili kong book? Well, lahat naman siguro ng author yun ang pangarap. So please help me. Please recommend this story sa mga friends nyo yieeee thank youuuu!!
Another Trivia: nagsimula akong nahilig magbasa nung grade9 ako, 2014. At nagsimula akong magsulat ng stories noong grade10 ako,2015. Sa ngayon nakaka seven na stories na ko. Yiee
Pleaseee vote mga loveliesss
~kim
BINABASA MO ANG
DATING MR. BILLIONAIRE [COMPLETED]
Dla nastolatkówElisha-a girl who came from a poor family and able to get into the most prestigious school in PH because of her intelligence. And it happens that she met this guy named Ashton in a not-so-good moment that caused her disgust into him. Ashton- a cold...