Chapter XX: TOO MUCH

13K 272 5
                                    

Elisha's POV

Argghhhh!!! Nakakainis talaga yang Ash na yan!!

Kabago bago pa naman ng sapatos na to galing kay Autumn!!

Tuloy kailangan ko pa tong labhan ulit.

Pagkauwi ko sa bahay, dali dali kong pinark yung motor sa tapat ng nirerentahan ko. Kaya namang ipasok yung motor dito sa mga eskenitang madadaanan eh.

Kumuha na ko agad ng brush at saka ko kinuskos yung talampakan ng sapatos ko para maalis yung pagkamalagkit nya.

Naalala ko tuloy yung nangyari kanina.

Teka, bakit biglang bumilis yung tibok ng puso ko?

Arggghhh!! Nakakainis!! Ano ba Elisha, hindi mo sya gusto okay? Kaya bumibilis yang tibok ng puso mo eh dahil sa sobrang inis! Saka duh~ mas higit na mabait naman si El kaysa sa mokong na Ash na yon. Mas pipiliin ko si El noh!

Yung mga tipo ni El yung gusto ko, mabait, nag aaral ng mabuti, caring, sweet? Maybe? Approachable, matalino at higit sa lahat gentleman. Hindi tulad ng Ash na yan, walang modo, walang respeto sa babae, isip bata, tarantado, walang magawa sa buhay, mayaman nga wala namang kwentang tao, matalino nga pero hindi ginagamit yung isip! Nakakainis!

After kong malaban yung sapatos ko, isinandal ko na muna sya sa tapat ng bintana para maarawan bukas.

4pm na din pala, malapit na maghapunan. Kakain na lang ako ng tinapay at iinom ng gatas mamaya.

Kinuha ko na yung bag ko at saka ko na inalis yung letter ni Autumn at nilagay ko na sa box kasama ng mga letter nya.

Mga tatlong notebooks lang naman yung laman ng bag ko. Mga ballpen, eraser,pantasa,at lapis. Saka yung picture ko nung 7 years old ako.

Sobrang panget ko sa picture na to, maitim pa ako nyan dahil halos magbilad ako maghapon sa bukid namin noon, bungi bungi pa yung ipin ko dito dahil sobrang hilig ko sa candies, pero sobrang lapad ng ngiti ko dito...which is I think,cute. Saka si Lola ko kasi yung nagpicture sa akin nito. Which is one of the best lola in the world! Sayang lang at maaga syang kinuha ni God sa amin.

Clark's POV

*kinabukasan*

"Tignan mo tong si Nico, hindi na mapakali sa nangyare." Sabi ko.

Nandito kami ulit sa ACE Room. Si Nico halos kanina pa patayo tayo sa inuupuan nya.

"Oh come on Nico, tigilan mo na si Elisha!" Sabi ni El.

Tinignan lang ni Nico si El ng masama.

"Makakaganti din ako sa babae na yon." Sabi ni Ash.

"Ang bait bait ng tao na yon Nico. Wala naman syang ginawang masama sayo ah, alam kong alam mo yan." Sabi ni El.

Napaisip si Nico.

"Ah basta! Kailangan makaganti ako sa kanya." Sabi ni Nico.

"Tsk! Sinasabi ko sayo Nico tigilan mo na yan. Walang mabuting maidudulot ang pagganti." Sabi ni El.

"I can't wait to see her!" Sabi ni Nico na mukang may masama nanamang binabalak sa utak.

"Bahala ka sa buhay mo." Sabi na lang ni El na halatang naiinis na rin sa pagka isip bata netong si Nico.


*miyerkules*

Nandito kami ngayon sa hallway malapit sa mga lockers.

"Bat ba tayo nandito??" Tanong ko.

DATING MR. BILLIONAIRE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon