Chapter LXXVI: SORRY

8.4K 175 10
                                    

Elisha's POV

*kinabukasan*

Maaga rin kaming nagpasundo ni Ash kay Clark at El. Sabay na rin kaming bumaba ni Ash ng tree house at saka na kami naglakad pababa.

Mga 6am pa lang siguro. Medyo maliwanag na rin pero hindi pa sumisikat yung araw. Sobrang mahamog pa rin sa labas dahil medyo magubat nga dito kaya sobrang lamig din..

"Wear this." Sabi ni Ash at saka nya hinubad yung jacket nya at saka nya ibinigay sa akin.

"Oh, thanks.." sabi ko at saka ako napangiti.

Habang naglalakad kami pababa, si Ash panay ang alalay sa akin.

"Ash, kaya ko naman, don't worry." Sabi ko.

"Pero-"

"Kaya ko to." Sabi ko at saka ako ngumiti.

"WAH!" Napasigaw ako nung madulas ako sa isang bato dahilan ng pagkaka untog ng tuhod ko sa isang rough surface.

"Hala dumudugo!" Sabi ko at saka ko tinignan yung sugat ko. Medyo mahapdi din sya.

"Ayan kasi eh, ayaw pa kasing magpaalalay." Sabi ni Ash.

Unti unti na rin akong tumayo. Medyo pinipilit ko lang maglakad kahit sobrang sakit talaga.

Nagulat ako ng biglang umupo na parang nakaluhod si Ash sa harapan ko.

"Bakit?" Tanong ko.

"Sakay." Sabi nya.

"Anong sakay?" Sabi ko.

"Pumasan ka sa akin." Sabi nya.

"Ha? No, kaya ko." Sabi ko.

"Elisha, sundin mo na ko please. Ayokong makitang nahihirapan ka." Sabi nya.

"Eh ikaw naman yung mahihirapan." Sabi ko.

"Kaya ko. Sa laki ba naman ng katawan at sa tangkad ko na to." Sabi nya.

"Eh? Oh sige, bahala ka haha!" Sabi ko.

Pumasan na rin ako sa kanya at saka ako yumakap sa leeg nya.

"S-sorry medyo mabigat ata ako.." sabi ko.

"Haha! Ang takaw takaw mo kasi laging kumain." Sabi ni Ash sabay tawa.

"Hay nako!" Sabi ko.

"Just kidding." Sabi nya at saka na kami naglakad.

Hindi ko alam kung nagkukunwari lang ba si Ash na hindi nahihirapan o sadyang sobrang lakas lang ng katawan nya dahil wala akong sound na naririnig na mukang nahihirapan sya.

"Thank you ha.." Sabi ko.

"Wala yun." Sabi ni Ash.

"Basta thank you sa lahat.." sabi ko.

"Basta para sayo." Sabi ni Ash.

"Yieee!" Pang aasar ko at saka ko pinisil pisil yung pisngi nya hahahaha!

"Tss." Sabi nya at alam kong kahit hindi ko nakikita yung muka nya, alam kong napapairap sya habang nakangiti.

After ng ilan pang minuto, nakita na namin yung kotche. Nandun din si Clark at El.

"What happened??" Tanong ni Clark.

"Wala to, nadulas lang ako sa bato kanina." Sabi ko.

"Oh sya, may first aid kit ako dun sa loob ng kotche. Let's go." Sabi ni Clark.

Pagkapasok namin ng kotche agad na kinuha ni Ash yung first aid kid at saka nya nilinis yung sugat ko at saka nya nilagyan ng gamot.

"Keep it open. Kapag nilagyan natin yan ng band aid baka mas lalong matagal gumaling." Sabi ni Ash.

"Thank you." Sabi ko.

After ng ilang minuto hinatid na rin nila ako sa bahay namin.

"Go on, hinihintay ka na ng parents mo. Mauuna na rin kami. You can do it." Sabi ni Ash.

Nginitian ko sya. "Of course. Thank you~" sabi ko kay Ash.

"Bbyeee..thank you din Clark and El." Sabi ko at saka na ako lumabas ng kotche.

Umalis na rin sila agad.

"ANNNAAAKKK!!! JUSKOOO BUTI UMUWI KA NAAA!!!" Sabi ni mama at saka nya ako niyakap ng sobrang higpit.

"SORRY ANAK HA? KUNG NAGSINUNGALING KAMI SAYO NG PAPA MO." Sabi ni mama.

"Mama, okay na. Naiintindihan ko na lahat. Sorry pala kung naglayas ako." Sabi ko at saka ko niyakap si mama.

Si papa naman natanaw ko sa pintuan na nakatanaw sa amin habang nakangiti.

Tumakbo ako at saka ko rin niyakap si papa.

"Papa, thank you sa lahat ha? Kasi inalagaan nyo po ako at pinalaki nyo po ako ng maayos. Never ko pong naramdaman na ampon lang po ako." Sabi ko.

Agad tumulo yung luha ni papa sa sinabi ko.

"Basta anak sorry sa nagawa namin." Sabi ni papa.

"Hay nako! Tama na nga tong drama na to. Basta papa,mama, sorry. Hindi ko na po uulitin na maglayas. Saka thank you po kasi tinanggap nyo po ako sa pamilya nyo." Sabi ko.

Niyakap lang nila ako uli ng mahigpit.

Agad na naghanda si mama ng tinapay at juice. "Oh sya, kumain ka muna." Sabi ni mama.

"Saan ka ba anak nagpunta kagabi?" Tanong ni mama.

"Basta mama." Sabi ko.

"Hayaan mo na nga. Mukang kasama mo naman si Ash kaya kampante na ako." Sabi ni mama.

"Mama, alam din ba ng mga kapitbahay natin na ampon lang ako?" Tanong ko.

"Oo." Sagot ni mama.

"Bakit wala ni isang nagsabi sa kanila? O kahit nadulas man lang?" Tanong ko.

"Ganito kasi yan anak...dati, hindi kami magkaanak ng papa mo. Kasi nga baog ako. Eh si papa mo sobrang bait sa lahat ng tao dito sa atin. Nariyang bigyan ng pera si ganito, magdonate ng ganito, magvolunteer as ganito. As in! Kulang na lang eh maging Kapitan yung papa mo kaso ayaw nyang tumakbo. At sabi rin ng lahat na mas okay nga raw sana kung may anak kami. And then, isang araw, may nag iwan ng bata sa harapan ng bahay natin. Walang nakakita kung sino. Basta ang tanging alam lang namin nun eh sobrang swerte namin dahil dumating ka. Ikaw yung blessing namin sa buhay. Kaya simula nun, lahat din ng kapitbahay natin eh natuwa sa nangyari at napagkasunduan namin na hwag sayong sasabihin na ampon ka lang dahil ayaw naming isipin mo pa yung dati mong pamilya. Baka kasi isang araw, bigla ka na lang bumalik sa kanila...mahal na mahal ka namin..kaya ayaw ka rin naming mawala sa amin." Sabi ni mama.

"Mga ilang months po ako nung iniwan po ako sa inyo?" Tanong ko.

"Halos dalawang buwan ka pa lang siguro nun. Kasi kinailangan ka pa naming ipagamot nun at sustentuhan ng gatas." Sabi ni mama.

"Grabe naman po pala yung tunay kong magulang. Don't worry mama hinding hindi ako babalik sa kanila at kahit kailan hinding hindi ko sila hahanapin." Sabi ko.

"Halika nga dito." Sabi ni mama at saka nya ako niyakap.

"Thank you mama dahil pinalaki nyo ko ng maayos at minahal nyo ko na parang tunay na anak." Sabi ko.

"Nga pala, sabi sakin ni Gel kanina may mini reunion daw kayo sa Letizia's Restaurant mamayang 1pm. Dali na at gumayak ka na." Sabi sakin ni mama.

//
Author's Note

Maganda yung next chapter promiseee!!! :))) abang abangg~~~ yieeee

Sorry pala kung di na ko gaano nakakapagreply sa mga comments nyo, sobrang bagal talaga ng signal grabeee.. :<<<

My next update will be tomorrow! ;)

PS. Nanganak yung aso namin hihi ang cute cute nilaaa~~ share ko lang hehez!

~kim

DATING MR. BILLIONAIRE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon