Ash's POV
*fast forward*
March.
Kakatapos lang ng graduation ceremony namin.
Sobrang bilis lumipas ng panahon. I graduated as Summa Cum Laude ng batch namin. Sa wakas nagbunga rin yung ilang taon kong paghihirap.
Tinext lang ako ng Congratulations ni mommy and yun na yun! Better than wala right?
Si Elisha, namuhay din ng tahimik after nung insidente. Hindi na nasundan ng iba pa. Puro lang kami aral parehas pero happy naman lalo na pag nakakakuha kami ng Awards. Saka sabay din kami laging kumain ng lunch sa may cafeteria at hinahatid sundo ko sya.
Si Elisha na maintain nya yung flat1 na average nya ngayong 1st year. There's more to come kaya nag aadvance reading na sya ngayon.
"CONGRATULATIONSSSS!!!!!" Bati sakin ni Elisha at nung family nya.
"Hala ano pong ginagawa nyo dito???" Tanong ko sa family nila Elisha.
Nasa parking lot kami ngayon, pauwi na sana ako pero nagulat ako ng makita ko sila na naghihintay dito sa tabi ng kotche ko.
"Ayaw mo ba kaming makita? Sige uuwi na kami." Sabi nung papa ni Elisha.
"Si papa talaga haha" sabi ni Elisha.
"Ano ka ba Ash, parang anak na rin yung turing namin sayo hano? Saka lagi kang dumadalaw sa amin kaya this time kami naman yung pupunta sayo." Sabi nung mama ni Elisha.
Hindi ko napansin na kasama pala nila si Bornok na agad na lumitaw galing sa gilid ng kotche ko.
"Congrats kuya pogi. Para sayo oh." Sabi ni Bornok at saka nya binigay yung hawak hawak nya na cake.
"Oh~thank you kulitt!!" Sabi ko at saka ko pinisil yung pisngi nya.
"Kuya pogi hati tayo dito sa cake ha? Mukang masarap eh." Sabi ni Bornok.
"Bornok!" Saway ni Elisha.
"Oh sige!" Sabi ko.
"Ayun! Kaya sayo ako kuya pogi eh!" Sabi ni Bornok at saka na kami nagtawanan.
"Oh sya, saan na po yung punta nyo nyan? Tara na po sumabay na po kayo sa akin at ng sabay sabay na po tayong kumain." Sabi ko.
"Ha? Ay wag na wag na nakakahiya naman anak." Sabi ng mama ni Elisha.
"Sige ka tita magtatampo ako pag di kayo sumama. Saka wala po kasi si mommy kaya wala po akong kasamang magcecelebrate, kaya please pwede po kayo na lang?" Pamimilit ko.
"Oh sige na nga! Alam mo namang malakas ka sa amin eh!" Sabi ng mama ni Elisha.
Sumakay na rin kami sa kotche ko.
Hindi ko sila dinala sa Cameron's Diner namin dahil baka malaman ni mommy, tyak magagalit lang yun. Sa isang sikat na restaurant ko na lang sila dinala.
"Ang ganda naman dito ay anak." Sabi sakin ng mama ni Elisha.
"GOODAFTERNOON MR.CAMERON." Bati sakin ng mga crew and staff nila.
BINABASA MO ANG
DATING MR. BILLIONAIRE [COMPLETED]
Teen FictionElisha-a girl who came from a poor family and able to get into the most prestigious school in PH because of her intelligence. And it happens that she met this guy named Ashton in a not-so-good moment that caused her disgust into him. Ashton- a cold...