Chapter LXXIII: LITTLE MOUNTAIN HOUSE

8.3K 161 8
                                    

Ash's POV

*ringggggggggggg*

*ringggggggggggg*

*ringggggggggggg*

Jusko gabing gabi na sino ba tong tumatawag na to??!

*ringgggggggggg*

Agad kong kinuha yung phone ko sa ilalim ng unan ko.

Mama ni Elisha????

"Hello po tita? Gabing gabi na ho ah, bakit ho kayo napatawag?" Tanong ko.

"A-Ashh...." sabi ng mama ni Elisha habang nauutal sa pagsasalita habang patuloy na umiiyak.

"Bakit ho kayo umiiyak??? Ano hong nangyare??????" Sabi ko.

"Si Elishaaaa..." sabi ng mama nya.

Jusko! Parang di ko na kakayanin kapag may kung ano pang nangyare kay Elisha.

*plak*

Tumilapon yung phone ko nung sinadyang salingin ni Clark.

"Ano ba yan!" Reklamo ko.

"Ang ingay ingay mo naman natutulog yung tao eh.." sabi ni Clark.

Nga pala, katabi ko ngayong matulog sila Clark at El. Yes, tabi tabi kaming tatlo dito sa kama ko. Ewan ko ba, ang childish man tignan pero nakasanayan na rin naming gawin minsan na tuwing aatakihin ako ng phobia ko, kapag alam nila na wala akong kasama, pilit nila akong sasamahan sa kahit ano man.

Ewan ko pero para sa akin, yun yung tunay na kaibigan. :)

Medyo weird nga lang haha. Kasi si Clark nakakabwisit talagang katabi sa kama dahil sobrang likot! Nariyang mangyayakap o kaya naman pilit na isisiksik yung sarili sa akin. O kaya naman mandadantay ng paa. At kung ano ano pa! Si El naman nariyang maghilik ng sobrang lakas o kaya naman magsalita habang natutulog!

Mabuti na lang at wala sa kanilang naglalaway kapag natutulog... hahaha!

Tumayo ako agad at saka ko pinulot yung phone. Tinawagan ko ulit yung mama ni Elisha.

"Hello po? Sorry po napatay ko po ata yung tawag. Nalaglag po yung phone ko e." Sabi ko.

"Help us pleaseee...Si Elisha naglayas ng bahay medyo kanina pa...hindi namin alam kung saan sya hahanapin..kung nandyan sya sa inyo, please send her back..." sabi ng mama ni Elisha.

"Po????? Si Elisha?? Naglayas???!" Sigaw ko.

Sabay na bumangon sila El at Clark nung marinig ako.

"What happened??!" Agad na tanong ni Clark.

"Please Ash, help us find her..." sabi ng mama ni Elisha at agad rin nyang pinatay yung tawag.

Agad kong sinabi yun kila Clark at El at saka na kami bumaba sa Parking lot para sumakay sa kotche ko para hanapin si Elisha.

"Inaantok pa ako...." sabi ni El at saka nahiga sa backseat ng kotche. Ganyan lagi si El, antukin at takaw tulog. Pero ang the best sa kanya eh, napaka supportive nya pa rin na kahit anong mangyari, nandyan pa rin sya para sumama.

"Bakit daw ba naglayas si Elisha??" Tanong ni Clark.

"Hindi ko rin natanong. Naguguluhan na rin ako. Ano ba kasing nangyari." Sabi ko.

"Kaya nga. Hindi naman si Elisha yung tipo ng babae na agad agad na maglalayas." Sabi ni Clark.

"Unless," sabay naming sabi ni Clark.

"May nangyaring masama.." sabi ko.

"Ano kayang problema ni Elisha? I'm sure medyo malalim yun dahil never nyang hahayaan yung parents nya na mag alala sa kaniya." Sabi ni Clark.

"Ang problema natin ngayon, saan natin hahanapin si Elisha?" Tanong ni Clark.

Sa totoo lang? Hindi ko rin alam. Wala kaming masyadong pinupuntahan ni Elisha.

10pm na rin.

"Mga anong oras kaya naglayas si Elisha??" Tanong ni Clark.

Inuna naming puntahan yung bahay nila Elisha para sabihin sa magulang nya na tutulong kami sa paghahanap kay Elisha.

"Please gawin nyo lahat para mahanap sya...sobrang delikado dito sa amin kapag gabi.. hwag kayong mag alala nagpatawag na rin kami ng tanod para tumulong sa paghahanap. Yung asawa ko kasi natutulog na sa sobrang kalasingan kaya hindi sya makatulong sa paghahanap." Sabi ng mama ni Elisha. Halatang mugtong mugto na yung mga mata neto kakaiyak.

"Bakit ho ba sya kasi naglayas?" Tanong naman ni Clark.

"Saka ko na ipapaliwanag sa inyo kapag nahanap na natin sya.." sabi ng mama ni Elisha.

"Oh sige ho. Come on, let's go find her." Sabi ko at saka na kami ulit sumakay ng kotche ko.

Si El hindi na bumaba sa kotche dahil sobrang himbing na ng tulog sa backseat.

"Saan naman tayo unang maghahanap?" Tanong ni Clark.

"Try na muna natin sa bukid nila. Ngayon ngayon lang naman sya naglayas diba? Dahil halos kakahatid nyo lang din sa kaniya kanina. Hindi pa yun gaanong nakakalayo." Sabi ko.

Pagdating namin sa bukid nila, wala kaming nakita na tao. May dala din kasi kaming mga flashlights. Nakasalubong na rin namin yung mga tanod ng baranggay na naghahanap din.

"Wala ka na bang ibang alam na pwede nyang puntahan?" Tanong sa akin ni Ash.

"Wala na...halos ako kasi lagi yung nagdadala sa kaniya sa iba't ibang lugar, usually sa condo ko lang at sa mga offices ng business namin.." Sabi ko.

"Pano na to...mukang mahihirapan tayo." Sabi ni Clark.

Kahit hindi kumibo si Clark alam ko yung iniisip nya. Na anong klase ako. Hindi ko man lang alam yung comforting place ni Elisha. O yung usual place na lagi nyang pinupuntahan kapag nalulungkot sya. Siguro marami pa akong dapat alamin tungkol kay Elisha...

Sinubukan na rin naming hanapin si Elisha sa mga parke dito na malapit o sa mga sidewalk bench at maski sa mga open na stores at cafe. Pero wala si Elisha sa lahat.

Time check: 1:58am.

"Nag aalala na ako. Baka naman kung ano ng nangyari kay Elisha!! Baka naman kinidnap na sya! Juskooo!!" Sabi ko.

"Ash huminahon ka, mahahanap din natin sya." Sabi ni Clark.

"Hoy!" Sabi ni Clark sabay tapik kay El na malakas. Kanina pa kasi natutulog si El sa backseat at hindi tumutulong sa amin sa paghahanap.

"Ano ba..." sabi ni El habang nakapikit pa rin.

"Nandito tayo para hanapin si Elisha hindi para matulog ka lang dyan! Jusko El!" Sabi ni Clark.

"Nasubukan nyo na bang maghanap sa Little Mountain House?" Tanong ni El habang nakapikit.

"Ha??? Saan naman yun?? May ganung lugar ba? Hay nako El hwag mo nga kaming pinaglololoko dyan! Pa Little mountain house mountain house ka pa dyan!" Sabi ni Clark sabay irap.

"Ayaw nyong maniwala edi wag!" Sabi ni El.

"Saan ba yon?" Desperadong tanong ko.

//
Author's Note

Happy holidays everyone! :)))

Enjoy your day and vacation! Be happy :)) every single day counts. Cherrish every moment with your love ones.

My next update will be tomorrow :))

~kim

DATING MR. BILLIONAIRE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon