Chapter LXVI: THE TRUTH

9K 147 9
                                    

Elisha's POV

"Okay lang po ako." Sabi ko at saka nya ako tinulungan na tumayo.

Pinagpag ko na rin yung dumi sa damit ko.

"Salamat ha?" Sabi nya.

"Wala ho iyon." Sabi ko.

"Saan mo pala natutunan yun?" Tanong nya.

"Matagal ko na pong pinagpapracticean yun hehe pang self defense na rin po." Sabi ko.

"Ayos yan ah. Oh sya, saan ka ba nakatira? At Saan ka pala pupunta?" Tanong nung lalaki.

"Ay hindi po ako taga dito. Imimeet ko lang po si Ash- I mean yung kaibigan ko po." Sabi ko.

"Sabi na nga ba at Ikaw yun!" Sabi nya sa akin na parang gulat na gulat.

"B-bakit ho? Kilala nyo ho ako?" Tanong ko.

"I am Nico's father, it was nice meeting you Miss Andres. I've seen a lot of pictures of you together with my son. Alam mo na yung chismis mabilis kumalat." Sabi nya at saka sya nakipagshakehands sa akin.

"I-ikaw po yung dad nya??" Tanong ko ng medyo nagdududa.

"Meron akong patunay..wait.." Sabi nya at saka nya kinuha yung wallet nya.

Ipinakita nya sa akin yung picture nila ni Ash nung mga 2years old pa lang siguro si Ash. Oo sure akong si Ash yung kilik kilik nyang bata dahil ang dami ko ng nakitang picture ni Ash nung bata sya dun sa may condo nya at sa mansion nila.

Pero ang sabi sakin ni Ash na makaisa nya lang daw nameet yung daddy nya at yun pa yung time na pinagtabuyan sya. Pero I think sobrang bata pa ng 2years old para maalala lahat kaya siguro nakalimutan na ni Ash yung part na yun.

So mali si Ash? Inalagaan pala sya ng daddy nya nung bata pa sya? Pero bakit biglang naging ganun? Bakit?

Ang dami kong gustong bagay na malaman pero paano?

"Yes... did Nico already told you some stories about me?" Tanong niya.

"Yes po." Sabi ko.

So sya talaga yung dad ni Ash? Yung nagtakwil sa kanila? I don't understand! Akala ko ba ayaw syang ituring netong anak?? Eh muka naman syang mabait.

"I know what you are thinking. Yeah I'm a bad father." Sabi nya.

"Pero mukang hindi naman ho kayo masama.." Sabi ko.

Hindi ko alam pero nasesense ko talaga na hindi sya isang masamang ama.

"I know you are special to my son. Please help me na magkaayos kami...Nagmamakaawa ako sayo ija, ikaw na lang yung pag asa ko.." Sabi nya at saka ko nakita yung mata nya na nanggigilid nanaman yung mga luha. So totoo nga yung nakita ko kanina sa kalayuan na umiiyak nga sya.

"Siguro ho next time na lang, hinihintay na po kasi ako ni Ash eh. Sabi nya po kasi sa coffee shop kami magkita." Sabi ko.

"Nako..sorry anak ha? Mukang cancel na ata yung meet up nyo. We saw each other a while ago. This is the  second time na nagmeet yung mga landas namin again. I tried my best para kausapin sya pero galit na galit sya sa akin. He went back to hospital." Sabi nung lalaki.

"Hala ganun po ba?" Sabi ko.

"Please Miss Andres help me. Gusto ko talagang mabuo yung pamilya namin." Sabi nya.

"Hmn...sige po." Sabi ko.

"TALAGA???!" Sabi nya.

Nakita ko yung  pag asa sa mga mata nya. Nakita ko rin yung lungkot, yung sakit, yung pagsisisi.

DATING MR. BILLIONAIRE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon