Elisha's POV
*kinabukasan* (huwebes)
Pagpasok ko pa lang sa corridor ng school panay na ang bulungan nila.
Ako ba yung pinagbubulungan nila?
Malamang sa malamang.
Hinulog ko lang naman kasi sa pool yung notebook ni Ash which is isa sa mga famous sa school.
Pagkita ko sa main hall may sobrang laking banner na may nakasulat:
ELISHA, I AM INVITING YOU TO THE ACE's ROOM STRICTLY AT 4pm. -Ashton
As in sobrang laki ng banner siguro mga 15feet yung taas.
"Hahahaha patay ka ngayon, siguro may masama kang ginawa hano?" Sabi nung isa kong kaklase.
"Humanda ka ng maging alila nya." Sabi pa ng isa.
"Ikaw na yung pang tatlo na ginawan nya ng banner. Kalimitan sa ginagawan ni Ashton ng ganyan ay yung may sobrang laking atraso sa kanya." Sabi ng lalaking nakasalamin sa tabi ko.
"Pano mo nalaman?" Tanong ko.
So sobrang importante pala sa kanya nung notebook na yun kaya ganun na lang ka bigdeal? To the point na ginawan nya ko ng banner?
"Ako yung una nyang ginawan nyan. Parehas kaming first year nun ni Ashton, aksidente ko namang nabagsak yung laptop nya nun sa may library. Reporting namin nun that time tapos na zero kami sa part na yun kaya galit na galit sya sakin. Alam mo bang 1.2 ang average grade ni Ashton? Kaya sobrang pagpapahalaga nya sa grades." Sabi nung lalaki.
So sobrang talino pala ni Ashton?
"Anong ginawa nya sayo?" Tanong ko.
"Ginawa nya akong alila for the whole year. Tagabili nya ako ng pagkain nya. Taga bigay nya ako ng kung ano anong papeles papunta sa ganito sa ganon. As in sobrang dami nyang pinapagawa. Well siguro deserve ko naman yun. Although na zero kami sa reporting na yun, 10% lang naman yun ng grade namin at di totally naapektuhan yung grades ni Ashton dahil sobrang dami din naming reporting. Kaya ngayon? Iniiwasan ko ng makausap sya o makasalubong manlang." Sabi nung lalaki.
"Baka gawin nya din akong alila." Sabi ko.
"Yung pangalawa naman na ginawan nya ng banner ay yung sobrang arte naming kaklase nun. Sobrang kapal kasi ng muka nung babae na yun talaga tapos dumating sa point na unexpectedly na dumating yung mommy ni Ash tapos naabutan yung babae na yun na hinalikan si Ash. Sobrang bad timing diba? Ayaw kasi ng mommy at daddy ni Ash na naggigirlfriend sya ng di sinasabi sa kanila. At mas lalong malala na hindi pa man din girlfriend ni Ash yun, tapos hinalikan na sya agad. That time grounded si Ash na magparty sa labas ng school. Tinanggalan din sya ng ATM card at hindi rin sya nun binibigyan ng pera the whole month. Sa sobrang galit ni Ash dun sa babae, pina kick out ni Ash yung babae sa school natin." Sabi nung katabi ko.
"JUSKOO!! Seryoso ba!!????? Baka ganun din yung gawin nya sakin!!" Sigaw ko.
"Hindi na ako magtataka. Baka nga parehas pa yung gawin sayo, tatanggalin ka na sa school, tapos gagawin ka pa nyang alila." Sabi nung lalaki at saka na sya umalis.
Juskoooo!! Hindi ako pwedeng maalis sa school na to. Alam kong pwede akong ireklamo ni Ash sa mga teachers dahil dun sa ginawa ko. Juskooo!!
Hindi. Hindi pwedeng maalis ako sa school na to!
Umaasa sakin sila mama at papa at ayokong masira yung pangarap ko dahil lang sa Ashton na yan.
***
After matapos ng klase ko nagpunta na ako sa soccer field. Sobrang daming tao dito na naghihintay sa akin. Bulungan sila ng bulungan. Hindi ko na maintindihan yung sinasabi nila kasi sobrang lakas ng tibok ng puso ko.
Huminga hinga muna ako dito sa labas.
Sakto lang ako sa oras. Saktong 4pm na.
Hooooo! Kaya mo yan Eli! Hindi ka pwedeng matanggal sa school na to ng dahil lang sa mayabang na lalaki na yan. Aba dinaig pa talaga yung principal!
Kakatok na sana ako sa pinto kaso bigla agad bumukas.
Nanginginig yung tuhod ko habang bumababa ako ng hagdan.
Nakita ko si Ash na nakaupo sa sofa. Salubong agad yung kilay nya.
Si El at Clark naman nasa mini bar sa isang side.
"YOU'RE LATE." Sabi ni Ash.
"Ha? Bakit?" Tanong ko.
"4:01 na. Sabi ko diba 4pm!!!" Sigaw nya.
"ALAM MO BA KUNG BAKIT KA NANDITO!?" Tanong nya.
"H-h-hindi.." Sabi ko.
"BOBO KA TALAGA." Sabi ni Ash.
"Ash!" Saway ni Clark.
"OH BAKIT? MAY MASAMA BA SA SINABI KO?" Tanong ni Ash.
"Tsk." Sabi na lang ni Clark.
"ALAM MO BA KUNG ANO YUNG NAGING RESULTA NG GINAWA MO?" Tanong ni Ash sakin.
Tumango lang ako.
Nanggigilid na yung luha ko.
Huhuuuuu ayokong mapaalis sa school na to!!
"AT ALAM MO NA RIN SIGURO KUNG ANO YUNG NANGYARI SA SINULATAN KO RIN NG BANNER HANO ELISHA?" Sabi sakin ni Ash.
"ASSSHHHH!! PLEASEEEEEE, HWAG MO KONG PAALISIN DITO SA SCHOOL NA TO NAGMAMAKAAWA AKO SAYOOOO. KAHIT GAWIN MO NA LANG AKONG ALILA FOR 1YEAR O KAHIT 4 YEARS PA YAN! KAHIT ANO! KAHIT ANO GAGAWIN KO BASTA HWAG MO LANG AKO PAALISIN SA SCHOOL NA TOOOO. PLEASE ASH MAAWA KA SA AKIN..." Sabi ko habang umiiyak.
"Ash... Tigilan mo na to." Sabi ni El.
"PWEDE BA EL? HWAG KANG MANGEALAM??"
"PANO KUNG GUSTO KITANG PAALISIN??" Sabi sakin ni Ash.
Lumuhod ako sa harapan nya.
"PLEASE ASSSSHHHHHH!! NAGMAMAKAAWA AKO SAYOOOO..GUSTO KONG MAKATAPOS SA SCHOOL NA TO. MAAWA KA SA MGA MAGULANG KO NA UMAASA SA AKIN.." Sabi ko.
"ANONG PAKE KO SA MGA MAGULANG MO? BUTI NGA IKAW BINIGYAN PA KITA NG CHANCE HINDI TULAD NG GINAWA MO SA NOTEBOOK KO NA BASTA BASTA MO NA LANG HINULOG!" Sigaw ni Ash.
"ASH! PWEDE BA?!" Sabi ni El at saka ako itinayo ni El.
"Hindi mo kailangang lumuhod." Sabi sakin ni El.
"Kahit ano gagawin mo?" Sabi sakin ni Ash.
"Oo kahit ano." Sabi ko.
"OKAY, DATE ME." sabi ni Ash.
//
Author's NoteTrivia: yung ugali ni El ay nanggaling sa dati kong naka MU. Sobrang seryoso kasi nun kasama, boring at napaka professional kumilos. Although protective pero wala masyadong sense of humor. Hehe yun lang. Pero syempre iba si El sa naka MU ko hano. HAHAHAHHAAH
Please Voteee!
Please hintayin nyo ulit yung next kong update. Thank youuuuuu. Di ko alam kung makakapag update ako bukas, nilalagnat kasi ako mga beshuuu sobrang sakit sa ulo magtype.
~kim
BINABASA MO ANG
DATING MR. BILLIONAIRE [COMPLETED]
Teen FictionElisha-a girl who came from a poor family and able to get into the most prestigious school in PH because of her intelligence. And it happens that she met this guy named Ashton in a not-so-good moment that caused her disgust into him. Ashton- a cold...