Chapter XXXIII: LONDON?!

11.5K 203 1
                                    

Elisha's POV

"I know that smell, you used the very famous soap in Denmark which costs around 5k, is that it? The soap that has cream in color?" Sabi ni Ash.

Pucha. 5k? Isang sabon lang? Aba! Bulto bultong sabon na yung mabibili ko sa 5k na yan!

"I think you're hungry. Don't worry nagpaluto na ako kila yaya ng pagkain. Sorry pala kung hindi ka na nakapagbreakfast at lunch. Ayoko kasing mainterupt ka. Kaya alam kong nagugutom ka na ngayon. Hintayin na lang natin sila, malapit naman na maluto yun lahat." Sabi ni Ash.

"Buti alam mo." Bulong ko.

Jusko! Anong klase yan? Kayaman yaman ni hindi magawang pakainin yung tao. Nakakaloka.

Naupo na muna ako sa kama nya.

Grabe parang ganitong ganito yung kama nya dun sa office nya sa C Hospital na sobrang lambooottttt.

Nakakapagod ngayong buong araw oo!


Ash's POV

Tignan mo tong babae na to. Sobrang dali makatulog. Nahiga lang saglit, napikit lang saglit, nakatulog na.

Pamaya maya pumasok na rin sila yaya at si manang dala dala yung mga pagkain.

"Sir, eto na po lahat ng pinahanda nyo." Sabi ni manang Rosa.

"Ay Ash, gigisingin ko na ba sya? Para makakain na sya.. Kanina pa yan pagod at gutom." Sabi ni manang Flor.

"Sige ho manang pakigising na ho muna sya, lalabas na po muna ako. Lumabas na lang din po kayo mamaya pag kakain na po sya baka po kasi mahiyang kumain yung tao pag may nanonood." Sabi ko.

"Okay Ash.." Sabi ni manang Flor at saka na ako lumabas.


Elisha's POV

"Ija..." May tumapik sa braso ko.

"Ija gising na kakain ka na.." Sabi ulit nung boses.

Napamulat ako ng di oras.

"Nasan po ako?" Tanong ko.

"Nasa kwarto ka ni Ash. Pinagising ka nya samin para daw makakain ka na." Sabi ni manang flor.

Pagbangon ko sobrang dami kong nakitang tray ng pagkain.

"Wooooooooooowwww" sabi ko. Halos kuminang kinang yung mga mata ko sa nakikita kong mga pagkain.

"Sinigurado namin na magugustuhan mo lahat yan." Sabi ni manang flor.

"Thank you pooo.. Tara na pong kumain. Umupo na rin po kayo." Sabi ko. Nagtawanan yung ibang mga katulong sa sinabi ko.

"Hala may nakakatawa po ba sa sinabi ko? Tara na pong kumain." Sabi ko.

"Ija, para sayo lang lahat yan." Sabi ni manang flor.

"Sa akin lang? Hala eh ang dami po neto. Masasayang lang po ito kung ako lang po yung kakain." Sabi ko.

Halos pangfiesta na yung mga pagkain. May isang buong cake pa at ibat ibang klase ng ulam at panghimagas. Jusko! Ganito ba kumain yung mga mayayaman? Walang pakealam kung masasayang yung pagkain?

"Hala, sige na po kumain na din kayo, hindi ko po kayo isusumbong." Sabi ko sa kanila ng medyo mahina baka kasi marinig ni Ash.

"Hindi na ija, para sayo lang talaga yan sabi ni Ash. Saka hindi naman kami ginugutom dito, pwede naman kaming kumain kahit kailan namin gusto, mabait naman si Ash sa aming lahat." Sabi ni manang flor.

"Ay ganun po ba? Sige po marami pong salamat..." Sabi ko na lang at saka na din sila lumabas.

Grabeeeeee!!!!!!!

DATING MR. BILLIONAIRE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon