Chapter LII: PHOBIA

9.7K 183 11
                                    

Elisha's POV

Pagkatapos kong manood ng ilang mga movies, tumigil na rin ako.

Busy pa rin siguro si Ash na magtype dun sa laptop nya kaya naisipan ko na mag urong na muna ako ng pinagkainan namin.

Ano kayang masarap na hapunan?

Alam ko na!

Nilagang baka...

Tamang tama, mas masarap yun kapag bagong luto saka mabango at masarap yung soup.

Kumuha na ko ng karne ng baka dun sa may freezer ng ref. Lahat ng klaseng meat ata meron sya dito.

Hinugasan ko na muna yung karne at saka ko binabad muna sa tubig para medyo malusaw yung pagkakafrozen nya.

After nun nilaga ko na yung karne.

Naghiwa na rin ako ng patatas, mais at ibang gulay at saka ko na nilagay dun sa niluluto ko after kong matimpalahan.

Teka, anong oras na ba?

Kinuha ko yung phone ko, 6pm na rin pala. Sakto lang para sa maagang hapunan.

Umakyat na ako sa taas ulit para ayain si Ash na maghapunan.

Pagkabukas ko ng pintuan nakita ko si Ash na halatang mukang pagod na rin kakatype.

"Ash, kain na muna tayo?" Sabi ko.

"Sige sunod din ako agad." Sabi ni Ash.

Bumaba na rin ako para mag ayos ng table.

Pamaya maya bumaba na rin si Ash.

"That's my favorite!" Sabi ni Ash pagkita nya sa ulam na nasa lamesa.

"Talaga ba? Akala ko yung favorite mo yung ginisang cornbeef na may repolyo." Sabi ko.

"That was the second hehe. Saka remember? Kaya ko lang naman naging favorite yun dahil yun yung one and only dish na niluto sakin ni mommy." Sabi ni Ash.

"Talagang bihira kayo magbonding ng mommy mo noh?" Sabi ko.

"Wala eh, sobrang dedicated nya sa work." Sabi ni Ash.

Sabay na rin kaming nagpray at kumain.

"Yung daddy mo pala nasaan?" Tanong ko.

"Nasabi ko na ata sayo to dati, hindi ba?" Tanong ni Ash.

"Talaga ba? Eh nakalimutan ko na eh." Sabi ko.

"Makaisa ko pa lang sya nakita." Sabi ni Ash.

"Seryoso???" Tanong ko.

"Yes. Saka...he don't look as my father. I mean, parang hindi ko sya tatay. Halos ipagtabuyan nya ako nun sa office nya. Nagpakilala ako as his son. Pero ang sabi nya lang sakin "do you want some money? kausapin mo na lang yung secretary ko." That's it! Diba?" Sabi ni Ash.

Magsasalita na sana ako pero tuloy tuloy sya kung magkwento.

"Saka imagine, first time nya akong makita pero wala lang sa kanya. Grabeeeee! Saka bali balita na rin kasi nun na kaya nya lang pinakasalanan si mommy ko eh ng dahil sa pera. At nung yumaman na si daddy, iniwan na nya si mommy." Sabi ni Ash.

Halatang halata yung lungkot sa mga mata nya.

"Ikaw..ang swerte mo, kasi may parents ka na laging nandyan para sa'yo. Hindi man kayo mayaman, pero busog ka naman sa pagmamahal. Alam mo? Minsan naisip ko na sana hindi na lang rin kami mayaman, baka sakaling buo pa yung pamilya namin ngayon at baka nandito rin lagi si mommy at daddy ko para magluto ng ulam." Sabi ni Ash habang kumakain.

DATING MR. BILLIONAIRE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon