Chapter XVII: THE PACKAGE

12.5K 261 8
                                    

Elisha's POV

*tok tok*

*tok tok tok*

"ELISHAAA!!"

*tok tok*

"ANAAAAAK!!"

*tok tok*

Ano ba yun?

Pagtingin ko sa cellphone ko 6:15am pa lang.

Ang aga pa.

*tok tok*

"ELISHAAAA!"

Sino ba yun?

"ANAAAAAK!"

Hala! Sila mama at papa.

Bumangon agad ako at saka ko binuksan yung pinto.

Pagbukas ko dala dala ni papa yung motor.

"Bat nagmotor ata kayo ngayon?" Tanong ko.

"Sayo na muna 'to. Para hindi ka na naglalakad papunta school mo. Oh eto, 1k dagdag sa pera mo. Hwag kang masyadong magastos ha. Tipirin mo yan." Sabi ni papa.

"YESSSS! Sa wakas hindi na ko mapapagod maglakad!" Sabi ko.

"Oh saka eto pa." Sabi ni mama habang pinapasok yung isang malaking kahon.

"Ikaw na bahalang magtingin ng kung ano ako dyan. May sulat dyan si Autumn sayo. Nako anak, sana eh kayo na ni Autumn ang magkatuluyan, gusto ko sya anak para sayo, mabait at maalaga." Sabi ni mama.

"Si mama naman, bestfriend ko lang po si Autumn. Kaibigan nya lang din ako." Sabi ko.

"Bakit may iba ka bang gusto?" Sabi ni mama.

"Ha? W-wala!" Sabi ko.

"Nako Elisha ha baka kung sino sino yung lalaki na pinapapunta mo dito." Sabi ni mama.

"Si mama naman, wala ka bang tiwala sakin?" Sabi ko.

"Oh sya, gumayak ka na at pupunta tayo sa parlor." Sabi ni mama.

"Bakit ma? Magpapagupit nanaman ako? Ayoko na mama magpagupit." Sabi ko.

"Ako kasing bahala. Wala ka bang tiwala sa akin?" Sabi ni mama.

Naghilamos na muna ako at saka na muna kami kumain at umalis na rin kami pagkatapos.

Nagpunta na kami sa pinakamalapit na parlor.

"Ipaparebond ko po sana yung anak ko." Sabi ni mama.

"Okay po mamshiee! Halika na dito ija!" Sigaw nung bakla.

"Kaganda naman ng anak nyo mader!" Sabi nung bakla.

"Ay salamat." Sabi ni mama.

"Kanino ho ba sya nagmana ng kutis? Napaka kinis ho at ang puti pa." Sabi nung bakla.

"Hindi nga po ako ganong maputi." Sabi ko.

"Ano ka ba marunong akong mangilatis. May ipuputi pa yan. Magtiwala ka saken." Sabi nung bakla.

Kung ano ano na yung nilagay sa buhok ko. Pinipilit kong hwag makatulog sa ginagawa nung bakla. Sobrang tagal talaga.

Hanggang kailan pa ba 'to matatapos?

"Ay mader, nilagyan ko ng pagkabrown yung buhok ng anak nyo para mas makita yung beauty at kutis nya." Sabi nung bakla.

"Sige basta gusto ko gawin mong maganda yung anak ko." Sabi ni mama.

"Mama bat ba ko nagpaganito pa? Gastos lang to mama e." Sabi ko.

Hindi naman kumibo si mama. Parang busy sya dun sa likuran ko. Hindi ko alam kung ano yung ginagawa nya.

DATING MR. BILLIONAIRE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon