Nico/Ash's POV (pinaka hihintay ng lahat)
"Tara magbar." Sabi ko kay Clark.
7pm na rin pala. Nandito lang kaming dalawa ni Clark sa may restaurant ko. Yes, tama kayo ng nababasa, sarili kong restaurant. I got it when I was 18 years old, 2years ago. At ngayon? Sobrang dami na agad na branch. Although di ko totally sinasabi sa iba na sa akin tong restaurant na to, I let them think na sa family ko to.
"Aba aba! At sumisigla ka na ngayon ah." Sabi ni Clark.
"Nasan ba si El? Tawagan mo nga." Sabi ko.
Agad na kinuha ni Clark yung phone nya sa bulsa nya at saka nya tinawagan si El.
"Hello, oy nag aaya si Nico, tara daw magbar." Sabi ni Clark.
Niloudspeaker ni Clark yung phone para marinig ko.
"Saang bar? Pakitext na lang sakin yung address. Sunod na lang ako. Kasama ko si Elisha ngayon. Bye." Sabi ni El sa phone.
"Kailan pa sila nagsasama nyang Elisha na yan?" Tanong ko.
Ah... Now I know! Kaya napaka protective ni El sa Elisha na yon kasi may feelings na pala sya para dito.
Nakakainis!
Biglang lumakas yung tibok ng puso ko. Parang may galit akong nararamdaman.... selos?
No no no!
"Cancel it. Wala na kong gana magbar." Sabi ko kay Clark.
"Ha? Oh sige garod." Sabi ni Clark.
Tumayo ako agad at saka ko kinuha yung car keys ko.
"Uuwi ka na agad?" Tanong ni Clark.
"Hahanapin ko si El." Sabi ko.
"Nico..." Sabi ni Clark.
"I know I know. Hindi ako gagawa ng gulo okay? Tapos na yung samin ng Elisha na yon." Sabi ko.
Kinuha ko na rin yung kotche ko at saka na ako umalis.
I wonder kung nasan sila ngayon..
Sa restaurant?
Hmm? Sa mall?
Sa...arcade?
Hay nako! Bat ba ako namomroblema sa buhay ng Elisha na yan!
Habang nagmamaneho ako, nakita ko yung kotche ni El na nakaparada sa tapat ng isang parke.
Ang cheap naman, sa park lang!?
Hininto ko agad yung kotche ko at saka ako bumaba para hanapin si El.
Teka? Bat nga ba interesado ako sa buhay non? Kasi naiinis pa rin ako hanggang ngayon kay Elisha?
Arrghhhh!!!!!
Elisha's POV
Sobrang tahimik ng naging buhay ko simula nung matuldukan yung pag aaway namin ni Ash. Ang gaan din sa buhay pala.
And look! I think I'm in love with El. Di ko alam kung love na ba 'to pero ngayon ko lang to naramdaman. Parang sobrang bilis nga e. Pero ang tanging alam ko lang, gusto ko na sya since Day1, nung tinulungan nya ako nun nung naaksidente ako.
Feeling ko ang swerte ko lagi pag kasama ko sya. Parang may feeling na hindi mo maipaliwanag. Basta hindi ko maiwasan na ngumiti pag nakikita ko sya... Haaaaaay :>
BINABASA MO ANG
DATING MR. BILLIONAIRE [COMPLETED]
Teen FictionElisha-a girl who came from a poor family and able to get into the most prestigious school in PH because of her intelligence. And it happens that she met this guy named Ashton in a not-so-good moment that caused her disgust into him. Ashton- a cold...